5am ng tumunog ang alarm ni Koleen. Kailangan kasi siya sa set ng 7am. Kadalasan ay siya ang unang bumabangon talaga samin pero dahil birthday niya ngayon ay pinilit kong bumangon na pinagtaka niya.
"Bakit bumangon ka na?" nakapikit na tanong nya habang nakaupo pa sa kama. Ako naman ay nagbibihis na ng sando at cotton short.
"Magluluto ako ng breakfast natin. Mag-ayos ka na" ani ko dito at dumiretso na sa cr.
"Oo nga pala, akala ko may taping ka?" saad niya na di na nag-abalang magbihis. Kumuha lang siya ng tuwalya at dumiretso sa banyo.
"Ha? Ah.. 8am pa yun! Hehe" mabilis na palusot ko at pinagpatuloy ang pagtotoothbrush.
"Medyo late call time nyo ah." yumakap pa siya sakin mula sa likod at ngumuso sakin na parang nanghihingi ng kiss. Dinura ko muna ang bola sa bibig ko bago siya dinampian ng halik sa labi niya.
"Cool." nakangiting komento nya na parang nilasahan pa ang labi niya. Nailing na lang ako at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.
Nang matapos ako ay iniwan ko na siya sa banyo ay nagtingin naman ako ng pwede kong lutuin sa ref. Di naman ako marunong magluto kaya itlog at hotdog lang niluto ko tsaka para may sabaw ay gumawa din ako ng mashroom soup yung ready mix powder lang na ihahalo sa tubig na pinapakuluan.
Nang matapos siya maligo at magbihis ay sabay kaming kumain. Mabuti na lang ay di siya nag-usisa sa late call time ng taping ko kuno.
Di naman kasi talaga totoo na may taping ako balak ko lang talaga siya i-surprise sa birthday niya mamayang gabi.Yung sinasabi ni Vin na schedule ko ngayon ay charot charot lang para mapaniwala si Koleen. Sinabi ko naman kasi na isusurprise ko nga ito sa birthday nya as 'bestfriend'.
Mga 6:30am ng umalis si Koleen ng unit ko. Mga 10 minutes lang naman ay makakarating na siya sa studio kaya maaga pa siya.
Pagkaalis niya ay nilabas ko na lahat ng mga gagamitin ko para sa surprise ko sa kanya. Yung happy birthday banner, party pooper, balloons na iba't ibang kulay, balloon pump, crepe paper at kung ano ano pa tapos dumiretso na ako kila Lola at Raven dahil tutulong ako sa pagluluto. Pwede naman kami magpa-cater pero mas gusto namin ni Lola na magluto para kay Koleen tsaka kami kami lang naman ang kakain.
Nagluto kami ng maha, spaghetti, kalderetta, lumpia, pichi pichi at di mawawala ang pancit pampahaba ng buhay! Hapon na rin ng matapos kami sa pagluluto.
"Sige po, La magpahinga na kayo at mag-ayos. Kami na po ni Raven ang magdedecorate." saad ko kay Lola.
"Sigurado ka ba? Kanina ka pa nagluluto." nag-aalangang tanong ni Lola.
Ako kasi talaga nagluto. Dinidiktahan lang ako ni Lola paano ang gagawin. Gusto ko kasi talaga pag-effortan ito para kay Koleen. Last birthday nya kasi sobrang busy pa ako nun sa school kaya kumain lang kami sa labas, ngayon ako babawi.
"Ayos lang po. Sige na po baka mapagod kayo."
"Sige, apo."
Nagsimula na kami ni Raven magbomba ng mga balloons. Kulay skyblue, royal blue and white. Pagkatapos ay inayos ko ang mahabang lamesa na lalagyan ng mga handa at sa background nun ay mga crepe na vertically cut. Pinatong ko dun ang banner ng happy birthday. Dinikitan ko ng konting picture nya rin na pina-develop ko ng wallet size. Tapos mga balloons na sa paligid pati sa palibot ng mahabang lamesa.
Nang matapos ko ang lahat ay pinag masdan ko ang resulta. Yes! Natapos rin at sobrang ganda nito. Sigurado ako matutuwa si Koleen.
Tinignan ko ang oras mag-5pm na. Naku! Parating na yun. Nagmamadali na akong maligo dahil baka maabutan niya pa akong pawisan.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanficSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...