Let's Talk

449 34 44
                                    

Koleen POV

Ang sarap mag-birthday ng pagkagising ko si Jewel ang kasama ko sa pagsapit at sa umaga ang bubungad sakin.

Energetic akong pumasok dahil pinagluto niya rin ako. Hindi naman first time kong kumain ng luto niya pero pakiramdam ko, extra special ngayon.

Sinalubong ako ng mga pagbati sa studio. May mga nagpadala ng mga regalo. Si Ate Tina na bahala dun. Nakangiti pa rin ako kahit sa nagbabasa na lang ako ng spill ko sa guesting hanggang sa interview nakangiti lang.

"Sobrang ganda ng ngiti ng birthday girl natin, momshie!" puna sa akin ng host.

Nagpatuloy lang ang show hanggang sa as expected ay may hinanda silang sorpresa para sakin. May VTR silang pinapanuod sakin. Maraming mga sikat na personalidad ang mga bumati sakin. Mga nakatrabaho ko na rin pero wala man lang dun si Jewel. Di man lang nila sinama pinaka-mahalagang artista sa akin.

Nagpasalamat pa rin ako sa kanila syempre. Nakaka-touch pa rin naman yung effort nila lalo na hindi mga birong artista bumati sakin, talagang may mga pangalanan na tapos si Miguel humawak ng cake ko.

"Make a wish." ani nila. I closed my eyes and made a wish.

"Good health, more blessings and happy life for everyone" i said it loud.

"Syempre hindi matatapos ito ng walang message si Miguel." tudyo ng mga ito pero simpleng bati lang din ginawa ni Miguel

"Happy birthday, Koleen. Stay what you are and you know the rest." nginitian ko na lang siya na kunwari naiintindihan ko yung sinabi niya.

Na kunwari nag-uusap talaga kami offcam. Kahit wala naman. Mag uusap lang talaga kami kapag tungkol sa trabaho other than that? Wala talaga. Mahal niyan girlfriend niya at lalo naman ako! Fans lang talaga nag-iisip na may chance maging kami.

Pagkatapos sa morning show ay nagpunta naman kami sa afternoon show. Saglit lang naman ang segment namin pero ang tagal tagal. Gustong gusto ko ng umuwi sa hindi ko malaman na dahilan.

Habang naghihintay pa sa oras ng pagsalang namin ay sumulyap muna ako sa cellphone ko. Walang text si Jewel. Siguro busy sa taping nya. Sana maaga siya matapos para may oras pa kaming mag-celebrate na dalawa.

"Koleen, are you listening?" pukaw sa atensyon ko ng floor director.

"Opo Direk." sagot ko na lang dito at tinabi na ang phone ko.

3pm natapos ang guesting namin. Konting chikahan lang muna with some boss then mga 4pm ay pauwi na dapat ako kaso nahatak ako ni Ate Tina.

"Sumama ka na muna samin Koleen. Manlilibre daw si Madam Dina, pa-birthday niya sayo."

"Ha? Kasi di ako pwede gabihin." pagdadahilan ko

"Tatanggihan mo ba ako?" taas kilay na tanong ni Mommy Dina. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Sige na, Koleen. Akala ko ba may taping si Jewel? Edi, hindi naman kayo makakapag-celebrate. Sumama ka na samin." pabulong pang saad ni Mommy Dina.

Sabagay, pwede ko naman ayain na lang sila Lola kumain sa labas bukas. Nakakahiya din kasi tumanggi kay Mommy Dina kaya sumama na rin ako sa kanila.

"Saan tayo kakain?" curious na tanong ko kasi medyo napapansin kong paikot ikot lang kami ng around ABS CBN.

"Saglit na lang daw teka." saad ni Ate Tina na dutdut ng dutdut sa cellphone niya.

"Anong saglit?" takang tanong ko

"Ibig kong sabihin, malapit na. Diba Madam Dina? Hehe" tumango na lang ako sa turan nito.

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon