Chapter 10

652 15 0
                                    

Jisoo POV

Pagka alis ni Lisa ay nagsimula ng tumulo yung mga luha sa mata ko. Honestly, I just want to be with her. Pero hindi, parang ang sakit sakit. Parang palagi na lang hindi pwede.

Nung mga nakaraang araw na wala ako, ay hindi rin ako mapalagay. Ilang beses ko na sinubukan magpakatatag pero hindi. Pakiramdam ko ay hindi ko pa rin kaya. Gustong gusto kong samahan siya ngayon, lalo na nung mga araw na alam kong nasasaktan siya dahil kay Jennie.

Pero hindi, eto yung planong dapat kong maayos at dapat ko ng gawin. Naalala ko nung araw na kausapin ako ni Mr Yang. Noon pa lang ay alam ko na meron talaga si Jennie, pero ayoko yun pangunahan at kung maaari ay ayoko na sana sabihin kay Lisa dahil alam kong masasaktan lang siya, pero wala. Nalaman niya pa rin at hindi man niya aminin ay alam ko naman na totoong may nararmdaman siya para kay Jennie.

Maya maya pa ay biglang may narinig akong kumatok. Pagkatingin ko ay si Chaeng pala. "Hey, umiiyak ka na naman diyan" sabi niya sakin sabay bato ng unan. Tinignan ko naman siya ng masama pero tinawanan niya lang ako. "Asan si Jennie?" tanong ko sakanya. "Himala, si Jennie ang hinahanap mo." natatawang sagot niya pa. "Nasa kwarto niya na. Si Lisa, nandun sa coachella pinagkakaguluhan nung mga babae dun." sabi niya pa


Hay nako, sabi na eh. Kapag yun talaga ang iniwan mo magisa panigurado pagkakaguluhan. "Oppa eh" natatawa niya pang sabi. Tumayo naman ako ng kwarto para lumabas. Sumunod naman sakin si Rose at pumunta kami sa kwarto ni Jennie pag lapit namin don ay umiiyak siya. "Jen, ano nangyari? Bat ka umiiyak?" pagaalalang tanong ko sakanya. Tinignan ko naman si Rose, ayun nagkibit balikat lang siya at lumapit naman siya dito.


"Bakit? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Chaeng sakanya. "Namimiss ko na si Lisa" sabi nito, dahilan para maramdaman na naman yung kakaibang kirot sa puso ko. Tumingin naman sakin si Chaeng. "Bakit Jennie? Magkakasama pa rin naman tayo ha?" sabi nito sakanya at umayos ito sa pagkakahiga niya at umupo sa kama. "Oo, pero pakiramdam ko after nung malaman niya na kami na ni Kai eh bigla na lang siyang umiwas" sabi niya pa. Ramdam niya rin pala....


"Ah, huwag mo na lang pansinin. Hindi ka naman siguro nun iniiwasan. Alam mo naman yun si Lisa. Baka may pinagdadaanan rin ng di natin alam" sabi niya naman. Lumapit naman ako sakanya at niyakap ko siya "Jennie, wag ka ng umiyak. Saka hindi yun magagalit sayo dahil kayo na ni Kai. Kaya huwag ka ng magisip ng kung ano ano. Hayaan na lang muna natin siya okay?" sabi ko naman sakanya. "Tara nga! Lumabas na nga muna tayo at sunduin natin si Lisa dun. Mamaya di na yun makabalik ng buo sa Korea eh" natatawang sabi ni Rose.


Niyaya ko naman si Jennie lumabas. Hindi ko alam kung tanga ba siya o may pagka incensitive lang talaga. Hindi niya ba ramdam? O sadyang bulag lang siya sa nararamdaman sakanya ni Lisa. Pagkalabas namin ay nakita namin si Lisa na nagpapapicture dun sa mga babae. Dinalian ko naman yung lakad ko at agad na lumapit sakanila. "Hey baby, what are you doing here?" tanong ko sakanya. Napalingon naman yung dalwang babae sakin. "Oh its Jisoo Kim" sabi nila.


