Jewel

387 30 62
                                    

Jewel POV

"Saan mo gusto pumunta?"

"Just drive" umiiyak pa ring saad ko. Sobrang sakit makitang pag-aari siya ng iba. I can't even say that she's mine. I want her to be mine. Mine alone!

"Tama na iyak mo. Sabi ni Red, ikaw daw ang best dress for the night ah" ani ni Chino na alam kong hindi alam paano ako i-cocomfort. Hindi siya ganon e. Magaling lang siya sa pagiging totoo. Di tulad ni Koleen. Puro pag-papanggap.

"Chino, mula bata ako pagiging artista na ang gusto ko. Ngayon alam ko na bakit ayaw na ayaw ako ni Mommy hayaang mag-artista."

"Yun nga rin dahilan bakit ayaw ko mag-artista. Sa pogi kong ito ang dami talaga kumukuha sakin! Haha" hindi ko alam kung seryoso ba si Chino o nagbibiro. May punto naman kasi siyang gwapo siya.

"Kung ikaw nasa sitwasyon ni Koleen. Will you do the same?"

Sumeryoso ang muka niya sa tinanong ko pero di siya nag-salita. Huminto siya sa isang convenience store.

"Babalik ako. Dito ka lang ha?" paalam niya at pumasok sa loob.

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Tinatanaw ang mga liwanag na nanggagaling sa sakyan.

"Hm. May schedule ka ba bukas?" tanong nya sakin kaya umiling na lang ako. "Oh." inabot nya sakin ang supot na binili nya sa convenience store.

Ice cream ang laman nun at chocolates. Kinuha ko yung ice cream at kinain habang tahimik lang na nagdra-drive si Chino. Pero sa bawat subo ko ng ice cream di ko maiwasan isipin ang imahe ni Koleen habang sumasayaw kasama si Miguel. Halos magkayakap na silang dalawa habang sinasabayan ang isang napakagandang kanta ng pag-ibig

"What a coincidence. Kaka-interview ko lang kay Jewel." napalingon ako ng marinig ko pangalan ko. Kausap niya pala si Koleen.

Hindi nila natanong sakin ang tungkol sa amin ni Koleen. Di naman kasi ako bigatin kaya di ako masyadong pinag-aksayahan ng oras.

"Yeah. I saw it." walang ganang sagot ni Koleen.

"She came alone. I felt sad for her. I thought she'll come with you"

"Hahaha Why would Koleen do that?" mabilis na singit ni Miguel na nakaka-insulto ng dating.

"Because they have a thing?"

"Wag kang masyadong nagpapaniwala sa chismis. Hahaha" tumatawang sagot ni Koleen. She denied it. That easy.

"Based on my knowledge with Koleen. She's not a cheater or timer" you're right! Koleen is so into me.

"What do you mean?" gusto ko ng lumakad palayo para di ko marinig ang interview nila pero may parte din sakin na gusto kong marinig ang sasabihin ni Koleen.

"We're exclusively dating." nagulat ang mga taong nakarinig sa anunsyo ni Miguel.

"Is it true?" tanong ng host kay Koleen.

"Yeah. Isn't it obvious? Hehe" sagot ni Koleen at hindi naka-kawala sakin ang pag higpit ng hawak niya sa braso ni Miguel. Nice.

Bago ako tuloyang tumalikod ay nagtama pa ang mata namin sa isa't isa. Binigyan ko na lang siya ng ngiti as if i'm saying, it's okay.

Naiintindihan ko siya. Kailangan niyang isagot yun. Kailangan niyang gawin yun. Naiintindihan ko pero di nababawasan yung sakit na dulot nun.

Hindi ko namamalayan na naiyak na naman pala ako habang kinakain ang ice cream.

"Akala ko ba nakakatulong ang sweets para sumaya?"

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon