Koleen POV
Kakatapos lang namin mag-usap ni Jewel. Siguro good thing na rin na hindi siya nakipag-break sa akin. Atleast may kakapitan pa ako. Kasi sobrang nanghihina na ako sa mga nangyayari.
Sinusunod ko naman lahat ng sinasabi nila pero bakit kulang pa rin? Bakit habang tumatagal humihirap mga hinihingi nila.
Gusto ko na tumigil sa magulong mundo ng pag-aartista kaya lang hindi ko pa kaya. Hindi pa sapat ang ipon ko. Wala pa akong kakayanan. Ito pa lang ang bagay na alam kong makakatulong ako sa pamilya ko.
"Koleen, kumain ka muna" aya sakin ni Lola pero wala akong gana. Gusto ko lang humiga dito sa kama.
Rest day ko ngayon pero para di naman ako makapagpahinga.
"Tanghali na di ka pa nag-aalmusal." pangungulit pa rin nito.
"Wala po akong gana."
"Hindi pwede yan. Tatawagan ko si Jewel. Sasabihin kong hindi ka nakain." pananakot nito kaya wala akong nagawa kundi ang kumain.
Pagkatapos kumain ay nagtungo ako sa salon para sa preparations ko bukas sa Star Magic ball.
Pinagtitinginan ako ng mga staff. Pakiramdam ko gusto nila makichismis kaya poker face lang ako.Siguro akala nila masungit ako. Bahala sila, isipin gusto nilang isipin pero wala ako sa mood ngayon para magpanggap na masaya ako.
Nagparelax lang ako ng buhok, konting facial, armpit hair removal, manicure and pedicure tapos umalis na ako.
Bored na bored ako. Ilang beses ko gustong i-text o tawagan si Jewel. Gusto ko mariniv boses niya pero gusto ko din sya bigyan ng space tulad ng hinihingi. Kailangan namin iyon. Ayukong masakal siya ng sobra at maisipang iwan ako. Sinabi ko sa kanya na maiintindihan ko kung makikipaghiwalay siya pero di ko sinabi na kaya ko.
Madaling araw na naman ako nakatulog kakaisip sa sitwasyon namin ni Jewel kaya medyo tinanghali na ako ng gising at inaagad na naman ako ni Mommy Dina na pumunta na ng hotel kung saan ako mag-aayos.
This is my first Star Magic Ball after 4 years in showbiz industry, i should be excited right now but NO! How can i be excited if i know i'm going to lie the moment i step my foot on the venue?
Honestly, i don't feel like i am invited. Hindi si Koleen Sato na ako ang ininvite nila kundi ang Koleen Sato sa mga isip nila. And that's not me.
Mga 2pm akong dumating sa hotel room. Ibang hotel ito kaysa sa hotel nila Jewel pero malapit lang building hotel nila dito. Kayang kaya kong puntahan siya kung gusto ko pero di ko kaya.
"Koleen, don't remove your smile later. Maraming medias dun. Bawat sulok ng venue ay may media kaya wag kang gagawa ng ikakasira ng pangalan mo. Dumikit ka lang kay Miguel mamaya. Alam mo naman na sasabihin? Hindi totoo ang rumor tungkol sa inyo ni Jewel. Mag-bestfriend lang kayo! Si Miguel ang nanliligaw sayo pero dahil bata pa kayo di mo pa siya sinasagot pero baka malapit na. Ganon lang! Alam mo na baka dapat isasagot. Tinuruan na rin namin si Miguel...." marami pang sinasabi ni Mommy Dina pero nakikinig lang ako.
Nakakarindi. Paulit ulit. Para akong manyikang de pisi.
"You look so fabulous, Koleen!" manghang manghang saad ni Mommy Dina. Tinignan ko ang itsura ko.
I'm wearing a yellow long gown with white small bids. Conservative style siya dahil sa manggas nito. I like it pero ayukong ipakita sa kanilang natutuwa ako. I don't want to give them a single compliment.
Ilang saglit pa ay dumating si Miguel. He's also wearing a black slacks, black shoes, wala ako sa mood i-check ang suit niya basta naka-yellow suit siya, white sleeves sa loob at black bowtie.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...