Be Yourself

456 33 101
                                    

Koleen POV

Tinanggap ko na lang sa sarili ko na nahuli na ako. Na hindi na ako ang pinipili niya. Napagod na siya sakin. Natapon ko na ang huling pagkakataon na hiningi ko sa kanya.

Ginawa ko naman lahat e. Pero nagkulang pa rin ako. Hindi pa rin ako sapat.

Siguro nga hindi ako ang karapat dapat sa kanya...
Kaya pinapaubaya ko na siya pero kung sakaling magbabalik siya sakin, tatanggapin ko siya ng buong puso ko at walang pag-aalinlangan.

Wala akong karapatan na magalit sa kanya. Ako ang nagkulang at sa dami ng pagkakataon na binigay niya sakin, handa akong bigyan siya ng pagkakataon kung pipiliin niya.

                                                              

Lumipas ang mga araw na sumabay lang ako sa agos. Ngumiti, tumawa pero hindi masaya. Pakiramdam ko nakalimutan ko na maging masaya.

Bumabangon ako, nagtratrabaho base sa gusto ng mga tao sa paligid ko.
Paulot ulit ng paulit ulit sa araw araw habang nakikita ko si Jewel masaya kay Chino.

Nagagawa ni Chino yung mga bagay na gusto kong gawin para kay Jewel pero di ko magawa.

Gusto ko rin nandun ako sa likod ng camera sa bawat kuha ng litrato sa kanya.
Gusto ko rin na ako yung maghahatid at sundo sa kanya sa tuwing may taping siya. Ako yung magpupunas ng pawis nya pagkatapos ng sayaw nya. Ang papalakpak sa unahan sa tuwing kumakanta siya.
Gusto ko rin makasama siya pumunta sa kung saan saang lugar ng malaya kami. Yung hindi namin kailangan magtago.

Gustong gusto ko yung ipapaalam ko sa lahat na mahal ko siya, na akin siya at sa kanya ako.

Gusto ko yun!

Kaso hindi ko magawa.

"Koleen, lutang ka na naman. Sabi ko may new project ka" pahayag ni Mommy Dina

"Opo." walang ganang sagot ko. Hindi na ako na-eexcite sa mga project na yan.

"Okay. Di ka naman ata interesado dito. Basta maghanda ka na lang sa tv guesting mo mamaya." bilin niya

"Sige po." magalang pa rin na sagot ko dito.

May guesting kami mamaya dahil nag-Anniversary na ang loveteam namin ni Miguel.

Binuksan ko ang bag ko para kumuha sana ng bubble gum pero iba ang nakita ko.

"Hairclip." yung hairclip na bigay sakin ni Jewel. Tinago ko iyon at nilagay sa bulsa ko.

At nang oras na sasalang na kami sa guesting ay sinuot ko iyon.

"You look cute with your hairclip." papuri ni Miguel

"Thank you. Bigay sakin ni Jewel yan" pambabara ko sa kanya.

Hindi na nagbago pakikitungo ko kay Miguel. Kahit ano pang kabutihan ang ipakita niya ay nanananitili akong malamig sa kanya.

Sabay kami lumabas mula sa backstage at binati si Pretty. Yung host ng show.

"Pretty Night Miguel and Koleen!! Namiss ko kayong dalawa dito" bungad niya samin.

"Namiss ko rin po kayo" malambing na sagot ko dito at sinuot ang maskara ko, yung masayahin kong muka.

"Cute ng hairclip mo! I like stars pa naman!" bati niya kaya napahawak ako sa hairclip.

"Thank you. Binigay ng someone special sakin." nakangiting sagot ko

"Someone special? Si Miguel ba nagbigay nyan?" tudyo nya agad

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon