Seulgi POV
Sabi na eh, darating rin yung araw na to. Eto yung palagi namin pinaguusapan ni Wendy. Natatakot siya sa posibleng mangyari. Lalo na kay Irene at Lisa. Pero pakiramdam ko ay nangyari na eh. Pakiramdam ko hulog na hulog na yung kaibigan namin. Kahit hindi niya naman direktang sabihin samin ay kitang kita naman namin sakanya na masaya siya.
Kitang kita namin sa mga kilos niya, sa galaw niya na masaya talaga siya sa presence ni Lisa. Yung simpleng pag cancel niya pa lang sa practice namin ng 2days dahil may sakit daw siya kuno ay alam na namin. Nagaalala lang naman kami sakanya lalo na si Wendy dahil sa kalagayan nila ngayon. Kasi kung hindi naman taken si Lisa, okay lang samin eh.
Kaso hindi eh, kaya natatakot rin ako. Dahil kung magkataon na malaman to ni Jisoo ay magiging malaking gulo to. Gaya ngayon, pinuntahan namin si Irene dahil nakisuyo siya samin magpabili sa grocery dahil di daw siya makalakad ng maayos. Ewan ko ano nangyari dun. Tas nandito pala si Jennie. Grabe yung confrontation na naganap. Hindi kami makasingit. Ramdam na ramdam ko yung galit ni Jennie ngayon.
Pero alam niyo san kami mas nagulat? Nang lumabas si Lisa sa kwarto ni Irene at yakapin niya to. As if na sila lang yung dalawa yung tao dito at kung makapag yakapan kala mo nasa pelikula. Don ko naramdaman yung tensyon na lalong tumaas. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng umawat. Nagulat na lang din ako ng hatakin ni Jennie si Irene, naka abang na nga ako eh. Aawat na sana ako. Pero nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si Irene.
Siguro sobrang napuno na siya. Ramdam namin yung tensyon eh. Si Lisa nagulat rin sa narinig niya. Si Jennie naman umiiyak na. Grabe yung nangyari ngayong araw. Sinubukan namin kausapin si Jennie bago umalis pero nagalit lang siya lalo samin, lalo na sakin.
"Ilang beses ka namin tinanong, lalo na ni Chaeng. Sabi mo hindi mo alam, pero nandito lang pala." Sabi niya sakin. "Maniwala ka man o hindi, may rason kung bakit hindi namin sinabi sainyo. Hindi namin siya pinagtatanggol, pero nasaktan yung tao. Gusto niyang mapagisa" sabi ko sakanya.
"Gusto niyang mapagisa kasama si Joohyun? Si Joohyun na matagal na siyang gusto?" Sabi nito ng umiiyak na sinubukan siyang lapitan ni Joy pero lumayo siya.
"Jennie, hindi naman ganun yun eh. Hindi gusto ni Joohyun tong nangyari. Kasi kung matagal na, edi sana noon pa. Sana noon pa gumawa na siya ng way para mapa close kay Lisa. Kaso hindi naman eh, nagparaya na nga siya para sayo. Pero sinayang mo yung pagkakataong yun. Nung mga panahon ba na kayo ni Kai nakita mo ba siya na lumapit kay Lisa? Diba hindi naman? Tuloy pa rin pagpapanggap nila ni Seulgi noon. Sana maisip mo yun Jennie bago mo siya husgahan. Bago mo kuwestiyunin yung pagmamahal niya sayo bilang kaibigan." Biglang singit ni Wendy. Nagulat na lang kami at nandito na pala siya.
Hindi na sumagot si Jennie at tuluyan na siyang lumabas ng unit. "Hay problema" rinig kong sabi ni Yeri. "Asan si Irene?" Tanong ni Wendy samin. "Hayaan niyo na muna sila magusap ni Lisa" sabi samin ni Joy at inayos na muna namin yung mga kalat dito. Hays ang ingay!
"Grabe yung nangyari ngayon. Parang scene sa isang kdrama." natatawang sabi ni Yeri. "Kaya kailangan niyo na kausapin si Irene para pauwiin na si Lisa. Baka sugurin siya dito ni Jisoo kapag nalaman na nandito siya. Nakakahiya sa mga tao" sabi ni Wendy samin. "I don't think na gagawin yun ni Jisoo. Mabait yun" sagot ko naman.
"Hindi mo alam kung pano magalit ang mabait" sagot naman ni Joy samin. Hays! "Katukin niyo na yung dalawa!" sabi ni Wendy at akmang lalapit na siya dun ng pigilan ko siya. "Ako na, bubulyawan mo na naman eh" sabi ko sakanya.
Kumatok ako sa pinto nila at nakita ko siya na nagbukas ng pinto. Halata mo yung mugto sa mata niya. Tinanong ko kung ayos lang ba siya at lumabas muna siya bago niya ko sagutin.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Фанфик"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."