Happy Anniversary

471 32 64
                                    

Jewel POV

Hindi ko na alam kung anong iisipin sa relasyon namin ni Koleen. Sobrang laki ng pinagbago niya. Dati naman kapag inaaway ko siya susuyuin niya ako agad pero kanina, binulyawan niya ako. First time akong bulyawan ng ganon ni Koleen.

Isa pa alam kong busy siya pero nag-uusap kami tapos bigla niya na lang akong iniwan ng ganon ganon. Para naman akong tae sa paningin niya!

Haay. Minabuti ko na lang magpunta sa gym para magpalipas ng oras.
Ilang saglit pa ay dumating sila Keira at Andrew.

"Nasaan si Red?" tanong ko sa kanila.

"Sobrang sakit daw ng ulo ni tanga! Hahaha" tumatawang saad ni Mamang Keira. Tumango na lang ako dahil wala ako sa mood.

"Okay ka lang?" tanong ni Andrew sa akin. Umiwas lang ako ng tingin at hindi sumagot.

"Kayo pala ni Koleen" mahinang saad niya. Hindi ko kasi sinasabi sa kanila.

Hindi sa hindi ako proud o tinatago ko ko, kung ako lang tatanongin gustong gusto ko malaman ng lahat kaso sabi nga ng mga fans nakaka-istorbo ako sa career ni Koleen kaya nililihim ko na lang.

Fans are so mean. Kung dati ay minumura nila ako, sinasabihang clout chaser ngayon naman ay halos pagbantaan na nila ang buhay ko. May mga nagpaprivate message sakin. Sinasabi na mamatay na daw ako. Meron pang mga nagsasabi na kaya lang naman daw ako nagkakaganap dahil sinusuholan ni Mommy ang mga staff. Hindi naman daw ako kagalingan kumanta at umarte. Trying hard daw ako at kung ano ano pang mamasakit na salita.

Hindi ko na sinasabi iyon kay Koleen dahil sabi nya nga wag daw ako nagbabasa sa Social Media pero pati kasi sa text binubulabog ako. Di ko alam paano nila nakuha number ko. Ayaw ko na rin dagdagan iniisip ni Koleen.

Okay lang naman ako. Okay lang ako sa lahat ng sinasabi nila kahit masakit basta alam kong mahal pa rin ako ni Koleen kaso pati iyon ay parang di ko na maramdaman.
Minsan pakiramdam ko iniiwasan ako ni Koleen. Pakiramdam ayaw niya akong makita.

Hindi ko alam kung busy lang ba talaga siya o baka sawa na siya sakin. Binigay ko naman lahat lahat ko sa kanya o baka yun ang mali, binigay ko ang lahat sa kanya kaya wala na siyang kailangan pa sakin.

"Hey! You're zoning out." pukaw atensyon sakin ni Andrew.

"Ano yun?"

"I'm asking you if are you okay? is there something bothering you?" pag-uulit niya.

"Hmm. Okay lang naman. Ayos lang ako" tipid na sagot ko dito at naupo sa lapag. Tinuwid ko ang paa ko at tinukod ang dalawang kamay ko sa bandang likuran.

Naupo naman din si Keira at Andrew sa magkabilaang gilid ko at para akong specimen kung suriin nila.

"Nag-away na naman kayo ni Koleen?" kunot noong tanong ni Keira

"Normal naman yun sa magkasintahan. Magiging okay din kami."

"Uy! Dapat lang. Mag-a-Anniversary pa naman na kayo sa friday!" ngumiti akong tipid kay Keira sa sinabi niya.

Super supportive kasi samin ni Koleen yan. Simula ng malaman niya na kami ni Koleen ay tuwang tuwa siya. Siya nga nagpapayo sakin na intindihin si Koleen kapag naiinis ako dito. Makulit si Keira pero mabuti siyang kaibigan. Hindi man siya pasok sa standard ng mga perpektong tao dahil nga gala siya, walwal girl at madaldal pero mabuti siyang tao. Totoong tao siya.

"Anniversary? Matagal na pala kayo ni Koleen" bulalas naman ni Andrew.

"Huy wag ka! Take note third anniversary na nila yan! Sweet heart lovers yan sila. Ang strong diba? Kaya tigil tigilan mo na pagpapacute kay Jewel kasi taken na siya!" natawa naman ako ng mahina sa sinabi ni Keira. Pakiramdam ko siya ang Admin ng JewLeen.

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon