Jisoo POV
Habang nakahiga ako at busy sa pagkatulala ay bigla na lang tumunog yung radyo na pinapakinggan ko.
Love of my life, you've hurt me
You've broken my heart
And now you leave me
Love of my life, can't you see?
Hay nako! Nakakainis naman tong kantang to. Sabi ko sa isip ko.
Bring it back, bring it back
Don't take it away from me
Because you don't know
What it means to me
Ay! Kahit huwag na siyang bumalik. Kahit kailan naman kasi hindi siya naging sakin.
Love of my life, don't leave me
You've taken my love
(All my love)
You now desert me
Love of my life, can't you see?
(Please bring it back)
Bring it back, bring it back
Don't take it away from me
Because you don't know
What it means to me...
Napatayo naman ako sa kama sa inis! Hay nako! Lalo lang ako ma dedepress kung hihiga lang ako dito maghapon. Lalabas na lang ako para mag ikot ikot. Agad akong tumayo at pagkalabas ko ay nakita ko si Rosè sa sala na nakaupo. Hayyy buti wala si Limario. Sabi ko sa sarili ko. Palabas na ko ng pinto at nagulat ako ng bigla akong ginulat ni Limario.
Binuhat niya ako nung pa bridal carry. At hiniga sa tabi ni Rosè. "Ano ba yaaaaan Lisa!! Kita mo ng nanonood ako eh!!" Inis na sabi ni Rosè sakanya. "Guys, bored na bored na ko. Maglaro naman tayo" rinig kong sabi niya. Tatayo na sana ako para bumalik sa kwarto ko at nagulat ako ng bigla niya kong hatakin dahilan para mapa upo sa lap niya.
Ang awkward tuloy kasi nagkatitigan kaming dalawa. Tila nanahimik naman sa buong kwarto. "Hoy! Nandito kaya ako no!" Rinig kong reklamo ni Rosè dahilan para mapatayo ako sa lap ni Lisa. Pagkatayo ko ay naramdaman ko naman yung mga kamay niya na nakahawak ngayon sa kamay ko sabay hatak sakin paupo sa tabi niya. Naramdaman ko naman yung mga kamay niya na nakalagay sa balikat ko.
"Dito ka lang okay?" Rinig kong sabi niya. "Hoy bata, mas matanda ko sayo. Eto kung makapagsalita talaga eh" sabi ko sakanya sabay pitik sa ilong niya. Ginawa ko yun para di niya mapansin na ang awkward at naiilang ako sa nangyari. Inayos ko yung upo ko at humarap kay Rosè na pinanlalakihan ako ng mata ngayon. Pano naman kasi yung posisyon namin ni Lisa ay nakayakap na siya sa tummy ko. Kanina lang nasa balikat ko ang kamay niya.
"Hoy Limario! Yung kamay mo alisin mo nga diyan. Mamaya di na ko magka boyfriend niyan eh" sabi ko sakanya habang pinipilit alisin kamay niya. "Ayoko nga aalis ka eh. Saka sino naman nagsabi sayo papayag kami magka boyfriend ka?" Natatawa niyang sabi "Ako okay lang, matanda na si Jisoo" natatawang sabi ni Rosè. At kailangan talaga may pagsabi ng MATANDA na ko? Inirapan ko tuloy siya. Lalo naman lumakas tawa neto ni Lisa.
"Ah basta hindi, dadaan muna siya sakin" natatawang sabi niya sabay bitaw sakin. Pero kiniss niya muna ako sa pisngi bago siya tuluyang bumitaw. "Hay nako, tigilan mo yang kamanyakan mo Lisa ha" natatawang sabi ni Rosè. So nakaupo na kaming tatlo dito sa sofa ngayon.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."