Changes

425 30 57
                                    

Naging madalang ang pagkikita namin ni Jewel dahil na rin sa naiwas akong may masabi si Mommy Dina at ang mga fans.
Simula ng di kami masyadong nagpopost ni Jewel ay hindi naman na siya nagsasabi sakin na binabash pa siya. Tumigil na rin sila.

To: My Loves
Nasaan ka, Loves?

From: My Loves
Condo.

To: My Loves
Ano gawa mo?

From: My Loves
Jamming with Keira, Red and Andrew

Kumunot ang noo ko sa nabasa kaya kahit katabi ko sila Miguel ay tinawagan ko siya.

"Who's with you?" pag-uulit ko pero rinig na rinig ko na ang mga boses ng lalaki na nakanta. "Bakit ka nagpapasok ng lalaki sa unit mo?!"

Hindi ko na mapigil ang nararamdaman ko. Para siyang batang nag-rerebelde sa akin at nauubos na ang pasensya ko.

"What's wrong? Kaibigan ko sila tsaka kasama ko naman si Keira. Di ako nag-iisang babae dito" depensa niya. I bite my inner cheek to compress myself from shouting.

"Pupunta ako dyan. Kapag may naabutan akong lalaki sa condo mo, sinasabi ko sayo Jewel. Hindi mo pa ako nakikitang nagagalit!" napalingon sakin sila Miguel pero wala na akong paki. Binubwisit talaga ako nito eh.

"What? Mag-momovie marathon nga kami dahil wala kaming schedule bukas."

"Sinabi ko na, Jewel. Sinabi ko na" sobra akong naiinis sa kanya kaya pinatayan ko na siya ng tawag.

"What's happened?" usisa ni Miguel.

"Wala. Pinapasakit lang ni Jewel ang ulo ko" sagot ko dito habang minamasahe ang sintido ko.

"Hahaha They wouldn't understand us. Same with Neri. Actually, we broke up last week." saad niya at bumuntong hininga. Lumaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
Alam ko kung gaano nya kamahal ang girlfriend niya.

"Bakit naman kayo nag-break? Di na ba talaga maayos? Is it because of me?" nag-aalalang tanong ko

"Not really. She want me to go back on modeling and stop acting. But i already signed a contract besides i enjoy acting" tumango tango na lang ako. Wala na dun ang isip ko. Gusto ko ng makauwi at mapuntahan si Jewel.

                                    
Ilang minuto pa bago kami mag pack-up. Agad akong pumunta sa unit ni Jewel. Kanina pa ako dito sa labas ng building nya at tinatawagan siya pero di nya sinasagot. After almost one hour she finally answered my call.

"Sunduin mo na ako dito sa baba" iritang salubong ko sa kanya.

"Who's this?" boses lalaki ang sumagot sa akin na lalong nagpakunot ng noo ko.

"Anong who's this? Where's Jewel?!"

"She's drunk." tipsy na sagot ng kausap ko. "Hey Jewel. Your 'my loves' is calling. Sabi niya sunduin mo daw siya sa baba" narinig kong saad nito pero wala akong narinig na sagot mula kay Jewel.

"Tingin ko di ka na nya masusundo. Uwi ka na lang" i bite my lower lip. Uuwi ako ng alam kong lasing si Jewel at may lalaki sa unit nya?! Ano ako? Tanga?!

"Then get your ass here. Fetch me!" utos ko sa kanya

"Woah! Okay. Wait!" preskong sagot niya "Hey Red! Ikaw muna bahala dito may susunduin lang ako" narinig kong paalam niya at pagbukas ng pinto.

Ilang minuto pa ay bumaba na ang isang lalaking mukang lasing. Pulang pula ang muka nito.

"Koleen? I-ikaw si My Loves?" gulat na tanong nito. Nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa elevator. Sumunod naman siya sakin.

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon