"OMG!!"Rinig kong sigaw ni Wendy. Napansin ko naman si Seulgi at Yeri na patakbong pumunta ngayon sa pinto. "Huy Wendy ano nang--" di niya na natuloy yung sasabihin niya ng makita niya si Lisa na nakabagsak na sa upuan.
"Si Lisa yan diba? Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Seulgi sakin. "Bat kamo sila naghahalikan ni Joohyun" sabat naman ni Wendy at sabay naman sumigaw si Yeri at Seulgi dahilan para patakbo rin na pumunta si Joy samin.
"Pumasok nga muna kayo! Mga leche kayo pinagtitinginan na tayo sa labas!" Inis na sabi ko sakanila. Sa ingay kasi nila ay halos lahat ng atensyon ng mga tao sa labas ay nasamin na ngayon.
Pagkapasok nila ay agad ko naman binatukan si Wendy dahil sa ingay ng bunganga nakaka stress. "Hoy Joohyun! Bat kayo naghahalikan ni Lisa ha? Saka bat nandito siya?" tanong niya sakin at gulat naman si Joy sa narinig niya. "Nakita ko lang siya kanina sa counter, lasing na. Hindi ko rin alam bat andito siya eh. Alam ko bukas pa balik niya galing sa China" sabi ko sakanila at nag smirk naman si Yeri na tila ngaasar pa.
"Alam na alam ah?" Sabi pa nito at tinitigan ko siya ng masama. Inayos ko naman si Lisa sa pagkakahiga niya. Lasing na to eh hays. Nakita ko naman na tumayo si Seulgi at binuhat si Lisa, bale inayos niya to ng pagkakahiga at nilagay niya yung ulo ni Lisa sa lap ko. "Ayan better. Tas titigan mo magdamag" sabi nito na nangaasar pa.
Tinignan ko naman siya ngayon. First time ko lang siyang makita ng malapitan at ang cute cute niya nga talaga. "Hoy matunaw!" Inis na sabi sakin ni Wendy. "Anong gagawin natin diyan?" tanong pa nito. "Di ko alam. Alangan ipasundo ko kay Jennie? Edi nabaliw na naman yun" sabi ko sakanila. "Alam mo, maigi pa iuwi mo muna siya sainyo Joohyun. Feeling ko may pinagdadaanan yan si Lisa kaya nandito" sabi naman sakin ni Joy.
"Gaga ka ba! Pag pinauwi mo yan kila Joohyun sige ka baka yung friend naman natin umasa at magwalwal. Jusko ayoko tumambay dito everyday no!" Sabi naman ni Wendy. Nako malapit na kitang hambalusin ng takong ko! Inis na sabi ko sa isip ko. "Teka, tatawagan ko lang si Chaeng" rinig kong sabi ni Seulgi at lumabas na. Lumapit naman si Yeri at paupong tinitignan si Lisa. "Kawawa naman baby ko. Sino kaya nanakit dito hays" sabi niya at pinitik ko naman sa noo ang gaga.
"Selfish mo ha? SAYO? SAYO?!" Sabi nito at inirapan ko nga. Maya maya ay bumalik na si Seulgi. "Nagulat rin daw si Chaeng nung sinabi niya na nandito na siya. Alam niya daw susurpresahin daw ni Lisa si Jisoo. Yung mga sumunod na nangyari di niya na daw alam dahil di na nagreply si Lisa. Feeling ko nga sainyo muna siya Rene. Kasi bukas pa daw siya madadaanan ni Chaeng" sabi nito sakin. Hays kawawa naman yung mahal ko.
"Dream come true yan kay Bae" natatawang asar ni Wendy sakin. "Alam mo leche ka talaga" inis na sabi ko sakanya. "Pero anong paganap? Bat may halikan kanina?" taning nito at namula naman ako nung maalala ko. "Hala si bakla kinikilig" pangasar pa nito. "Tangina ka di ka nakakatulong! Kanina ka pa" bulyaw ko sakanya at tumawa naman yung tatlo.
"Joohyun, yung puso mo ha? Mamaya ikaw naman magaya kay Jennie" sabi ni Joy sakin. Safe naman. Hindi naman ako aasa. "Gusto niyo sakin na lang siya matulog" pag volunteer ni Yeri.
"WAG NA!!" Sabay sabay na sagot namin apat.
"Grabe naman kayo, wala naman akong gagawin sakanya ah" sabi niya pa na kala mo pinagalitan. "Mukha mo! Wala kaming tiwala sayo" natatawang sagot sakanya ni Wendy.
"Oh ano? Magiinom pa ba tayo?" tanong sakin ni Seulgi. "Next time na lang. uwi na muna tayo" sabi ko sakanila sabay hawak sa pisngi ni Lisa na namumula pa rin. Ang cute cute eh. "Alam mo, bagay kayo" sabi ni Joy sakin. "Oo nga, may chemistry" agree naman ni Wendy. "Pero friend, tandaan mo gf yan ni kambal. Wag na wag" pahabol niya pang sabi.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."