Koleen POV
Limang araw na makasama si Jewel ay napakagaan sa pakiramdam. Kahit pa nga ba sabihin kong nakakapagod din. Syempre gumigising ako ng maaga para pumasok sa school na isang sakay mula sa kanila. Pagkauwian ay dadaan muna ako sa bahay namin para matingnan ang kalagayan ni Lola at Raven. Kahit naman alam kong responsableng bata si Raven ay di pa rin ako mapapanatag ng hindi sila nakakamusta ni Lola.
Pagkanasigurado ko ng nakakain sila, may kakainin sila at nakainom si Lolang maintenance nya ay dun pa lang ako uuwi kila Jewel. Hindi ko naman kasi pwede tanggihan ang alok niya dahil magagalit siya tsaka tama naman siya. Yun lang ang pagkakataon na pwede kaming magkasama ng matagal.
Kaya nga kahit pagod ako ay ayos lang. Pagdating naman ng gabi at siya ang aking katabi ay napapawi ang pagod ko sa buong araw.
Sa buong pananatili ko sa bahay nila ay mas nakilala ko si Jewel. Ang mga ayaw at gusto niya. Mas nagiging komportable kami sa isa't isa. Syempre, lalo na nga't may nangyari samin. Kahit pagilan ko kasi ang sarili ko isang malaking tukso si Jewel!
Binubuhay niya ang lahat ng tinatago kong init sa katawan pero wala naman akong pinagsisihan sa lahat ng nangyari.Ang totoo ay lalo akong na-inspire na yumaman dahil sa kanya. Kaya pagkauwi na pagkauwi ko nun ay gumawa agad ako ng video ko. Parang audition video yun. Kumanta ako habang nag-gigitara. Sumayaw din ako at umarte. Konting edit lang at sinend ko kay sir. Ken.
Ilang mga manager din ang nagpatawag sakin at kumausap. Ininterview nila ako face to face tapos hanggang si Ma'am Dina, isang manager ay nag-offer na nga ng contract sa akin.
"It's a free endorsement agreement. Ibig sabihin, i will act as your manager. Hindi kita babayaran for signing this agreement but i'll assure you to endorse your talent to the producers and directors. In exchange of that i will get compensated on your talent fee. Do you understand?" paliwanag sakin ni Ma'am Dina.
"Yes Ma'am"
"Okay Koleen. Hindi madali makilala sa mundo ng showbiz. You're like a product and as a product you need an image to portray, a packaging. Since i will manage you, you need to listen on me."
----
"So, bakit ka nga naka-cap?" tanong sakin ni Jewel habang nakain kami sa tapsihan ngayon.
"Ahm. Diba nga may manager na ako? Si Ma'am Dina. Yung manager ni Cross. Yung sikat na ka-loveteam ni Reah."
"And?" taas kilay na tanong nya
"Gusto niya ako i-rebranding." hindi siya umimik sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Gusto niya i-shut down lahat ng social media account ko. I decided to make it private and change my name instead, then make a new one."
"And?"
"Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa atin at gusto niya na ilihim natin ang relasyon natin." nakita ko ang mabilis na pag-awang ng bibig niya kaya bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya.
"Hindi naman sa kontra sya sa relasyon natin. Ganon daw kasi talaga sa showbiz, Loves. Lalo na kapag bago pa lang. Mas madali daw kasi sumikat ang mga single. Marami naman daw talaga sa showbiz ang mga may karelasyon na tinatago. It's for the both of us. Diba nga mag-aartista ka na rin? Sa Sunday na birthday mo oh." paliwanag ko dito.
"Okay." tipid na sagot niya
"Okay? What do you mean okay?" kinakabahang tanong ko
"Bahala ka sa buhay mo!" mataray na sagot niya..
"Loves, diba nga? Di naman kailangan ng mundo malaman ang tungkol sa atin. As long as we know our COMMITMENT for each other, it's enough." hindi siya umimik sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...