Sa Akin

426 31 126
                                    

Koleen POV

Calling My Loves...

Halos matayo ako sa kinahihigaan ko ng makita ko ang screen ng cellphone ko.

Jewel is calling me. B-Baka napindot nya lang? Nanginginig ang kamay ko na sinagot ang tawag niya.

"Hello?" halos maiyak ako ng marinig muli ang boses nya.

Ang tagal kong nagtiis na hindi siya makita at makausap.

Magaan na ba ang 'yong paghinga?
Bumalik ka na sa'kin
Klaro na ba ang isip, sinta?
Bumalik ka na sa'kin

"Loves!!" malakas na tawag ko sa kanya. Pakiramdam ko nabigla pa siya sa lakas ng boses ko dahil kahit ako nagulat din. Sobrang na-excite lang talaga ako.

"Ahm. Hi?" naiilang na sagot niya.

"B-Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba? Kamusta ka na? May problema ba? Loves, mag-salita ka."

"Teka kalma! Isa isa lang tanong."

Hindi ka na nagparamdam
Buhat ng cool off, ako'y nahibang

"Sorry. Namiss lang talaga kita." nahihiyang sagot ko sa kanya.

"I miss you too." mahinang sagot niya.

Believe me! Sobrang kinikilig ako ngayon. Literal na nagpagulong gulong ako sa kama ko.

"Koleen, nandyan ka pa?"

"Ha? Ah. Oo. Hehe. Ano nga yun, Loves?"

"Busy ka ba? I mean. Yes, ofcourse busy ka--"

"Hindi. Hindi ako busy. Ano ba yun?" mabilis na putol ko sa sinasabi niya

"Sure ka?" paninigurado niya

"Oo naman! Sure na sure. Hehe" mahirap na baka magbago pa isip niya.

"Okay. Ahm. Mom wants to see you"

"Mom? Mommy mo?" gulat na tanong ko

"Ah. Yeah. Pero kung busy ka. Ayos lang naman. Sabihin ko na lang sa kanya na sa--"

"Sige sige. Pupunta ako. Ngayon na ba? Bakit daw? Nalaman niya ba tungkol sa atin?" kinakabahang tanong ko. Baka galit eh

"No. Hindi niya pa alam. Pero gusto ka nya makita." nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ahm.. Loves, makikita kita diba? Kapag nakipagkita ako sa Mommy mo?"

Sige na, please, 'wag nang mainis
Bumalik ka na sa'kin
Sorry, mahal, ika'y nasaktan
Bumalik ka na sa'kin
Bumalik ka na sa akin

"Gusto mo ba ako makita?" balik tanong niya

"Oo. Gustong gusto na kita makita, Loves." walang pag-aalinlangan na sagot ko.

"Hmm. Okay."

"Okay? You mean, makikipagkita ka na din sakin?" pagkompirma ko.

"Yeah. Punta ka na lang mamayang gabi dito sa bahay para mag-dinner. Tanda mo pa naman diba?"

"Yes yes! Ano ba dapat kong dalhin? Dapat sabihin?"

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon