Management

427 31 61
                                    

Koleen POV

"Koleen pwede ba kita makausap?" bigla akong kinabahan sa paraan ng pagtawag sakin ni Mommy Dina.

"Oo naman po, Mie. Ano po ba yun?" pinilit kong maging kaswal ang sagot sa kanya.

"Wag mo sanang mamasain ang sasabihin ko ha?"

"Hmm?"

"Aware ka naman siguro sa nangyayari sa social media?" hindi ako sumagot sa kanya at hinayaan siyang magpatuloy sa sasabihin niya.

"Alam mo naman siguro na kailangan mo ang MK. Si Miguel ang ka-loveteam mo hindi si--" puputolin ko sana ang sasabihin niya pero mabilis niya itong dinugtongan "Don't get me wrong. Mahal ko kayong dalawa ni Jewel. Gusto ko lang gawin ang trabaho ko bilang manager mo."

"Anong gusto mong gawin ko Mie? Diretsohin mo na."

"Nakukulangan kasi ang fans sa ginagawa mo. They want you to post constantly on your social medias account"

"Sorry Mie. Hindi kasi talaga ako ma-social media" para namang siyang nag-isip sa sinabi ko

"Hmm.. Kung okay lang sayo. Tina can handle your account. Magpopost lang siya ng update tungkol sayo. Sa inyo ni Miguel" i knew it. Gusto nila na si Miguel ang pinopost ko.

"Kayo po bahala Mie." walang ganang saad ko.

"For your career naman ito, Koleen. Alam kong pinaghirapan mo ito kaya dapat mong sulitin ang pagkakataon habang maingay ang pangalan mo." tumango lang ako at ngumiti ng tipid

"Tsaka bawas bawasan nyo sana ang sobrang public appearance nyo ni Jewel. Marami ng nakakahalata. Laylo muna kayo"

"Okay Mie."

To: My Loves
Jewel, hindi muna ako makakadaan sayo ngayon ha? Papahinga ako.

Mabilis na nagreply si Jewel at alam kong magmamaktol na naman siya.

From: My Loves
Ngayon ka lang ba napagod? Lagi ka naman pagod pero dinadaanan mo ko. Sabi mo pa narerelax ka kapag kasama ako. Tsaka di naman kita papagurin ah!

Sabi na nga ba magrereklamo siya. I knew her so well. She's clingy and childish most of the time.

To: My Loves
Sige na Loves. Sa sunod na lang tayo magkita para naman mamiss mo ko hehe

Pambobola ko na lang baka gumana.

Calling My Loves...

Tumatawag si Jewel.

"Jewel."

"Jewel ka dyan?! Bakit di Loves? Tsaka bakit di ka dadaanan dito?!" para siyang batang nagta-trantums na.

"Sinabi ko na sayo diba? Papahinga ako. Napagod talaga ako. Magpahinga ka na rin, LOVES." inemphasize ko ang loves para di nya na punahin.

"Ge! Bahala ka dyan. Hate you!"

*tooot *tooot *tooot

At pinatayan niya na nga ako ng tawag kaya ako naman tumawag sa kanya, mabilis niya naman sinagot yun.

"Ano?!" singhal niya sakin "Matutulog na ako! Wag ka ng tumawag." masungit na dugtong niya pa.

"Ah okay. I love you. Good night"

"Night" walang ganang sagot nya at agad pinatay ang tawag.

Hays. Jewel talaga di na nagbago parang bata pa rin.
Pinabayaan ko na lang siya dahil alam ko naman na ganon lang yun. Bukas paggising niya, limot niya na yang tampo niya.
Magtatatlong taon na rin kami next month sa November 11 kaya halos kabisado ko na siya. Yung mga gusto nya at sa ayaw niya ay alam na alam ko na.

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon