Freedom

586 33 109
                                    

"Buntis ka ba, Jewel?" dahil sa tanong niya ay naalala ko ang nangyari samin ni Chino sa Baguio.

Flashback...

Naramdaman ko na lang ang tuloy tuloy na pag-agos ng tubig mula sa mata ko.

Sinubukan kong tumugon kay Chino sa pag-aakalang mahal ko na siya pero naging malinaw lang ang lahat sa akin.

Hindi ko kaya.

Marahan ko siyang tinulak palayo sakin.

"Chino, ayuko. Hindi ko kaya" pagtutol ko sa posibleng puntahan ng ginagawa namin.

"Sorry. Di ko sinasadya. Nadala lang ako ng sitwasyon." hinging paumanhin niya sakin.

Tumango na lang ako sa kanya at bumalik sa kama ko.

Nakakadiri ako.

Hindi ko lubos maisip na magagawa kong makipaghalikan sa ibang tao.

Naiyak ako kanina hindi lang dahil ayuko kundi dahil nakaramdam ako ng labis labis na disgusto sa sarili ko. Hiyang hiya ako kay Koleen.

Sinubukan kong matulog pero binabagabag ako ng konsensya.

Pagsapit ng umaga ay ginising ako ni Chino sa pag-aakalang tulog pa ako.

"Kumain na tayo ng breakfast" aya niya sakin.

"Saan mo pa gustong pumunta ngayong araw?" nakangiting tanong niya sakin.

"Chino, pwedeng umuwi na tayo?" nawala ang ngiti sa labi niya sa sinabi ko.

"Bakit? Nakakadalawang araw pa lang tayo ah. Sayang naman! Pwede pa natin sulitin ngayon."

"Chino, gusto ko ng umuwi" giit ko

"Okay. Sige." pag sang ayon niya.

Pagkatapos kumain ay naghanda na agad kami pabalik ng Manila.

Habang nagddrive si Chino ay tahimik lang ako. Iniisip ang mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na buwan.

Dahil sa haba ng biyahe ay muli kaming huminto para kumain. Tahimik lang akong kumakain habang nagkukwento si Chino ng kung ano ano. Pangiti ngiti lang ako pero wala talaga dun ang utak ko.

"Jewel, may problema ba?" biglang tanong ni Chino sa akin.

Alam kong hindi siya manhid kaya mararamdaman niya ang pakikitungo ko sa kanya.

"May gusto akong sabihin sayo, Chino." lakas loob na pahayag ko.

"Bakit parang kinakabahan ako? Haha" tumatawa pang sagot nito pero nanatili akong seryoso.

"Chino, i appreciate you so much." pagsisimula ko

"Teka. Bakit parang alam ko saan ito patungo? Pero sabi mo sakin kagabi mahal mo ko diba? Kung nagagalit ka dahil sa kapangasahan ko kagabi, sorry na. Hindi ko na yun uulitin, Jewel" pangunguna niya agad sa sasabihin ko.

"No Chino. Hindi ako nagalit sayo kagabi. Nagalit ako sa sarili ko." naluluhang saad ko pero pinigilan kong maiyak para mailabas lahat ng nararamdaman ko ngayon.

"Siguro iniisip mo pinaglalaruan ko nararamdaman mo. Kagabi lang sinabi kong mahal kita tapos ngayon ito naman. Pero Chino, sinabi ko yung kagabi dahil yun din ang gusto kong mangyari. Gusto kitang mahalin kasi ikaw yung laging nandyan para sakin." nakita ko ang paglungkot ng muka niya pero wala ng atrasan ito. Once and for all. I want it to be done.

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon