Naka-graduate na ako sa high-school. Sa ngayon ay nagiging busy kami parehas ni Koleen. Nag-start na kasi taping ng movie na kasama siya. Ako naman ay busy sa workshop at go see.
Sa tulong ni Sir. Donty ay nakapag-Jam na agad ako sa ASAP. Nakilala agad ako bilang beatbox girl. Saktong kasikatan para magkaroon ng mga fans. Ganon din si Koleen dahil sa madalas itong nakakasama ang mga cast ng movie at mga promotion.
Pero kahit busy kami ay nagagawan namin ng paraan magkita.
Pagkatapos ng workshop ko ay pumupunta ako kila Koleen para may makasama din si Lola at Raven o minsan namin ay si Koleen ang napunta sa unit ko at nakikitulog. Syempre patago pa rin sa public yun.Lalo na't pinagsabihan ako ni Sir. Donty.
"Wag kang magtitiwala sa mga fans mo. Tandaan mo, may image kang pinoportray at yun ang minamahal nila. Matagal na ako dito sa showbiz. Maniwala ka, kapag may nagawa kang di sila sang-ayon at taliwas sa paniniwala nila? Sila ang unang manghuhusga at maninira sayo. Ang fans or followers mo ang nakabantay sa bawat galaw mo kaya sila din unang nakaka-alam ng mga bagay na tinatago mo sa publiko."
Nang una ay di ako naniwala kay Sir. Donty. Mukang mababait naman kasi fans ko at ang nagustohan nila sakin ay ang talent ko pero nito lang, nagtaka ako ng may biglang mag-message sakin at nagtatanong kung ano ba kami ni Koleen. Hindi ko siya sinagot.
Tuloy ang pagchachat niya sakin. Sinabi nya bakit daw umattend si Koleen sa Debut ko. Pinost kasi iyon ni Koleen sa IG. Picture ko na nagsasalita sa harap tapos simple lang naman ang caption 'Happy legal age'. Pwede naman namin sabihin na simple friends kami pero nagsend pa siya mga screenshot na nagcocomment ako sa IG post ni Koleen.
My Ghad! Puro simpleng single heart emoji lang yun! Pigil na pigil na nga ako magcomment kahit gusto ko ng magsabi sa comment section ng 'That's mine' or 'Girlfriend ko yan' or 'So beautiful my loves' mga ganon! Pero di ko magawa.
Tapos pati simpleng comment ko napansin pa pala? Hindi lang yun! Talagang sinend nya pa sakin proof na nilike ko lahat ng IG post ni Koleen at ganon din si Koleen sakin. Though di nagcocomment si Koleen pero nililike nya mga post ko.
Sinabi ko ito kay Koleen at tinanong niya kay Ma'am Dina ang gagawin. Ang sabi lang ni Ma'am Dina ay "Wag sagotin. Hanggat walang pagkompirma ay mananatiling chismis."
Kaya pinabayaan ko na lang siya.
So far, wala pa naman akong nababasang hate comment sa akin pero hinahanda ko na rin ang sarili ko dahil parte ng pag-aartista iyon. Sabi nga nila 'You can't please everybody' kahit nga ang pinakamababait ay may basher pa rin.Ngayon ay kakanta ako sa ASAP. May isang segment kasi na kasama ako dun. May mga kasama din akong mga rising star din. Mababait naman sila pero casual lang pakiki-tungo ko.
Excited ako ngayon kasi mag-guest din sila Koleen. Mag-propromote sila ng movie.Sakto na pagkatapos pala namin kumanta ay sila Koleen na ang papasok kaya nagkita kita pa kami sa backcstage.
Ang ganda nya sa suot nya at light make up. MyGosh!
Pasimple akong lumapit sa kanya at tinap siya sa balikat. Lumingon naman siya sakin at ngumiti."Ano gagawin mo?"
"Sasayaw." nakangiting sagot niya. Gusto ko sana siya yakapin at bigyan ng goodluck kiss kaso syempre, hindi pwede.
"Jewel, formation na! Kayo na sasalang sa stage." tawag sakin ng stage director.
"Sige. Dun na ako." paalam ko kay Koleen at pasimple ko na lang piniga ang braso niya.
Hindi naman namin kailangan magpanggap na hindi magkakilala dahil kapag lumabas mga picture namin noon na magkasama tapos di kami magpapansinan ngayon ay mas magtataka ang mga tao. Kaya casual approach lang.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...