Gulat na gulat silang lahat sa sinabi ko na parang may mali akong nasabi. Nabilaukan pa si Mommy Ruby kaya mabilis kong siyang inabutan ng tubig.
"Koleen! Halika nga dito!" tawag sakin ni Jewel at tumayo palakad sa may sulok ng bahay.
Mabilis ko naman siyang sinundan.
"Nababaliw ka na ba? Bakit mo sinabi kila Mommy ang tungkol sa atin" salubong niya sakin.
"Sabi mo be myself. Sinabi ko lang naman ang totoo."
"Matapang ka kasi walang media!" may hinanakit na saad niya.
"No. I'm not brave. I'm just being true. Totoo ako kapag walang media, Jewel. At yun ang katotohanan, girlfriend kita. Girlfriend mo ako. Akin ka at sayo ako." pulang pula si Jewel dahil sa sinabi ko malamang ay nagagalit siya ngayon sakin dahil sa pambibigla ko.
"Are you mad?" kinakabahan kong tanong sa kanya
"Bahala ka magpaliwanag kila Mommy!" singhal niya sakin at nauna ng bumalik sa lamesa.
Pagkaupo ko ay mariing nakatitig sakin si Tito Jasper.
"Ano yung sinabi mo kanina?" pag-uulit nito.
"Maswerte din po ako kay Jewel. Maliban sa napakaganda niya at bait ay napaka maunawain nya pong girlfriend." magalang na sagot ko
"Girlfriend?" pag-uulit ni Mommy Ruby.
"Yes po. Di lang kami magbestfriend ni Jewel. Magkasintahan po kami" tinignan ko si Jewel na nakayuko lang at kumakain.
"Kailan pa?" tanong ni Daddy Jasper. Wala kang maririnig na kahit na anong tunog maliban sa maingay na pag-nguya ni Red. Kaya siniko siya ni Keira na halatang kinakabahan.
"Kaka-3 years pa lang po namin last month"
"3 years ago? Jewel is 18 years old right now. So naging kayo ng 15 years old si Jewel?!" napapitlag ako sa biglang paglakas ng boses ng boses nito.
"Opo." mahinang sagot ko
"Lakasan mo hindi ko marinig!!" umaalingawngaw ang boses nito sa buong bahay
"Opo!" mas malakas na sagot ko. Tinitigan ako ng masama ni Daddy Jasper kaya di ko maiwasan makaramdam ng takot.
Tumayo naman si Mommy Ruby at pumwesto sa likod ng asawa.
"Daddy, hayaan mo na. Atleast ngayon alam na natin. Nasa tamang edad naman na sila. Hindi ko ba naiisip na tatlong taon na pagsasama ay hindi biro. Ibig sabihin nagmamahalan talaga sila." pahayag nito habang minamasahe ang balikat ng asawa.
"Tigilan mo ko Ruby! Ang sabihin mo gustong gusto mo lang talaga maging anak itong si Koleen. Let me remind you! Unica ija natin si Jewel. She was in relationship when she was 15 years old. P-pakiramdam ko nagkulang tayo sa kanya bilang magulang." naluluhang pahayag ni Daddy Jasper.
"I don't think so. Feeling ko tinuruan natin maging independent si Jewel. Wala namang mali sa kanila ni Koleen. Desenting bata si Koleen, magalang at responsable." napahilot sa sintido niya si Daddy Jasper. Tinanggal naman ni Mommy Ruby ang kamay niya sa sintido nya at siya na ang naghilot.
"Ikaw ba, Koleen mahal mo talaga itong anak namin?" baling sakin ni Mommy Ruby.
"Opo, Mommy. Mahal na mahal ko po siya at kasama siya sa mga plano ko sa buhay." matapang na sagot ko
"Narinig mo yun Daddy? Ang cute ni Koleen, tinawag nya akong Mommy!!" parang kinikilig na bulalas ni Mommy Ruby. Napabuntong hininga naman si Daddy Jasper.
"Ikaw ba Jewel? Mahal mo ba itong si Koleen?"
"Sabihin mo opo father." bulong ni Keira na rinig naman namin
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...