Joohyun POV
"Alam mo, sa lahat ng desisyon mo eto ang pinaka putang ina sa lahat" sabi sakin ni Wendy. Habang ako eto, hinahawakan ko yung tummy ko at kinakausap yung baby ko. Yes. I'm 6weeks pregnant. At hindi pa alam ni Lisa na nagbunga na yung IVF process namin. Nasa China kasi siya ngayon for youth with you. Naramdaman ko naman na lumapit sakin si Seulgi at pinitik yung noo ko. Kaya tinitigan ko siya ng masama.
"Alam mo Bae? maganda ka sana, kaso gago ka" sabi nito sakin at malungkot naman na nakatingin si Joy at Yerim habang si Wendy naman ay hanggang ngayon naka simangot pa rin. Ano nga bang ginawa ko? Dahil sa takot ko na masira ang career ng magiging Daddy netong baby ko, at dahil sa sobrang insecure ko kay Jisoo ay napilitan akong pumayag na makipag date kay Suho. Ang tanga ko no? Actually, act lang naman to. Hindi naman kami official dating, cover up lang to para mapagtakpan yung dating history niya sa isang non celebrity.
"Yerim, itext mo nga si Lisa sabihin mo huwag muna magbukas ng mga articles at news ngayon. Sabihin mo rumor lang lahat" utos ni Wendy kay Yeri at tinignan ko naman siya. "Don't" sagot ko at inis na tumingin sila sakin.
"For God's sake!! Joohyun!!! Mahal ka nung tao!! Mahal na mahal ka nung tao!! tas gaganituhin mo?!! nagiisip ka pa ba ng tama?!!"
"Mahal ko rin naman siya, kaya ko nga to ginagawa" sabi ko sakanila at nakita ko na yung pag tupi ni Wendy sa kamay niya. Ramdam ko yung galit niya ngayon.
"Irene, kaya nag ta trabaho si Lisa ng maigi para sa future niyo at sa baby niyo. Naisip mo ba yun? Isa pa, hindi niya pa nga alam na buntis ka eh" sabi sakin ni Joy. at malungkot naman na nakatingin sakin si Selgi.
"Alam mo, kung dati kinunsinti kita dahil kay Lisa. Ngayon hindi ko kukunsintihin yang balak mo. Sobrang unfair non para kay Lisa. Alam mo ba yun? Isa pa anak niya rin yan." sabi sakin ni Seulgi at huminga naman ako ng malalim dahil dun..
"Hindi niya malalaman kundi niyo sasabihin. And naka booked na ko ng ticket pa New Zealand. Aalis na ko dito" sabi ko sakanila.
"Alam mo ikaw pu--" sabi ni Wendy na hahawakan sana ako kaso bigla tumayo si Seulgi at hinarang yung sarili niya.
"Palalakihin mo yang bata ng walang tatay? At hindi niya kilala yung tatay niya? Nasisiraan ka na ba Irene?!! Mahal ka ni Lisa!! Mahal ka nung tao!!" paguulit niya sa sinabi niya..
At dun na ko nagsimulang maiyak.. Nagaalala naman na lumapit sakin si Yeri at niyakap ako.
"Bakit? sa tingin mo ba hindi rin masakit sakin tong gagawin ko?! Masakit sakin.. Masakit sakin na nakikita ko siya na kapag may nangyayari kay Jisoo hindi siya mapalagay. Masakit sakin na parang pakiramdam ko, kailangan ko makipag unahan kay Jisoo pag dating sakanya. Ang sakit sakin na makita na masisira lahat ng matagal niyang pinaghirapan dahil lang sa ako ang pinili niya. Masakit sakin na lalaki tong anak namin na hindi siya nakikita.... Pagod na ko makipag agawan ng atensyon. Alam ko naman na kahit kailan hindi ko kayang palitan si Jisoo sa buhay niya.." sabi ko ng naiiyak at nakita ko na umiiyak na rin sila..
"Pero Joohyun.. hindi mo naman kailangan to gawin eh" sabi ni Wendy sakin at tinignan ko naman siya.
"Buo na desisyon ko.. tutuloy ako sa New Zealand. After ilabas ng dispatch yung balita samin ni Suho aalis na ko" sabi ko sakanila.
"Sabi ni Lisa kila tito tinatapos niya lang yung shooting sa China at pagbalik niya ay magpapakasal na kayo..." malungkot na sabi sakin ni Wendy dahilan para bigla akong manlamig..
Katahimikan ang bumalot samin lima matapos niya yun sabihin..
Maya maya ay nakita ko yung phone ko na umiilaw at nakita ko na tumatawag si Lisa kaya agad ako lumapit at sinagot yun.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."