Lisa POV
After Joohyun and I hanged out, I decided to go home. I think its time to go home now. Hindi naman ako pwedeng makitira lang kay Joohyun forever. Nakakahiya. Isa pa, magiging malaking issue to kung sakali na mahuhuli ako ng dispatch na pabalik balik sa bahay niya. Alam ni Joohyun na uuwi na ko sa dorm, at wala naman siyang ibang sinabi sakin. Siguro ay talagang naiintindihan niya yung sitwasyon, at sobrang nahihiya ako dahil sa kalagayan niya ngayon.
Tama naman si Wendy, mali talaga. Mali tong magiging simula namin dahil kay Jisoo. Pero hindi ko na rin napigilan pa. Pagkauwi ko ay nakita ko siya, sakto na nagtama yung paningin namin. Pansin mo yung lalim ng mata niya ngayon. Aaminin ko, nung makita ko siya ay nakaramdam ako ng pain sa puso ko. Gustuhin ko man siyang yakapin ngayon ay ayoko maging unfair sakanya. Ayoko rin maging unfair kay Joohyun.
Pero sadyang makulit yung puso ko at di ko napigilan na yayain siya kumain. Pakiramdam ko ay hindi pa rin naman siya kumakain. Nung nadulas siya sa sofa ay naramdaman ko na naman yung kakaibang tibok ng puso ko na lagi ko nararamdaman kapag nandiyan siya. Pero sa totoo lang, hindi na ganun ngayon yung nararamdaman ko. Halata mo yung kaba sakanya nung makita niya ako kaya sinubukan ko rin maging kalmado sa harapan niya.
Nung kumakain kami ay sinbukan ko siyang kausapin, pero matapos ng saglit na paguusap na yun ay hindi na ulit nasundan dahil nahihiya na ko sakanya. Ang kapal naman ng mukha ko na mag act pa as concern gf sakanya ngayon inamin ko na may mahal na ko iba. Pagkatapos ko maghugas ay nagpaalam na siya na matutulog na siya. Nag stay muna ko sa sala gaya ng madalas ko ginagawa kapag hinihintay ko si Jennie na lumabas sa kwarto niya...
Part of me ay gusto ko siyang lumabas, makita at yakapin siya. Pero sa tuwing maiisip ko yun, Ay biglang naaalala ko si hae in. Naaalala ko yung nakita ko sa coffee shop. Habang sobrang busy ko sa pagiisip ay nag ring yung phone ko at nakita ko na si Irene yung tumatawag. "Hello?" sagot ko sakabilang linya at narinig ko yung sweet voice niya na nagpabilis ng heartbeat ko. Palagi na lang akong nalilito kapag nasa harapan ko siya.
"Gusto mo ice cream diba? Binili kita. Nandito ko sa labas" sabi niya sakin at nagulat ako ng i on niya yung Video niya at nakita ko siya sa 711. "Uy bat ka pa lumabas?! Ang lamig lamig!" saway ko sakanya. "Come here or else..." sabi niya kaya nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha yung dalawa kong jacket na makapal. Sakto paglabas ko ay nakita ko si Chipmunk na galing sa kusina. "Oh san ka? Lakas ng snow sa labas ha?" sabi niya at kiniss ko naman siya sa pisngi. "711 lang" sabi ko at nagmamadali na lumabas ng pinto. Narinig ko yung sinigaw niyang Ewww sakin at natawa naman ako.
Pagkalabas ko ay nakita ko siya na lamig na lamig. "Ikaw talaga! Sabi ko lang gusto ko pero di ko sinabi bilhan mo ko!" Sabi ko sakanya habang sinosoot sakanya yung jacket ko. Inamoy amoy niya pa yun sabay niyakap ako. "Eto mas warm na" Sabi niya dahilan para mapangiti ako. God! Ang bango niya.
Kaya after niyan ay palagi na kami magkasama ni Joohyun. Madalas ay nagsasalitan kami sa pag dalaw sa mga shoot namin, maging yung yung mga manager namin ay nakakahalata na. Pero wala naman kaming pake sakanila. Tinuruan ako ni Joohyun na mawalan ng pake sa sinasabi ng iba, kasi yun ang nakikita ko sakanya. Gusto ko ibalik sakanya lahatbng kabutihan na ginagawa niya sakin. Sa totoo lang, dahil sakanya ay nakakalimutan ko na si Jisoo. Si Jisoo na minahal ko talaga pero pinili lang akong saktan. Still, I can't blame her. Hindi mo rin talaga alam pano maglaro ang tadhana.
Habang nandito ako sa sala nakaupo ay narinig ko si Jennie at Chaeng na naguusap. Speaking of Jennie, naguusap kami pero formal na lang. Like hi, hello. Kamusta. Alam ko naman na galit pa rin siya kay Joohyun dahil sa nangyari. At alam ko na ako ang dahilan kung bakit. Siguro, kung naging maayos lang sana ang lahat dati hindi sana ganito ang magiging ending ng lahat. "Kawawa naman si Jisoo unnie, kanina pa yun. Saka sunod sunod shoot niya ngayon halos wala na siyang pahinga" sabi ni Chaeng
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."