Chapter 15

541 15 0
                                    

Jisoo POV

Wala na kong mahihiling pa sa mga oras na to. Gustuhin ko man ipagsigawan sa mundo na Mahal ko siya at akin na siya, ay hindi ko magawa. Siguro maghihintay na lang ako ng tamang panahon para dun. Ang mahalaga ay mahal namin yung isa't isa.

Habang kumakain kami ay napansin ko na dumudugo yung ilong niya. Nagaalalang lumapit naman ako sakanya para punasan yung ilong niya. "Love, dumudugo ilong mo" sabi ko sakanya at ng lapitan ko siya ay sobrang init niya. Pupunasan ko na sana yun ng biglang maramdaman ko yung bigat ng katawan niya. Napasigaw tuloy ako at tinawag ko si Rain para alalayan kami.

"Love, sa bahay na lang tayo please di ako pwede madala sa hospital baka ma report pa to" sabi niya sakin "Sige magpapapunta ako ng doctor sa unit niyo" rinig ko naman na sabi ni Rain. Buhat buhat siya ni Rain ngayon at maingat na nilagay sa sasakyan. Hinahawakan ko yung panyo at nilagay sa ilong niya. Hawak hawak ko yung kamay niya ngayon na nilalamig ng sobra.


Pagkadating sa unit namin ay nagmamadali si Rain na ihiga siya sa kama at ako naman ay naginit ng tubig para mapunasan siya. "Darating na yung doctor" rinig kong sabi niya sakin. Nagaalalang tumingin naman ako kay Lisa at hinawakan yung kamay niya. "Huwag ka na magalala Love, lagnat lang to" sabi niya sakin pero sa totoo lang naiiyak na ko. Di ko na alam yung gagawin ko.

Maya maya ay narinig ko na dumating na yung doctor at tumayo na ko dahil titignan na siya. "Kayo po ba ang kasama?" Pagtatanong nito sakin at nag nod ako. "Over fatigue siya, at yung anemia niya kaya siya nagkaka ganito ngayon. Mukhang napagod siya ng sobra. Sa pagkaka alala ko ikaw yung Model ng Celine diba? At yung member ng Blackpink?" Tanong nito sakanya at si Rain ang sumagot "Oo, siya nga. Pero sana hindi na to makalabas, Peter" rinig kong sabi ni Rain sa Doctor.

"Sige, lalagyan ko muna siya ng gamot ngayon at hindi muna kayo lalabas baka isa na rin dahilan yung klima ngayon dito. Magpahinga ka ng 3days okay?" Rinig kong sabi nito. Magsasalita pa sana ako ng biglang mag ring yung phone ko at ng makita ko kung sino yun ay nagmadali muna ako lumabas sa terrace para sagutin. "Jisoo, anong ngyari kay Lisa?" Tanong sakin ni Oppa. Di ko naman mapigilan yung iyak ko. Sa tagal na namin ni Lisa magkita ngayon ko lang nalaman na may Anemia pala siya, at ngayon ko lang siya nakitang ganito :(

"Tahan na, ano ka ba. Pagod lang yan for sure. Alam mo naman na walang pahinga si Lisa mula matapos yung US Tour niyo eh" sabi niya sakin. Naiinis naman tuloy ako, naalala ko kasi dati lagi niya ko pinupuntahan sa shoot ko para magdala ng food eh :( "Mabuti pa siguro bumalik na kami diyan" sabi ko sakanya. "Magpahinga muna kayo diyan, at sundin mo yung sinasabi ng Doctor sakanya, okay? Kalma lang Jisoo. Magiging okay rin ang lahat" sabi pa nito sakin.

Nagpaalam na ko sakanya dahil kailangan ko ng ibaba yung tawag. Pagka pasok ko sa loob ay nakita ko na merong nakatusok sa kamay niya ngayon at natutulog na siya. "Okay na, nalagyan ko na siya ng gamot. Kailangan niya na lang ng mahabang pahinga. Mabuti pang dumito na muna kayo, matagal pa naman ang balik niyo diba?" Tanong nito sakin at nag nod na lang ako.


"Mabuti kung ganun. Kailangan niya ng mahabang pahinga dahil masyadong napagod yung katawan niya. Pag may nangyari ulit ay ipatawag mo na lang ako kay Rain" rinig kong sabi niya at umalis na. Nagpasalamat naman ako sakanya at kay Rain. "Bibili lang ako ng pagkain niyo para mamaya." Sabi nito at nagpaalam na rin. Umupo naman ako sa gilid ng Mahal ko at tinitignan ko siya. Hay mukha ngang pagod na pagod siya. Hinalikan ko siya sa noo at kinuha na yung mainit na tubig na pinakulo ko.

Pinupunasan ko yung braso niya hanggang sa kamay. Hindi ko na lang ginalaw yung may tusok. Maya maya ay biglang dumating si Rain para iwan yung binili niyang pagkain. "Palitan mo na lang siya ng damit para maging mas komportable siya" sabi niya sakin. Namula naman ako dahil dun. Nakita ko naman yung reaksyon niya na natatawa. "Okay lang yan hehe, kayo naman na eh" sabi niya sakin sabay paalam na aalis na at tawagan ko na lang daw siya ulit pag may Emergency.

Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon