Lisa POV
Bago kami makabalik ng Korea ay kinulit ko si Oppa Manager namin kung san pupunta si Jisoo. Syempre before pa man mangyari to ay buo na yung desisyon ko. "Oppa, ililibre kita ng madaming ramen pagbalik namin" sabi ko sakanya.
"Hay nako Lisa, ikaw talaga magagalit sakin yun eh" sabi niya sabay kamot ng ulo niya. Knowing Jisoo? Hmm, matapang nga yun pero kay Oppa for sure di yun magagalit. "Sige na pleaseeee" sabi ko pa at ayunn na nga binigay niya na rin yung pupuntahan ni Jisoo.
"Yeyy thank you!" sabi ko sakanya. Agad ko naman tinawagan si Bambam para magpatulong na magbook sakanya dahil sobrang busy ko pa ngayon. "Ikaw Lisa, pasaway ka talaga eh no? Pero Goodluck ha?" ngiting sabi niya sakin sa Videocall. After nun ay tinawag na ko nila Rose para sa last Concert namin. Sa totoo lang sweet na kami ulit ni Jennie on stage, syempre dahil masyadong kilala yung loveteam namin na JenLisa.
-
"Kamusta na pala si Jisoo?" tanong ko kay Chaeng, tinutulungan niya kasi ako mag ayos ng gamit ko ngayon. Nalaman ko kasi nung US tour namin ay nilalagnat pala si Jisoo pero di lang nagsasabi. Hays napaka pasaway. Kaya pala nung tour namin nung mga huling araw don ay hindi na siya sumama sa labas. "Not sure, balita ko nasa shoot daw. Last na daw yun eh, flight niya na bukas diba" sabi niya sakin. "Kay Jennie ba hindi ka magpapa alam?" pangaasar niya sakin.
"Hinahanap ka niya kanina" sabi niya pa, pero nginitian ko lang siya. Nang matapos namin ayusin yung mga gamit ko ay tianwag ko na si Oppa Manager para ipasundo ako. "Oh siya, goodluck at mag ingat kayo dun. Huwag kayo mag away dun ha?" natatawang sabi sakin ni Chaeng. Niyakap ko naman siya at tuluyan ng sumakay sa sasakyan.
Ayun, pagka dating ko ay hindi muna talaga ako lumabas at hinintay ko siya na makarating dito. Sakto naman ay naabutan ko siya at nakita ko siya agad, alam kong magugulat siya kapag nakita niya ako. Yung pinanood din namin na Anime ay plano ko talaga yun. Alam ko naman na naiinis siya dun sa ending ng Your lie in April kaya lalo ko siyang iinisin sa ending na to.
Ngayon ay nakaharap siya sakin habang nagsasalita ako, ramdam ko yung lamig ng kamay niya. pero mas malala yung lamig ng kamay ko.. So eto na sasabihin ko na nga sakanya.
"Sorry Unnie, pero Mahal kita." mga salitang matagal ko ng gusto sabihin at sa wakas ay nailabas ko na rin.. Tinignan ko naman yung reaksyon niya. Lalo siyang umiyak..
"Naalala ko dati, sabi ko dadaan muna sakin pag mag bo-boyfriend ka na. Pero madalas iniisip ko kung worth it nga ba ako sayo. Hindi naman ako umaasa na sasagutin mo ko or what, alam ko naman na wala tong magiging pag..."
"I LOVE YOU TOO..."
Mga salitang biglang nagpabasag ng kabingihan ko. Kanina ay nakayuko ako magsalita, unti unti kong tinaas yung ulo ko para tignan siya. Naiiyak na rin ako sa totoo lang. "Mahal din kita, limang taon na ang nakakalipas" rinig kong sabi niya... Matagal na? ibig sabihin.....
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Фанфик"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."