Jewel POV
Mabilis niya akong inabutan ng tubig. Tinanggap ko naman iyon at ininom. Ramdam na ramdam ko ang nakakatunaw nyang titig sakin habang nainom ako kaya nag-iiwas ako ng tingin.
"Bakit ka nahihilo? Kumain ka na ba?" bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Oo. May nakain lang ata ako. Wag mo kong intindihin." sagot ko sa kanya. Pinilit kong hindi mautal para di nya mahalatang kinakabahan ako.
Nakatitig lang siya sakin pero di ko sinasalubong yun dahil sobra akong nakakaramdaman ng pagka-tense.
"I miss you" nakangiting pahayag niya. Kinuha niya pa ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa muka ko at inipit sa likod ng tenga ko.
Sa paraan ng pagtitig nya ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya. Nararamdaman ko pa rin ang init nun.
Sobra akong nakukunsensya. Hindi ko 'to deserve. Sa mga nagawa ko hindi ko siya deserve.
Napanuod ko ang guesting nya kay Mimi Pretty nung isang gabi. Sinabi nya dun na hindi pa kami break. All along akala ko ayaw niya na sakin dahil sa nakita niya.
Dahil sa panloloko ko pero mali ako.
Nagkamali na naman ako.Naging matapang na rin siya maging totoo kahit maging kapalit nun ay yung career na pinaghirapan niya. Sobrang makasarili ko talaga. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko at di ko man lang inisip na nahihirapan din siya sa sitwasyon.
Hindi ako karapat dapat sa pag-ibig niya.
"Koleen, magsisimula na" suway sa kanya ni Mommy Dina kaya umayos na siya ng upo.
Nakikinig lang kami sa magiging plot ng story. Maganda naman siya. Iba ang plot kumpara sa nakasanayan na plot ng pinoy teleserye.
"So pakibasa na lang ang contract at papirmahan na rin." sandali kong binasa ang mga nakalagay dun at wala naman akong masasabi na makakalabag sa karapatang pantao ko kaya pinirmahan ko na.
Ilang saglit pa ay natapos na kami. Konting kamayan at batian lang muna.
Nang matapat ako kay Miguel ay nag-smirk siya sakin. Tinanguan ko na lang siya. Wala ako sa mood makipag-iringan.
Nahihilo pa rin kasi ako. Marahil dahil kulang ako sa tulog. Isipin ko pa lang kasi na makikita ko si Koleen ay para na akong hihimatayin sa kaba.Napapitlag ako ng maramdaman kong may humawak sa bewang ko.
"Busy ka ba?" tanong ni Koleen.
Marahan kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko. Hindi dahil ayuko kundi naiilang pa rin ako sa kanya.
"Hindi naman. Ah, hindi! Busy pala ako" mabilis kong bawi sa sinabi ko.
"Ahh. Ganon ba? Aayain sana kita mag-lunch" malungkot na turan niya.
"Ahm. Sa s-sunod na lang" utal na sagot ko
"Saan ka ba pupunta after nito? Hatid na kita." alok nya na naman. Nakatitig siya sakin pero naglilikot ang mata ko. Pakiramdam ko matutunaw na talaga ako.
"May susundo ba sayo?"
"Wala!" mabilis na tutol ko sa sinabi niya.
"Hm. Edi, hatid na kita. May kasama ka ba? San ka pa pupunta? Dapat magpahinga ka na lalo na't nahihilo ka at namumutla"
Bakit ba ang bait niya pa rin sakin?
"Bakit ganyan ka?" di ko napigilan itanong sa kanya
"Ganyan? What do you mean?"
"Bakit ang bait mo pa rin sakin? You should've mad at me." sagot ko sa kanya pero ngumiti lang siya.
"Bakit naman ako magagalit sayo?"
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...