Trust

422 28 95
                                    

Jewel POV

Isa na naman sa mga pangako ni Koleen ang hindi niya tinupad. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Paulit ulit na lang pero wala akong kadala dala.

Ang tanga tanga ko na talaga!

Promise! Promise! Puro promise kasunod ng promise niya sorry!

Nanghihina akong napaupo na lang habang pinapanuod ang mga taga linis na ligpitin ang mga ginamit at kalat.

To: My Loves
Wala ng bisita. Nag-siuwian na sila. Hindi mo na naman tinupad ang pangako mo.

Sobrang sama ng loob ko habang tina-type iyon. Yung mga luha ko nagbabadya na namang tumulo kay lumabas muna ako at nagpunta sa garden para magpalamig.

"Jewel." dahan dahan akong lumingon sa tumawag sakin.

"Chino!" tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.

Buti pa si Chino. Lagi siyang andyan para sakin. Busy din naman siya pero nagagawan nya ng paraan. Bakit siya nagagawan nya ng paraan?

Kahit ako, busy din naman ako pero nagagawan ko rin naman ng paraan na makasama siya. Bakit siya hindi niya kaya?

"Hindi na naman siya nakapunta, sumira na naman siya sa pangako niya" tumulo na ang mga luha ko habang nagsusumbong kay Chino.

Inagwat niya ako konti sa kanya at pinunasan ang luha ko.

"Nandito naman kami e. Tahan na." malambing na saad niya habang tinitigan ako mata sa mata.

I feel comfortable with his words and hugs.

"Chino.." hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya.

Sobrang emosyon ang nararamdaman ko na hindi na ako nakapag-isip ng tama. Ang alam ko lang ay si Chino ang laging nandyan para sakin. Si Chino ang pumupuno ng mga pagkukulang ni Koleen.

Nang matauhan ay humiwalay agad ako sa kanya.

"S-Sorry. H-hin--" hihingi sana ako ng paumanhin sa kapusukan ko sa kanya pero muli nyang hinapit ang batok ko siniil ako ng halik.

Nakakaliyo ang mga halik niya na di ko namamalayan na tumutugon na pala ako pero hindi ko pinikit ang mata ko kaya natauhan ako. Para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig ng makita si Koleen.

Mabilis akong umagwat kay Chino. Fuck! I cheated.

"Koleen.." tawag ko sa pangalan niya pero ngumiti lang siya ng tipid sakin. Gumihit sa mata nya ang sobra sobrang sakit at gumulong pababa sa pisngi niya.

Bahagya niya pang pinunasan ang luha nya pero nagpatuloy lang iyon sa pagpatak. Nakita ko pa lahat yun bago siya tumalikod ang mabagal na hinahakbang ang paa palayo sa akin.

"Koleen." humakbang na ako palapit sa kanya ng marinig ko ang boses ni Chino.

"Jewel." awat niya sakin kaya nilingon ko siya.

"Hanggang kailan bang ganito, Jewel?" puno din ng sakit ang mata niya.

"Kapag hinabol mo siya, masasaktan ka na naman niya at sa tuwing nasasaktan ka, nandito ako. Kapag hinabol mo siya, masasaktan mo ako. At ako? Sinong nandito sa tuwing nasasaktan ako?" hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Muli kong nilingon ang pwesto ni Koleen kanina pero wala na siya.

"Jewel, kaya kong ibigay sayo lahat. Papatunayan ko sayo. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon patunayan ang sarili ko sayo." naramdaman ko ang sinseridad sa boses ni Chino.

Muli akong lumingon sa kanya. Niyakap niya ako at dun ko naramdaman na hindi ako nag-iisa.

---

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon