Labtim

469 34 52
                                    

Koleen POV

Hindi ko ini-expect na magtretrending ako sa twitter pagka-labas ng trailer ng Side Wheel. Ang bilis din dumami ng mga followers ko sa IG at Twitter.

Kinakabit nila ang pangalan ko kay Miguel. Eh halos di nga kami nag-uusap nun during taping days. Nakita ko na bumuo sila ng fans club ng Tandem namin ni Miguel.

Ano kaya magiging reaksyon ng selosa at over possessive kong girlfriend kapag nakita ito? Naku! Yari ako dun. Sana di nya pa nakikita. Tingin ko naman busy siya ngayon dahil nasa taping siya ng MMK pero kanina ko pa siya tinitext di naman nagrereply. Mag-9pm na dapat pack up na sila eh.

                                      
Inaantok na ako ng mag-text si Jewel.

From: My Loves

NOW. Sa unit ko.

Yun lang ang text nya. Pumasok agad sa isip ko na baka nakita nya na sa social media ang tungkol samin ni Miguel kaya kahit antok na antok na ako ay bumangon ako at nagmamadaling magbihis. Kapag nagpakupad kupad ako ng kilos baka mabugahan ako ng apoy.

Hindi ako under guys ha? Understanding lang talaga ako. Hehe
So, 15 minutes pa lang ay tanaw ko na ang Wil Tower mula sa tricycle.

Nakita ko agad si Jewel na nakahalukipkip at masama ang hilatya ng muka na nakatayo sa harap ng building.

"Bakit ang tagal?!" salubong nito sa akin

"Hala. Nagmadali na nga ako. Tara na muna sa loob." aya ko sa kanya. She rolled her eyes first before she turned her back from me.

As usual, wala kaming imikan na dalawa habang papunta sa unit nya.
Pagpasok namin sa unit ay wala akong yakap na natanggap.
Normal kasi na pagkasara ko pa lang ng pinto sasalubongin na ako ng yakap ni Jewel pero ngayon dumiretso siya higa sa kama

"Bilisan mo Koleen!" iritang saad niya.

Nagmamadali tuloy akong hinubad ang jacket na suot ko at cap. Jusko naman.

"Yes Mahal?" malambing na tanong ko sa kanya pagkahiga ko sa tabi nya.

"Wag mo kong ma-mahal mahal diyan! Bakit di mo sinabi sakin yung tungkol kay Miguel?!" napahawak ako sa puso sa lakas ng boses nya.

"Ssshh.. Loves, baka marinig ka ng katabing unit mo."

"Wala akong paki-alam! Kapag umuungol ka nga wala kang paki-alam eh!" diretsong saad niya. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.

"Di ka naman kasi nagtanong, Loves. Hehehe" palusot ko kaya halos patayin niya na ako sa paraan ng pagtitig nya.

"Kailangan ba itanong ko yun bago mo sabihin?!"

"Hindi." hindi natingin sa kanyang sagot ko "Natakot lang ako sa magiging reaksyon mo. Sorry na, Loves." niyakap ko pa siya sa bewang para lambingin

"Argh! Nakakaasar lang kasi!" iritang saad niya "Bagay daw kayo ng Miguel na yun!"

Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.
"Anong nakakatawa?!"

Hinaplos ko ang muka niya at nilapit sakin.

"Kasi po nagseselos ka kahit hindi naman dapat. Trabaho lang iyong samin ni Miguel. Hindi nga kami nagpapansinan nun offcam! Sungit sungit nun at wala din naman ako paki sa kanya. Isa pa, parehas kaming may girlfriend. Hahaha" natatawang sagot ko

"May girlfriend siya?" curious na tanong ni Jewel na tinanguan ko.

We end up stalking Miguel and his girlfriend Neri.

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon