Lisa POV
Maaga akong nagising para pumunta sana sa 711 na malapit dito para bilhan si Jisoo ng ice cream. Pagka bukas ko ng pinto ay nakita ko si Rosè na tulog na tulog pa. Pagkatingin ko naman sa kama ni Jennie ay nandun yung gamit niya pero wala siya. Siguro baka kasama si Tita, kasi sa pagkaka alam ko ay hinatid siya nun.
Kinuha ko yung jacket at facemask ko para sootin. Nag cap na rin ako para hindi ako makilala. Pagka baba ko ay binati ako ng staff ng hotel. Tinanong ako nung YG Security kung san ako pupunta sinabi ko na sa 711 lang. Nag volunteer pa nga na sumama, kaso sabi ko wag na lang. Kaya ko naman.
Pagka dating ko sa 711 ay kinuha ko na agad yung paboritong ice cream ni Jisoo at bumili na rin ako ng konting snacks namin para sa practice mamaya. Nagmamadali ako na bumalik sa hotel. Pagkapasok ko ay hinabol ko yung elevator na pasara na.
Sakto naman ay nakapasok ako, at nakahabol ako. "Thank you" sabi ko sa babaeng kasabay ko sa elev. "You're welcome Lili" sabi nito at nagulat naman ako. Pagkatingin ko ay si Jennie pala. "Uyy boo!" Gulat na sabi ko sakanya. Napansin ko naman na napangiti siya. Pero halata mo yung mugto ng mata niya. Napayuko tuloy ako at di makatingin sakanya.
"Kanina ka pa?" Tanong ko sakanya at tumango naman siya sakin. "Ikaw? Bat ang aga mo lumabas?" Natatawang tanong niya at pinakita ko naman yung dala ko. "Kain tayo mamaya? Ako na magluluto" sabi ko sakanya at natawa naman siya. "Di ka kaya marunong magluto" sabi niya at nilapitan ko naman siya para titigan sa mata.
"Anong sabi mo ulit?" Pang asar na tanong ko sakanya at umiwas naman siya ng tingin sakin. "Hay nako ang bully mo" rinig kong sabi niya. Pagkabukas ng elevator ay pinauna ko na siya na lumabas. Pagkabukas namin ng pinto ng kwarto ay nakita ko si Rosè na naka upo na sa kama niya at nagtitingin sa phone niya.
"Oh Jennie buti naman dumating ka..." di niya na natapos yung sasabihin niya ng makita niya akong kasunod ni Jennie. "San kayo galing?" Tanong pa niyo na ang sama ng tingin sakin. "Nag abot kami sa elev, bumili ako ng foods para sa practice natin later" sabi ko sakanya at diretso na pumunta sa ref para ilagay yunh ice cream don ni Jisoo.
"Grabe ang lamig sa labas unnie." Lambing nito kay Chaeng sabay yakap. "Pasok muna ko dun, gisingin ko lang si Jisoo" sabi ko at tumingin lang sila sakin dalawa. Pagkapasok ko ng pinto ay wala si Jisoo sa kama. "Love? Asan ka?" Tanong ko habang papunta sa cr. At nakita ko siya na nag brush ng ipin niya.
Lumapit naman ako sakanya at nag backhug. Hinalikan ko naman yung leeg niya dahilan para mapa moan siya. "Love! Ang aga aga!" Natatawang sabi niya. Natatawa ko kasi may bula pa ng toothpaste yung bibig niya. "Aww, namiss lang kita eh" sabi ko sakanya at nagpa cute pa.
Maya maya ay may narinig akong katok sa kwarto namin. "Buksan mo yun Love" utos niya at lalo ko naman hinigpitan yung yakap ko sakanya. "Isa!" Sabi niya pa at tumakbo na tuloy ako papunta sa pinto para buksan. Pagkabukas ko ay si Jennie ang nakita ko. "Boo, sa labas daw tayo mag breakfast sabi ni Oppa. Hintayin namin kayo sa baba ah?" Ngiting sabi niya sakin.
Di na ko tuloy nakapagsalita ulit kasi bigla na siyang umalis at pumunta kay Rosè. After nun ay isinara ko na yung pinto at nahiga sa kama. Nakakamiss rin talaga yung gummy smile ni Nini. Sabi ko sa sarili ko habang nakatulala sa ceiling ng kwarto namin. Maya maya ay lumabas na si Jisoo sa cr at sinabi ko na sa labas daw kami kakain ngayon.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Фанфик"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."