Nang dumiretso si Jisoo sa kwarto niya ay agad naman sumunod si Lisa sakanya. Naiwan ngayon yung dalawa sa sala nila, habang si Jennie naman ay nagtataka kung bakit sumunod si Lisa sa kwarto ni Jisoo. Agad naman iyon napansin ni Rose kaya agad siyang lumapit kay Jennie para magtanong."Bakit kayo naghiwalay ni Kai?" tanong niya dito. Naalala niya na naka dating ban pa rin pala sila noong mga panahon na ngayon. Pero ngayong wala na, ipinagtataka niya lalo kung bakit saka maayos na ay saka sila nagpasyang maghiwalay. "Chaeng, may iba akong mahal" pagkasabi niyang yon ay agad naman kinabahan si Chaeng. "Ha? anong ibang Mahal? Sino naman yun?" pagtatanong niya. Alam niya naman na yung sagot, gusto niya lang maigurado.
"Si Lisa"
Pagkasabi niyang yon ay hindi na nagulat si Chaeng. Tila ba alam niya na ang sagot noon pa. "Pero Jennie, bakit ngayon lang?" pagtatanong niya dito. At huminga naman ng malalim yung kaibigan niya. "Natakot kasi ako Rose." sabi nito sakanya at hinayaan niya lang to ulit magsalita.
"Natatakot ako. Kasi alam mo naman si Mommy, alam mong ayaw niya sa ganung klase ng relasyon. Alam mo rin dito sa Korea. Kahit sabihin mong napaka dami namin Fans sa JenLisa ay hindi naman agad agad na magiging okay sa lahat. Ang daming problema Chaeng :( Pero alam mo ba, nung pinatawag tayo ni Mr. Yang noon at naisip ko na malalaman niya na ay sobra sobra yung takot na nararamdaman ko. Yung takot na baka mawala na siya ng tuluyan sakin at iwasan niya ako dahil kay Kai. At ngyari nga yun" pagpapaliwanag niya sa kaibigan niya habang tumutulo yung luha niya.
"Naintindihan naman kita Jennie eh. Pero iba na kasi ngayon.." sabi nito sa kaibigan niya para magtaka naman ito. Sakto naman ay lumabas na si Lisa sa kwarto ni Jisoo. "Kamusta siya?" tanong ni Chaeng sa kaibigan niya. "Okay naman na, siguro ay napagod lang yun sa byahe namin" sabi nito at diretso na kinuha yung bagahe niya para ilagay sa kwarto niya.
Napansin naman ni Chaeng yung pagtingin ng kaibigan niya kay Lisa. "Alam mo, sa tingin ko ay kailangan niyo magusap ni Lisa." sabi nito pero hinawakan ni Jennie yung kaibigan niya at tinanong ito ng diretso. "Chaeng, tapatin mo nga ako. Bilang bestfriend ka naman ni Lisa. Ni minsan ba ay minahal niya ako?" tanong niya dito.
"Alam naman natin ang sagot diyan noon pa man, Jennie. Kaso kasi, iba na ngayon eh. Dumating na si Kai sa buhay niyo. At kailangan niyong magusap sa tingin ko. Basta, kumalma ka lang. At ngayong wala na kayo ni Kai ay mag focus ka muna sa sarili mo." sabi nito sakanya.
Lisa POV
Inantay ko muna makatulog si Jisoo bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Pagkakuha ko ng gamit ko ay nahiga ako sa kama at naisip siya. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit siya nagkakaganun ngayon. Alam ko naman mahirap sa part niya yun. Pero gagawin ko yung lahat para hindi niya maramdaman na para bang napilitan lang akong mahalin siya dahil kay Kai.
Lumabas ako ng kwarto ko para kumuha ng tubig sa kusina. Nakita ko si Jennie sa upuan na nanonood ng tv. Kaya umupo ako sa kabilang upuan para manood rin. Napansin ko naman na napatingin siya sakin at ako rin naman sakanya. Katahimikan ang bumabalot samin parehas ngayon.
"Kamusta na bakasyon mo Boo?" tanong niya sakin. Ngumiti naman ako sakanya at sinabi na "Sobrang saya Boo" sabi ko sabay ngiti ng malaki. Totoo naman. Sa lahat ng naging bakasyon namin ni Love ay yun ang pinaka magandang bakasyon na nangyari sakin. Nakita ko naman siyang ngumiti at sumagot ng "Mabuti naman" nagpatuloy ang katahimikan samin dalawa.
Tumayo na ko at nagpasyang bumalik sa kwarto ko ng bigla niya akong yakapin. Napatingin naman ako sa paligid, baka kasi magising si Jisoo at makita kaming ganito. "Namiss kita Boo" rinig kong sabi niya tinanggal ko naman yung pagkakayap niya sakin at ginulo ko yung buhok niya sabay ngumiti at sinabing namiss ko rin siya. Totoo naman, magkaibigan kami dito at namiss ko sila ni Rose.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."