"Alis na tayo bago pa kita mabatukan." bulong ko sakanya sabay ngiti dun sa dalawang babae. Pasaway na to, sinabi na wag na siyang magpapapicture saiba muna dahil wala kaming security na kasama. After niya magpapicture dun sa babae ay sabi ko kay Chaeng hatakin niya na at kakain kami. Naghanap talaga kami nung may Samgyupsal dito. Ewan ko ba, miss ko na rin kumain. Tabi kami ni Lisa, as if naman may choice ako. At magkaharap sila ni Jennie. 


"Hey are you okay?" tanong ko kay Lisa, pano kinakausap niya na naman yung sarili niya. "yes baby, I'm fine" sabi niya sabay ngiti sakin. Natawa pa ko kasi para siyang kiti kiti na sumasayaw. "Sige nga, gayahin mo nga" asar naman sakin ni Chaeng. Ngayon lang naman to, so pagbibigyan ko na. Ginaya ko yung ginawa niya at nagsabay kami sa kalokohan niya. Tawa naman ng tawa sila Chaeng sa ginagawa namin. "Para kayong mga itlog" natatawang sabi ni Manager Oppa samin.


After namin kumain ay napagpasyahan na namin pumunta sa kwarto namin. pero etong si Rose ay di pa daw inaantok kaya nagyaya muna siya maglaro.Katabi niya si Lisa habang ako naman katabi ko si Jennie. Napansin ko naman na panay lang ang titig ni Jennie kay Lisa. "Nako matunaw yan" sabi ko sakanya. "Tingin mo ba di talaga siya galit sakin?" tanong niya pa.


"Hindi yan, kilala mo naman si Lisa" sabi ko sakanya. Ayoko pangunahan si Lisa sa mga ganyang bagay. Pansin ko naman na nakatingin lang sakin si Lisa "Yes?" tatawang tanong ko sakanya. "Natutulog ka pa ba?" pagaalalang tanong niya sakin. "Hay nako Limario, alam mo naman pare parehas tayong puyat nitong mga nakaraang araw" natatawang sagot ko sakanya. "Ah okay. Ikaw Jennie, natutulog ka rin ba?" tanong niya dito. Siniko ko naman si Jennie para sumagot. "Oo naman" sabi niya dito sabay ngiti. Magdamag kami naglaro ng cards at after nun ay balik na naman kami sa buhay namin na sunod sunod ang show.


After 1week


Matapos ang ilang linggo na sunod sunod na event ay sa wakas ay makakapagbakasyon rin kami. Medyo naguusap naman na sila Jennie at Lisa ulit pero di na ganun. Si Lisa ay ganun pa rin kakulit sakin, pero syempre palagi ko dinadahilan na busy ako at kailangan ko ng pahinga kaya di na siya gano nangungulit. Ngayon ay masasabi ko na kahit papano ay nasasanay na rin ako.


May nararamdaman pa rin akong pain pero hindi na ganun. Paunti unti ay nasasanay na rin ako at dapat lang masanay na ko ng wala siya. Ngayon naman yung flight ko papunta sa London. Magbabakasyon muna ako. Si Rose at Jennie ay uuwi sakanila habang si Lisa ay hindi ko alam. Sa totoo lang, hindi ko alam kung san siya pupunta. Wala rin naman siyang sinabi.


"Unnie, Ingat ka dun ah? Uwian mo kami pasalubong" sabi ni Chaeng sakin. Si Jennie kasi di na sumama sa paghatid dahil sinundo na ng Mama niya. Lumingon lingon naman ako sa likod pero wala pa rin akong nakikitang Lisa. "Nako, wala na yun. Ni hindi nga nagpakita kagabi nung aalis na si Jennie eh" rinig ko pang sabi niya. "Baka nagmomove on" pabiro ko pang sabi. 


Napansin ko naman na ngumiti siya. "Basta ha? Mag ingat ka dun, at mag update ka kahit sa Instagram okay?" sabi naman nito sakin. Yumakap na ko sakanya dahil tinatawag na yung name ko dun. "Ingat ka, enjoy rin sa vacation." sabi ko sakanya at tuluyan ng naglakad papunta sa eroplano.






Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon