Social Media

474 32 48
                                    

Jewel POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Koleen ay inaya niya akong mag-dinner sa labas. Late celebration daw ng birthday niya.

Naka-cap kaming dalawa na nagpunta sa may BGC habang nakaface mask.
Dun sa Venice Piazza kami naglakad lakad hanggang makapaghanap ng restaurant na di masyadong maraming tao.

"Loves, picture" lambing ko kay Koleen habang naghihintay ng order namin.
Magkatabi kasi kami sa upuan.

Nagtanggal siya ng cap at facemask na kinagulat ko.

"Bakit naghubad ka?" ngumisi naman siya sakin, so dun ko narealize na medyo mali pala tanong ko.

"I mean, bakit mo hinubad yung cap at mask mo? Baka may makakilala sayo." paglilinaw ko

"Okay lang yun." balewalang saad niya kaya nagtanggal na lqnh din ako ng cap at mask ko. Mainit kaya then we took a lot of selfies.

Tinitignan namin sa cellphone ko yung mga pictures namin. Sobrang cute talaga namin together.

"Cute natin diyan. Post mo!" utos niya sakin kaya nilingon ko siya.

"Okay lang sayo?"

"Oo naman. Gandahan mo caption huh" saad niya pa. Alam ko naman ginagawa ni Koleen ito para bumawi sakin.

At dahil gustong gusto ko na fini-flex ang girlfriend ko ay pumili ako ng mga tatlong pictures namin na pinost ko sa Instagram at kinaptionan ko ng...

@/jewel_13 : Lete birthday celebration with her @/koleen_sato

Sinulit ko na ang pagpopost at pati sa twitter ay pinost ko yun then nag-off na rin ako dahil dumating na ang orders namin.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nagsalita si Koleen.

"Thank you, Jewel" malambing na saad niya kaya nilingon ko siya. Sa paglingon ko sa kanya ay nagkasalubong ang mga mata namin dahil taimtim siyang nakatitig sakin.

"B-Bakit?"

"I know, this is hard for you. But i am thankful that you keep on believing and trusting me." napangiwi naman ako sa sinabi nya

"Dalawang linggo nga kitang hindi pinansin." nakukunsensyang saad ko

"It's okay. Normal na reaksyon naman yun. Kasalanan ko naman yun." sobrang bait ni Koleen kaya hindi ko rin siya magawang awayin talaga kapag nag-uusap na kami. Lagi niya pinipili kasi na unawain ako at pagbigyan.

"Akala ko makikipag-break ka na sakin." malungkot na saad niya.

"Yan ang di ko gagawin" paninigurado ko sa kanya. Nagpalamig lang naman ako dahil sobra na akong nasasaktan sa biglang pagbabago ng relasyon namin dahil sa loveteam nila ni Miguel.

"Please, wag ha?" may pagmamakaawang saad niya. Kinurot ko ng mahina ang pisngi niya at ngumiti "Promise."

Hindi ko siya iiwan at hindi ko hihilingin na wag nya akong iwan. Bibigyan ko siya ng kalayaan mag desisyon. Kung hanggang kailan niya ako pipiliin.

Alam ko na mahirap din sa kanya ang sitwasyon kaya nasa kanya din kung kaya nyang tiisin ang hirap para sakin. Sa amin.

Pagkatapos namin kumain ay akala namin wala ng makakapansin samin pero may mga ilang crew na nagpapicture samin. Pinaunlakan naman namin ito at nagpaalam na.

Muli naming sinuot ang cap at mask namin habang magkahawak ang kamay na nag-gagala sa mall.
Nang may madaanan kaming ice cream ay huminto kami sa shop para kumain. Face mask lang ang tinanggal namin tsaka konti lang naman mga dumadaan kaya wala naman nakakilala samin.

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon