Chapter 34

335 11 0
                                    

Lisa POV


Kahapon, wala kaming ibang ginawa ni Jisoo kundi mag ikot ikot sa Japan. Sobrang na enjoy naming yung moment namin together. Nag picture rin ako ng madami at videos. Pagbalik ko sa Korea ay ieedit ko to lahat at ipopost ko. Nagbabalak na rin ako gumawa ng photo album ko na kasama to sa mga laman.


Pagkagising ko, ay wala na si Jisoo sa tabi ko. Siguro nagluluto na naman yun. Speaking of Jennie, pagkauwi namin kahapon dito ay wala pa siya. Si Chaeng na nagpabili ng foods ay wala rin. Sabi niya aalis daw kasi sila ni Jennie kaya ayun. Pagkabukas ko ng pinto para tignan kung nakabalik na sila ay sakto nga nandun na sila.


Napansin ko si Jennie na tulog na tulog pa rin, habang si Chaeng naman ay busy sa cellphone niya. Luma-love life na naman siguro ang gaga. Tumabi ako sakanya at nagulat ako ng makita ko si Suzy. Syempre, nagulat ako kasi wala pa nga ako nakukuhang confirmation tapos eto makikita ko.


"Hi Suzy! Kilala mo ba ko?" Pang eepal ko at inirapan naman ako ni Chaeng at pinapalayas. Napansin ko na tumawa si Suzy. Ganda niya rin talaga eh hays sabi ko sa sarili ko. "Oo naman, ikaw yung bestfriend ni hon" sabi nito.


Naknampucha! Nagulat ako. "WOW HON!" Sigaw ko dahilan para mapa tingin si Jisoo samin at gumalaw ng konti si Jennie. "Gago ka Lisa ang ingay mo!" Inis na sabi niya sakin at nakita ko naman na tumatawa si Suzy. Maya maya ay biglang lumapit sakin si Jisoo at hinalikan ako sa pisngi.


"Hi Suzy!" Ngiting bati nito kay Jisoo. "Hi Jisoo! Kamusta na? Kayo na pala ni Lisa ah" pangaasar nito. Nagpalipat lipat naman kami ng tingin ni Rosè sakanilang dalawa. "Yup, iku-kwento ko pa lang sana sayo pagbalik namin diyan eh. See you soon!" Sabi ni Love na nagpabuka ng bibig namin ni Chaeng. "Yes, see you! Bitbitin mo yang gf mo ha?" Natatawang sabi nito at nagpaalam na kay Rosè na may shoot pa daw.


Takang tumingin naman kami kay Jisoo habang bumalik siya ulit sa pagluluto niya. "Love?" Sabi ko sakanya habang naka backhug ako. "Magkakilala kayo?" Tanong ko at humarap naman siya sakin sabay pisil sa pisngi ko. "Yes Love. Bakit? Gulat ka no? Wala ka ng chance don" natatawa pang sabi nito. "So alam mo?" Tanong sakanya ni Rosè


"Yes, Actually inaantay lang kita mag open" sabi nito at nagpatuloy na sa pagluluto. Amaze na amaze kami ni Rosè tuloy. So all these time alam pala niya? Tas kung maka act siya parang wala siyang alam. "I think you should be more careful. Haha! Nakakatakot yang gf mo. Ang galing niyang mag act ma wala siyang alam, pero deep inside lahat pala alam niya" sabi sakin ni Chaeng na tumatawa.


Wala naman akong tinatago, so wala akong dapat ikatakot. After namin kumain ay bumalik na kami ni Jisoo sa kwarto para maligo. Si Jennie naman ay ginising ni Chaeng. Habang naliligo si Jisoo ay naramdaman ko na nag vibrate yung phone ko. 


"Lisa, usap tayo pagbalik sa Dorm" pagkabasa kong yun ay sakto na lumabas si Jisoo sa cr. Hindi ko na muna nireplayan yung text niya, at lumapit ako sa Love ko. "Gusto mo ba samahan na kita dun Love?" tanong ko sakanya, kasi may meeting agad sila for Snowdrop. "Wag na Love, magpahinga ka na lang. Then wait mo ko sa room mo ah? Wag mo i lock" sabi niya sakin dahilan para ma excite naman ako.


"Aww! Sige Love, matutulog pala ako agad paguwi para may energy" natatawang sabi ko naman sakanya. "Energy saan? Hay nako Lisa! Yang utak mo na naman ah?!" sabi niya sabay layo na sakin. "Maligo ka na dun anong oras na!" sabi nito sabay tulak sakin sa banyo.


After ko maligo ay tinulungan ko na si Jisoo na ilabas yung gamit namin. Pagkalabas ko ng kwarto ay nagkatitigan kami ni Jennie. Una kong napansin yung mga mata niya na namumugto. Umiyak na naman kaya siya? Sa totoo lang, masakit sakin makita na nagkakaganyan siya. Hindi ko rin kasi alam ang rason kung bakit. Kung si Kai ba o ako...

Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon