Pagkatapos namin kumain ni Jewel ay naligo na ako, paglabas ko ng cr ay naabutan ko si Jewel na bumubungisngis habang nakatutok sa cellphone niya.
"Hey, what's that?" curious akong lumapit sa kanya at dinampian ng halik ang labi niya bago tumingin sa screen ng phone niya.
Nakita kong may ka-chat siya pero mabilis niyang inexit.
"Alam ko na gagawin natin Loves" nakangiting saad nya sakin pero pakiramdam ko hindi para sakin ang ngiti niya.
I sat beside her and look at her intently. Tinitignan ko lang ang paraan ng pagtingin nya sakin kung may nagbago ba.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Namiss lang kita." sagot ko dito at tumayo na para magsuklay. "So, anong gagawin natin?"
"May mga kakarating lang akong beauty products dyan eh. I-fafacial kita! Hehe" tumayo siya at pumunta sa ref para ipakita sakin ang mga face mask niya.
Lumapit siya sakin at sinuot sa buhok ko ang headband. "Halika na"
Hinila niya ako pahiga sa kama at nagpatugtog ng solemn. Pakiramdam ko makakatulog ako.Nilagyan niya ako ng pipino sa mata at aloe vera sa muka tapos minassage nya using a facial massage. "Pangit na ba ako?" tanong ko sa kanya
"Hindi nuh!" mariing tutol niya "Napanuod ko lang sa tiktok ito. Ang sweet kaya. Hihihi" parang kinikilig na turan nya.
"Eh bakit di mo ko vinivideohan para may mapost ka?"
"Gusto mo sugurin na naman ako ng fans mo?" mataray na tanong niya.
"Caption mo ng 'Treating my bestfriend'. Ganern." pang-aasar ko sa kanya
"Ssshhh. Wag ka na maingay. Malalaglag yung pipino" pagalit niya sakin kaya nanahimik na lang ako tsaka nakakaramdam na talaga ako ng antok. Ang sarap ng ginagawa niya.
Maya maya ay pinunasan niya ang muka ko. Sunod niya ginawa ay yung black heads remover. Yung parang vacuum. "Wala ka namang black heads!" reklamo niya.
"Meron. Dito sa bandang ilong oh" turo ko sa kanya. "Wala naman! Ang konti konti"
Dahil wala siyang nakukuha ay nilagyan niya na lang ako ng eyebags mask at pinahiran ulit ng moisturizer ang muka ko."Makakatulog ako nito, Loves" saad ko na parang hinihila na ng antok. "Sleep then" tipid na sagot nya dahil naka-focus siya sa ginagawa nya sa muka ko. Maya maya naramdaman kong may pinatong siyang malamig sa muka ko. Face mask siguro tapos minasssage nya na naman nung rollers kaya nakatulog na talaga ko.
Umaga na ng magising ako. Puro lang ako tulog kapag kasama ko si Jewel. Bawing bawi pagod at puyat ko. At dahil nauna akong magising sa kanya ay pinagluto ko siya ng pancake na paborito niya.
Matapos kong magluto ay tulog pa rin siya. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog.
Hanggang sa may kung anong humila sakin para halikan ang labi niya. Bigla niyang dinilat ang mata niya at tinulak ako."Argh! Kadiri ka!" reklamo niya sakin at tumakbo papuntang cr. Paano ako naging kadiri?
Nagtimpla na lang ako ng kape para sa kanya at gatas habang hinihintay siyang lumabas ng cr. Paglabas niya ay ang sama ng tingin niya sakin.
"Galit ka ba na hinalikan kita?" lumapit siya sakin at niyapos ang braso niya sa leeg ko.
"Hindi. Nakakadiri ka lang kasi! Wala pa akong toothbrush." saad niya bago ilapat ang labi sa akin. I was stunned for a moment but eventually responded to her kiss.
We're both quite panting when we separated. "Good morning, Loves" bati niya sakin. Mukang good mood siya.
"Good morning. Pinagluto kita ng pancake" nakangiting saad ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...