"Keira!!!" masayang salubong ko dito.
"Uy! Buhay ka pa pala bruha! Akala ko patay ka na Mamang! Hindi ka nagpaparamdam sa amin e" ang daldal talaga ni Keira.
"Syempre. Sinusulit ko lang bebe time ko hehehe" masayang sagot ko dito.
"Iba talaga hatid na saya sayo ni Koleen. Para kang nakalaklak ng bote-botelyang energy drink!"
"E kasi naman Mamang!! Nakakakilig talaga siya. Simula ng sinagot nya tawag ko. Halatang miss na miss niya ako tapos pagpunta nya sa bahay.. Aahhhh!!" tumitiling saad ko dahil naalala ko na naman kung paano nya sinabi kila Mommy ang tungkol sa amin. Ang tapang tapang nya nun!
"Alam ko gaga! Nandun kami diba? Grabe maka-bakod si Madam Koleen sayo! Halos umiyak nga si Andrew nung pauwi kasi daw legal na legal na kayo at parang malapit na ang kasalanan. May pa-wedding ka pa nga. Tapos si Chino nagtatampo kasi hindi mo kami hinatid sa labas pagka-uwi namin. Di mo nga ata namalayan na nakauwi na kami kasi dikit na dikit ka na kay Koleen!" panunumbat nito sa akin.
"Pagbigyan nyo na ako! Alam nyo naman na minsan ko lang makakasama yun. Ngayon nga na kay Miguel na naman siya." malungkot na pahayag ko
"E anong bago? Di ko na nga malaman sino ang kabet sa inyong dalawa ni Miguel!" pamimilosopo nito
"Excuse me! Ako ang legal nu! Ako ang pinakilala sa pamilya niya at sa akin siya uuwi mamaya! Hahaha" may pagmamalaking sagot ko
"Kaya pala nakaalala ang bruha. Magkukwento pala ng tungkol sa kanila ng bebe nya. Dun ka na nga! Nagpapainggit ka lang eh!" pagtataboy nito sa akin
"Grabe kayo sakin! Ganyan din sinabi ni Chino sakin." nakalabing saad ko
"Ano?! Kinuwentohan mo si Chino ng kilig kilig mo kay Koleen?!" malakas na boses na tanong nito
"Dapat. E kaso mainit ang ulo. Di tuloy ako nakapagkwento."
"Gaga! Yan ang wag na wag mong gagawin! Magkwento ka na sa lahat ng mga kapokpokan nyo ni Koleen. Wag na wag lang kay Chino!" OA na pahayag nito
"Bakit naman?" nagugulohang tanong
"Mamang wag kang tanga! Inaaraw araw mo na talaga. Sinasagad mo pa! Basta huwag. Tandaan mo yan ha!"
"Okay." pagsang-ayon ko na lang "So ayun nga! Alam mo ba....."
Kay Keira ko kinuwento lahat ng mga ginawa namin ni Koleen nitong mga nagdaang araw. Sobrang kinikilig talaga ako.
Ilang saglit pa di ko namamalayan ang oras ay bumalik na si Koleen.
"Sige Mamang, nandito na si Koleen. Tawagan na lang ulit kita sa sunod" mabilis na paalam ko dito at pinatay na ang tawag.Nang makita ako ni Koleen ay ngumiti agad siya at akma akong yayakapin pero hinarang ko ang dalawa kong kamay sa harap niya.
"Wag ka muna dumikit sakin Koleen. Magpalit ka muna ng damit dahil may dala ka pang bacteria!" utos ko dito. Kakamot kamot naman siyang sinunod ang utos ko.
Sa kwarto ko na siya nagpalit ng damit. Habang nagpapalit siya ng damit ay pinapanuod ko lang siya. Sexy.
Pagkatapos magpalit ay inaya ko na syang mahiga. Magkatabi kaming nakahiga habang nakaharap sa isa't isa.
"Patingin ng picture nyo" pangungulit ko sa kanya
"Wag na, Loves. Tingnan mo na lang pinost ko sa IG" pagtanggi niya
"Gusto ko yung nasa phone mo!" pamimilit ko. Wala siyang nagawa kundi iabot sakin ang phone niya.
Hinablot ko ito sa kanya at tumalikod sa gawi nya. Ni-backhug nya naman ako habang tinitignan ko ang mga picture nila kanina sa restaurant.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...