Jewel POV
Hindi ko maiwasan hindi mapaiyak habang binabasa ang mga laman ng capsule na binigay sakin ni Koleen. I miss her so much.
Kahit kasi magkasama kami lagi siyang nakapikit dahil pagod siya. I miss her looking at me as if i'm one of the wonder of the World.
Idagdag mo pa itong selos ko na alam kong mali naman. Nagtratrabaho lang naman si Koleen. It's her dream at unti unti ng natutupad iyon dahil na rin sa loveteam nila ni Miguel. I should be happy but damn! I'm so jealous.
Lalo na kapag nakikita kong magkasama sila in public. Kinikilig ang marami. I'm afraid that one day, wala na si Koleen sakin at si Miguel na ang boyfriend niya. Fuck that fan service! Sobrang nakakasikip ng dibdib para sa aming mga tunay na karelasyon.
Binasa ko sa utak ang nakasulat sa isang kapirasong papel na hawak ko galing sa capsule.
"You are my star, my sun and my moon 'coz when i met you the universe conspire."Napapitlag ako ng may boses na marinig at maramdaman ang mainit na yakap ni Koleen sakin.
"Why are you crying my loves?" malambing na bulong nya sakin.
"W-Wala." pagtanggi ko at tinabi na ang regalo niya.
Hindi ko naman pwede sabihin na nagdrama ako kasi ni-like niya lang kanina yung 'iloveyou' ko tapos makikita kong nakaakbay sa kanya si Miguel habang nakangiti siya.
"Pwede ba yun? Umiyak ng walang dahilan? At bakit ka nagpost sa IG ng picture nating dalawa?" sunod sunod na tanong nya.
Ah. Yun ba? Gusto ko lang naman ipaalam sa mundo na may papel ako sa buhay ni Koleen. We're not just colleagues, we're more than that. Pero pati iyon di man lang nagcomment si Koleen in public buti pa sa mga fans nya nagcocomment siya though nagmessage naman siya sakin pero mas okay kung nagcomment siya sa post ko diba?
"Ayaw mo ba? Sige, burahin ko na lang" mahinang saad ko at kinuha cellphone ko sa gilid pero inagaw yun ni Koleen.
"No. It's okay, Loves." saad niya habang inaamoy ang leeg ko. "I miss you" malamyos ang boses na saad niya kaya medyo gumaan pakiramdam ko.
"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya
"Not yet. Ikaw ba?"
"Hindi pa. Kanina pa kita hinihintay."
"Aww. Kaya siguro umiiyak ang baby ko kasi gutom na. Halika na, kain tayo." malambing na aya niya sakin. Pinatayo nya pa ako sa kama habang nakayakap ako sa leeg niya.
"Upo ka na lang diyan. Ako na magsasandok." pinaupo ko na lang siya sa dining dahil alam ko namang pagod na siya.
"Akala ko galit ka, Loves." mahinang saad nya
"Wala ka namang ginagawa para ikagalit ko diba?" tanong ko sa kanya.
Kanina ng makita ko yung picture. Nabigla talaga ako at nagalit pero kalaunan narealize ko na normal lang naman yun kasi may mga fans sila na kailangan i-feed tsaka fans lang naman nag post nun. Kung si Koleen nagpost nun ay hindi ko na alam mararamdaman ko.And I'm 18 na. So, i should act as one.
Kumain na kaming dalawa, pinakwento ko sa kanya lahat ng mahalagang dapat kong malaman sa shooting nila. Hindi ko man gusto pero sila ang partner ni Miguel sa teleserye.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanficSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...