Hmm

432 25 72
                                    

Jewel POV

Nagising ako sa mumunting halik ni Koleen sa pisngi ko.

"Loves, uuwi na ako" bulong niya sakin.

"Uhhmm.." sagot ko lang sa kanya at niyakap siya. Ayuko pa siyang umalis. Alam kong kapag umalis siya ay matatagalan ulit bago kami magkita.

"Loves, kailangan ko ng umuwi. Mag-nonoche buena pa ako kasama sila Lola." bulong niya sakin.

"Ako na lang i-noche buena mo" biro ko sa kanya.

"Yan ka na naman tapos di mo itutuloy." reklamo niya kaya natawa ako ng mahina.

"5 minutes, Loves." request ko sa kanya.

"Okay." sagot niya at dinampian ako ng halik sa labi ko ng paulit ulit. Bahagya ko siyang tinulak palayo sakin para awatin.

"Ang dami ah." kunwaring reklamo ko.

"Nag-iimpok lang ako para sa paparating na tagtuyot." sagot nya na kahit di ko nakikita alam kong nakangiti siya.

"Alam mong lagi kang welcome sa condo ko" sagot ko sa kanya. Di naman siya nakaimik.

"Tara na nga! Mag-ayos ka na ng maka-uwi ka" nauna na akong tumayo sa kanya at hinintay na lamang siya sa sala.

"Oh nakauwi na ba si Koleen?" salubong sakin ni Mommy pagkakita nya sakin.

"Hello po Mommy!" bati naman sa kanya ni Koleen na biglang sulpot sa likod ko

"Saan kayo galing??" usisang tanong ni Daddy

"Sa kwarto Dad." tipid na sagot ko. Ang daming tanong ni Daddy ngayon. Di naman siya ganyan!

"Anong ginawa niyo sa kwartong dalawa?!"

"Ano ba ginagawa nyo ni Mommy kapag nasa kwarto?" nang-aasar na tanong ko dito. Yumakap pa ako sa bewang ni Koleen at dinampian siya ng halik sa pisngi para asarin si Daddy.

Kitang kita kong pulang pala si Daddy. Hindi ko alam kung dahil sa pagka-asar sakin o dahil sa pagkahiya. Pwede din namang both.

"Sige Dad, Mom. Hatid ko na si Koleen sa labas." paalam ko sa mga ito ng hindi na sila makapagsalita.

"Mommy, uwi na po ako." paalam ni Koleen kay Mommy na ngiting ngiti sa kanya. "Mag-iingat ka, anak!" bilin pa nito

"Daddy, uwi na po ako" paalam niya din kay Dad. "Anong ginawa nyo sa kwarto, Koleen? Ayosin mo ang sagot" pananakot ni Daddy.

"Natulog lang kami Dad! Syempre di namin gagawin yun iniisip mo kasi nandyan kayo ni Mommy. Baka marinig nyo kami! Ahaha" tumatawang sagot ko at hinila na palabas si Koleen.

Yumuko pa ito kay Mom at Dad bago tuloyang magpahila sa akin.

"Jewel, bakit naman ganon sinabi mo kay Daddy. Baka di na ako pabalikin dito." kumakamot sa ulong saad ni Koleen pagkahinto namin sa harap ng sasakyan nya.

"Di yun! Under ni Mommy yun tsaka mabait yun si Dad. Tinatakot ka lang kaya wag kang papadala." kampanteng sagot ko dito.

"Sigurado ka?" tumatango tango ako sa kanya bago siya niyakap sa bewang.

"Mamimiss kita, loves." ani ko habang tinitigan siya.

"Konting tiis lang, Jewel. Let's look forward for those days that we will sleep together every night and wake up together every day." napakatamis talaga ng dila ni Koleen. Literally hihihi

"Oo na!" padabog na sagot ko

"I love you, Jewel" malambing na ani niya

"K!" pabebeng sagot ko.

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon