Manager

576 38 19
                                    

Jewel POV

Tanghali na ng magising kami pareha. Katok ng aking yaya ang nagpagising sakin. Pagtingin ko samin ni Koleen ay parehas kaming nakahubo pa sa ilalim ng makapal kong comforter.

Marahan ko siyang niyugyog para gisingin.

"Loves, si Yaya nasa labas. Bihis ka muna." halatang napagod siya kagabi. Paano ba naman kasi galing na nga syang taping tapos pinuyat ko pa siya.

Pupungas pungas siyang nagmulat ng mata niya. Samantalang ako ay nagsimula ng magbihis.

"Breakfast na, Jewel" malambing na tawag ni Yaya.

"Sige po, Yaya. Susunod na lang po kami sa baba"

"Kami? May kasama ka ba dyan?" hala. Di nga pala alam ni Yaya na may pinapasok ako.

"Opo" hindi ko na rin tinanggi dahil makikita niya rin naman si Koleen.

"Ah. Eh. Sige. Paghahanda ko na rin siya ng pagkain" pahayag nito at narinig ko na rin ang yabag niya palabas.

Siya si Yaya Beng. Siya ang madalas kong nakakasama, mabait yan at parang anak na turing nya sakin.

"Bakit mo sinabing may kasama ka?" tanong ni Koleen. Nakabihis na din pala siya. Ang bilis ah.
Sabagay, mabilis nga manghubad eh. Malamang pati pagbibihis. Hehe

"May masama ba dun?" takang tanong ko at dumiretso na sa banyo para sa morning routine ko sumunod naman agad siya sakin.

"Wala naman" malambing na sagot nya habang niyayakap ako mula sa likod.

Ang sarap lang talaga ng bawat haplos nya sakin. Dalawang taon na kami mahigit pero kinikilig pa rin ako sa kanya.
Likas kasi na malambing si Koleen lalo na kapag kaming dalawa lang.


Nang matapos maghilamos ay niyaya ko na siya kumain. Bago kami tuloyang lumabas ng kwarto ay hinatak niya ako at dinampian ng halik ang aking labi.

"Bago natin harapin ang mundo Hehe" ngumiti naman ako sa sinabi niya.

Nauna na akong naglakad patungo sa hapag habang nakasunod siya sa akin.
Agad napalingon si Yaya Beng sa amin at sinuri ang itsura ni Koleen.

"Yaya, si Koleen po. Girlfriend ko." walang pag-aalinlangan na saad ko. Nakita ko ang pagkabigla sa muka ni Koleen. Di nya ata inaasahan ang sinabi ko.

"G-Girlfriend? Kaibigang babae o nobya?"

"Nobya po." matapang na sagot ko at pinaupo na si Koleen sa tabi ko.

"Mahabagin! Alam ba ito ng Mommy mo?" kinakabahang tanong nito

"Hindi pa po. Alam mo naman si Mommy. Daming bawal basta hindi pa ako 18. Hehe" natatawang sagot ko

"at ikaw naman, matigas ang ulo! Lahat ng bawal ginagawa mo."

"Di kaya! Mabait na ako simula ng dumating si Koleen sa buhay ko." sagot ko dito. At nagsimula na kaming kumain.

"Jusko. Wag mong ipapaalam sa Mommy mo ito! Mapapagalitan ka nun." sasagot pa sana ako pero tumunog ang cellphone ni Yaya Beng.

Dahil medyo may edad na siya ay mahina na ang pandinig nya kaya ni-loud speaker niya ang usapan nila.

"Hello po Ma'am Ruby" it's my Mommy.

"Ate Beng, nakakain na ba si Jewel?"

"Opo Ma'am kumakain na siya"

"What? Nakain pa lang siya? Mag-tatanghalian na! Tinanghali na naman siya ng gising. Hindi porket walang pasok ay tanghali na siya gigising...." madami pang panenermon na sinabi si Mommy. Si Yaya Beng talaga taga-salo nun. Hehe

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon