Limit

394 32 39
                                    

Koleen POV

"Bakit nakatulala ka dyan? Nag-away na naman kayo ni Jewel?" usisa ni Ate Tina.

Nandito ako ngayon sa Milan, Italy para sa shooting ng movie namin ni Miguel. And i can't stop myself from thinking about Jewel. This past few days kasi feeling ko ang distant nya.

Ang cold nya nung last kaming nagkita nung nag-Tagaytay kami. Though alam ko naman na masama loob nya sakin dahil na-delay celebration ng anniversary namin pero hindi ko naman ginusto yun. God knows! How much i want to be with here always kaso may trabaho ako. May boss akong kailangang sundin.

"Di naman po. Namimiss ko lang siya" sagot ko dito. Sobrang busy ko kasi kaya di na kami nagkikita o kahit nagkakausap man lang. Pero lagi ko naman siyang naiisip. Lagi akong excited pa rin makausap at makasama siya.

"Wag kang mag-alala. Pauwi naman na tayo bukas. 3 days din yun ang pahinga mo para sa preparation mo sa Star Magic Ball" isa pa yan. Si Miguel ang ka-date ko sa ball kaya alam kong nasasaktan si Jewel.

Lagi ko na siyang nasasaktan kahit di ko naman sinasadya. Hindi ko gusto kapag nagseselos siya kasi alam kong masakit yun pero anong magagawa ko? Malaki naman talaga ang tulong sakin ng love team na ito para magka-project at makilala.

Kung pwede lang na magpakasal na kami at magsama gagawin ko para kahit gaano nakakapagod ang trabaho ay sa kanya pa rin naman ako uuwi. Siya pa rin ang makakasama ko sa pagtulog at paggising ko. Kaso bata pa kami para dun.

Habang nasa trabaho ay pinipilit kong magfocus para di paulit ulit ang eksena. Kinakabisado ko ang script ng mabuti at dinadamdam ko kwento para mabigay ang emosyon na hinihingi sa akin kaya kahit break ay di ko nagagawang hawakan ang cellphone ko. Kapag kasi nahawakan ko ang cellphone ko, bibitaw ako sa character ko dahil si Jewel na naman iisipin ko.


"Pack up na guys! Yes! Makaka-uwi na rin tayo sa Pinas!" masayang bulalas ni Direk gayon din ang mga iba pang staff.

At dahil uwing uwi na ako ay papahinga lang ako saglit at didiretso na sa airport.

10pm ngayon dito kaya madaling araw pa lang sa Manila at sigurado akong tulog pa si Jewel. I-susurprise ko na lang siya.

"Sigurado kang uuwi ka na agad? Pwede naman bukas na ng gabi. Mag-gala muna tayo dito!" pigil sakin ni Ate Tina.

"This place is so beautiful. Don't you want to enjoy it?" tanong din sakin ni Miguel

"Hindi na. Maiwan na lang kayo dito. Kailangan ko ng bumalik talaga sa Manila." hindi ko rin naman gaanong ma-eenjoy dito kumpara mo kapag kasama ko si Jewel.

1am ako umalis ng Italy. 13 hours ang biyahe dapat pero dahil may mga konting delay ay 15 hours akong nasa biyahe. It was tiring. I arrived around 4pm in Manila. Dumiretso muna ako sa bahay para ilapag ang mga gamit ko at kamustahin si Lola.

Bumubuti naman ang lagay niya dahil nabibili na namin lahat ng pangangailan niya pati mga vitamins at masusustansyang pagkain. Nabayaran ko na rin mga utang namin kaya naman pinapauwi ko na rin si Mama pero sabi nya tatapusin niya muna ang contract niya.

"Ate! Mabuti dumating ka na." masayang salubong sakin ni Raven pero mga gamit ko talaga sinalubong niya para sa mga chocolate.

Kinamusta ko naman si Lola at masaya naman siya.

"Nag-away ba kayo ni Jewel?" biglang tanong ni lola na kinagulat ko.

"Hindi po. Bakit nyo po natanong?"

"Kasi hindi na siya napunta dito." malungkot na saad niya

"Oo nga ate! Tsaka may lalaki sa IG story niya. Yun ba bago nya?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Raven. Halos hindi ko kasi nahahawakan ang cellphone ko kaya di ko alam tinutukoy niya.

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon