Chapter 36

343 11 0
                                    

Lisa POV

The day after my flight, ay nagusap kami ni Jisoo tungkol sa nangyari samin ni Jennie last time. I thought she would get mad about the kiss, pero hindi. Pinagmumog niya lang naman ako ng 20x at hindi hinalikan ng isang buong araw. Ang sweet no? Haha!


Noong araw ng flight ko ay hindi niya rin ako nahatid sa airport dahil sa biglaang meeting niya. Actually nakakatampo. Sa totoo lang, samin dalawa ay siya na yung mas busy ngayon. "Lis, lunch na tayo" sabi ni Kun sakin.


Saglit pang tinignan ko yung phone ko, at wala pa rin siyang text or chat sakin. Anong oras na, kanina pa siya hindi nag rereply. "Sige, kunin ko lang jacket ko" sagot ko saknaya at tumayo na para kunin yung jacket ko. Bukas ay uuwi na ko, alam niya sa susunod na bukas pa ang uwi ko. Pero sinigurado ko na bukas ay makakauwi ako agad para surpresahin siya. Miss na miss ko na kasi siya.


Mula mg mag start sila sa shooting at mga endorsement niya ay hindi na siya gano nakakareply sakin. Madalas ay nagtatanong ako kay Chaeng at pinapasilip ko pa siya minsan kasi ng di talaga siya nag rereply. Madalas ay iniintindi ko na lang, kasi baka ng busy siya.


Habang nasa byahe kami ni Kun ay nagtanong siya sakin. "Bat ba nagmamadali ka umuwi bukas? Itotour pa naman sana kita sa Beijing" ngiting sabi niya. "Pass na muna Kun! May namimiss na kasi ako eh" ngiting sabi ko sakanya. "Nako Lis, mukhang taken ka na ah?" Natatawang sabi niya sakin. Di naman ako sumagot at ngumiti na lang ako sakanya.


Mabilis lang natapos yung araw at heto na ang last shooting namin, mamaya at didiretso na ko sa Airport. "Coach Lisa, mag ingat po kayo pabalik ha? For sure magkikita na kayo ng namimiss mo" sabi nila sakin at napangiti naman tuloy ako. Sa totoo lang ay excited na talaga ako. Kahapon pa di nagrereply si Jisoo sakin kaya kinakabahan na rin ako baka napano na yun.


Makalipas ng ilang oras ay sa wakas ay dumating na ko sa Korea. Hindi alam ni Oppa na nandito ako ngayon at wala ni isang reporter ang nakaka alam. Alam nila bukas pa ang dating ko kaya for sure maghihintay sila sa wala bukas. After pala namin ni Jennie magusap sa dorm noon, ay di na kami ulit nagkausap pa sa personal. Pero nung mga nakaraang araw ay kinakamusta niya na ko ulit sa Viber. Siguro nakatulong sakanya yumg paguwi niya at pagalis ko sa bansa ng dalawang linggo.


Nagpara ako ng masasakyan kong taxi, at dumaan ako sa flowershop para surpresahin yung Mahal ko. Sabi kasi ni Oppa ay may shoot si Jisoo ngayon sa Dior. After ko dumaan sa flower shop, ay bigla ko rin naisip na dumaan sa favorite namin coffee shop para bilhan siya ng hot chocolate at cake na favorite niya.


"Ang swerte naman po ng pagbibigyan niyo niyan" sabi ni Manong sakin habang nakita niya na inaamoy ko yung bulaklak. Napangiti naman ako sakanya at nagsabi na dumaan rin kami sa Coffee Shop. Pagka check ko ng phone ko ay wala pa rin siyang chat sakin. Baka busy lang yun. Sabi ko pa. Tinext ko naman si Chaeng at si Jennie na sinabi ko na nandito na ko.


Pagkadating namin sa coffee shop ay agad na kong bumaba para sana umorder ng food na gusto niya. Pero laking gulat ko na lang ng makita ko siya...


Kasama niya si Jung Hae-in sa coffee shop at masaya silang naguusap.. Sinubukan ko siyang tawagan gamit yung phone ko at hindi ko siya matawagan.. Parang nanikip yung dibdib ko sa mga nakikita ko. Ang saya nila habang magkausap sila.


Walang ganang bumalik ako sa taxi at umupo na lang. "Mam? Di ka na nakabili?" Tanong sakin ni Manong. Pilit ko naman pinipigilan yung luha ko na kanina pa gustong tumulo. Kaya pala hindi ka nagrereply. Yun pala busy ka saiba... Agad akong tumingala sa taas para hindi pumatak yung luha ko. "Mam, okay lang po. Iiyak niyo lang yan" sabi nito sakin sabay abot mg tissue. Pagkatanggal ko ng facemask ko ay nakilala na ko ni Kuya.


Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon