Totoo nga ang sabi ni Red. Maganda nga dito sa resort ng pinsan niya. Nakakarelax ang sariwang hangin at yung tunog ng hampas ng tubig sa dalampasigan.
Kahit na may swimming pool kami sa bahay at sa condo iba pa rin talaga ang dagat."Parang gusto ko ng tumira dito!" nakangiting bulalas ko.
"Pwede naman! Asawahin mo pinsan ka. Yung kapatid ni Chino hahaha" sinamaan ko siya ng tingin sa biro niya.
"Alam mo Red pwede ka namang manahimik kung wala kang masasabihing matino!" pang aasar ni Keira. "Tsaka sino pala si Chino?" curious na tanong niya.
"Sino daw si Chino? Hahaha" nanunudyong saad niya
"Ibabaon kita sa buhangin, Red!!" asar na saad ko at hinabol siya. Tatakbo dapat siya palayo pero hinawakan siya ni Andrew kaya pinaghahampas namin siya ni Keira. Nakikisali lang talaga si Keira kaya tawang tawa ako.
Nag-enjoy naman kami sa saglit na bakasyon namin. Marami kaming nakain, nangitim kami konti at nakapag post ako sa IG.
"Ayuko pa talaga umuwi" nakangusong saad ni Keira.
"Pwede ka naman mag-paiwan dito. Kung ako tatanongin gusto ko pa sana mag-stay kaso nga may ASAP ako bukas diba?" nag-puppy eyes naman si Keira sakin na parang nakiki-usap na mag-stay pa kami.
"Okay lang. Ako na lang muna uuwi. Dito lang kayo." nakangiting saad ko
"Ahm. Mukang di nga tayo makakabalik. Flat ang gulong! Wala pa naman akong dalang spare." saad ni Andrew kaya napatingin ako sa kanya
"Uy. Joke ba yan? Di magandang biro yan!" kinakabahan na ako
"Naku! Pagabi na. Bukas pa natin mapapaayos yan." gatong ni Red
"Paano ito? Kailangan ng umuwi ni Jewel." problema na din si Andrew at sinipa pa ang gulong ng kotse nya.
Ilang minuto pa kaming tumambay sa parking ng resort ng may dumaang pamilyar.
"Ayun! Insan!!" tawag ni Red
"Ano?" kunot noong sagot nya. Napaka sungit naman. Baka first day?
"Nasiraan kasi kami ng gulong. May spare wheel ka ba dyan?"
"Wala!" barumbadong sagot nito habang pinapasok sa compartment ang mga gamit niya.
"Uuwi ka na ba?"
"Oo." tipid na sagot nya sa tanong ni Red
"Isabay mo na lang si Jewel sayo. Kailangan niya na kasing umuwi. May guesting siya bukas sa ASAP." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Red.
"Hoy! Bakit ako lang? Di kayo sasama?"
"Alangan naman iwan ni Andrew ang kotse nya dito. Nakakahiya din kung iiwan ko siya dito dahil ako nagdala sa inyo dito tsaka mukang di sasama sayo yung isang yun" nginuso niya si Keira na bumalik pala sa may dagat at tuwang tuwang hinaplos ang buhangin.
"Ano? Sasama ka ba? Kasi kung hindi iiwan na kita." masungit pa rin na wika ni Chino at walang lingon likod na pumasok sa driver seat.
"Argh!! I hate you all! Di na ako ulit sasama sa inyo!" inis kong maktol sa kanila at nagmadali ng pumasok sa kotse ni Chino dahil di siya nagbibirong iiwan niya ako.
"Sasakay din pala ang dami pang arte. Seat belt!" utos nya at pinaandar na ang kotse. Di pa nga ako naka-seat belt dahil inuna kong ilapag sa likod ng kotse ang bag kong medyo may kalakihan.
Tahimik lang ako sa biyahe ng magsalita siya.
"Guesting sa ASAP? Artista ka?" tanong nyang di ako nililingon.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...