Lisa POV
Maaga akong nagising kanina kasi nagpatulong ako kay Oppa Manager sa surprise ko kay Jisoo. Siya kasi may alam ng lugar na to. After nun ay maaga ko rin tinawagan si Rain para tulungan ako bumili ng breakfast namin. Bago ko umalis ay tinitigan ko muna yung Love ko at kiniss ko siya sa noo. Napaka ganda niya talaga kahit tulog :) ngiting sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti, kasi ang ganda niya talaga. After namin bumili ng breakfast ni Rain ay nagpasama na ko sakanya pabalik. Sakto naman ay tumawag na si Oppa sakin.
"Hay nako Lisa ikaw talaga ha?!" Stress na sabi niya sakin.
"Oppa naman! Magiingat naman ako" sabi ko sakanya. Kanina niya pa kasi ako sinesermunan na baka daw may makahalata samin ni Jisoo, alam ng nagkalat ang paparazzi. Pero wala naman sigurong nakaka alam na pumunta kami dito sa France.
"Osige na. Goodluck! Ikaw talaga ang dami mong pakulo" natatawang sabi niya sakin sabay baba ng tawag. Pagkadating ko ay inayos ko naman yung food namin. Alam ko naman walang tiwala to sa luto ko eh. Haha! Hindi naman kasi talaga ako marunong magluto.
Ngayon, balak ko sana siyang surpresahin para formal na tanungin sana kung pwede ko ba siya maging girlfriend. Okay na eh, napatay na yung ilaw at lalapit na sana ako sakanya. Kaso bigla akong naduwag hahaha! Habang nasa banyo ako ay pra bang kinakain ako ng takot ko, kahit na kami na ay syempre gusto ko pa rin naman maranasan niya yung formal na paraan ng pagtatanong.
Narinig ko na kinakatok na ko ni Rain dahil patay na yung ilaw. Sinabi ko na mamayang gabi ko na lang itutuloy yung plano ko dahil kinain na ko ng kaduwagan ko. Pagkalapit ko sakanya ay agad niya akong niyakap. "Love, kala ko nawala ka eh" sabi niya sakin. "Pwede ba naman na iwan kita? Nagloko lang siguro yung kuryente" sabi ko sakanya at umupo na ko.
Lumapit na samin yung waiter at pinakuha ko na siya ng order. Tuwang tuwa siya sa mga menu na nakikita niya, alam ko ksi lahat ng to ay gusto niya matikman. Habang busy kami maghintay sa pagkaij ay kinuhaan ko siya ng picture. Gusto ko sana i myday pero saka na kapag nakabalik na kami.
"Love, wag ka masyado magpakabusog ha? May dinner date pa tayo mamaya" sabi ko sakanya. Bigla naman siyang napalingon sakin at ngumiti ng matamis. "Yes Love" sabi niya sabay hawak ng kamay ko. Ang ganda ganda talaga ng Love ko.
Iniisip ko pa lang na mawawala siya sakin ay parang hindi ko kakayanin. Sobrang Mahal ko talaga tong babaeng nasa harapan ko ngayon. Handa akong umalis sa grupo namin kung sakali man paghihiwalayin kami. "Love! Kanina pa kita tinatawag tulala ka na naman" nakasimangot niyang sabi.
"Iniisip mo siguro si Ruby Jane no?" sabi niya sakin habang nakasimangot. Sabi na nga ba! Mukhang ang pagseselosan neto si Jennie eh. Hay nako! "Love, ikaw yung iniisip ko. Di kasi ako makapaniwala eh. I mean, sino ba naman ako para magustuhan mo?" sabi ko sakanya. Agad naman siyang tumitig sakin. "Sino ka? Si Lalisa Manoban ka, diba? Ang dami kayang nagkakagusto sayo, mapa babae o lalaki. Ikaw kaya pinaka sikat sa grupo natin" sabi naman niya. Magsasalita na sana ako ng bigla siya ulit nagsalita.
"Ikaw lang yung nagiisang tao na nagpatibok ng puso ko ng ganito" sabi niya sakin. Natutunaw naman ako sa mga sinasabi niya. "Love, wag ka naman ganyan baka mahalikan kita dito eh" sabi ko sakanya. Totoo naman kasi baka di ako makapag pigil eh. Ang ganda na, ang sweet pa. Thank you, G! Hayyyy. After nun ay bigla ng dumating yung food namin at nagpapicture muna kaming dalawa bago kumain. After namin kumain ay nagpasya muna kami umuwi sa pinag sstayan namin para makapag pahinga.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."