Lisa POV
Parang tumigil yung mundo ko sa mga narinig ko. Gusto niya ko? Pero bakit ako? Tanong ko sa sarili ko. Pagka alis niya ay sumunod na ako agad sakanya. Hindi ko na naisip na nandiyan si Jennie sa labas. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko na nakaupo siya sa sahig ng kwarto niya at umiiyak. Somehow, nakaramdam ako ng pain sa puso ko ng makita ko siyang umiiyak.
Mula ng malasing ako, at nag decide na huwag na muna umuwi ay siya yung nagalaga sakin. Kahit kailan hindi niya naman ako iniwanan, pero madalas pinagtutulakan niya ko na kausapin si Jisoo. Pero dahil masyadong matigas yung puso ko ay hindi ko siya sinunod at nag stay pa rin ako dito sakanya. Sakanya na hindi ako iniwan kahit na sobrang mess ko. Alam ko naman na nagkasala rin ako, hindi ko fault na halikan siya non.
Noong mga panahong yon ay wala kong ibang naiisip kundi si Jisoo. Puro si Jisoo. Kaya akala ko noon ay siya si Jisoo, dahil magkahawig sila. Pero day by day narerealize ko, magkaiba ang features ng mukha nilang dalawa. Si Irene yung tipong pagtitignan mo ay masungit at suplada, pero deep inside sobrang bait. Sobrang maintindihin. Hindi ka niya ijujudge. Higit sa lahat, willing siyang tulungan ka kahit na anong mangyari.
Yung araw na nakita ko si Jisoo kasama si Hae in ang nagpa wasak ng puso ko ng sobra. Biruin mo? Mula sa di niya pagtetext sakin ng isang araw, hanggang sa nasundan na ng ilang araw. Makikita mo na ganun na pala. Kahit sino naman masasaktan diba? Nagegets ko naman na busy siya eh, pero ano nga naman yung isang text lang? Yung isang chat lang? Napaka hirap nga ba non? O baka nasawa na siya. Hindi rin natin alam eh.
Kasi sa totoo lang, nakakapagod. Nakakapagod masaktan at umasa. Bakit pakiramdam ko parang ganun ganun na lang gawin sakanila yun. Pagkadating ko dito sa unit ni Joohyun ay tumulala lang ako maghapon. Nag cancel pa nga siya ng dalawang araw na practice nila dahil nagaalala siya sakin na baka daw kung ano ang gawin ko. Siya ang sumama sakin nung mga panahon na galit na galit ako sa mundo.
Noong pangalawang araw habang hinihintay ko siya na matapos magluto ay nakita ko sa tv yung balita. Sa totoo lang, nung mga panahong yun ay gusto ko lumabas at puntahan si Jisoo at yung kasama niya. Gusto ko silang murahin at tanungin si Jisoo kung bakit. Pero napagod na lang ako. Pang ilan na nga ba to? Mula kay Kai, hanggang kay Hae in. Nakakasawa na rin. Nakakapagod, at nakakatuyo ng utak isipin.
After nun ay nagmamadali sakin na pumunta si Joohyun. Kita mo yung pagaalala sa mga mata niya, pero ngumiti lang ako sakanya. Ayoko na kasi siya magalala sakin, dahil nakakahiya naman. Noong sumunod na mga araw ay naging maayos naman kami. Kahit papano ay hindi na ko umiiyak kasi iniiwas ko yung sarili ko na maisip siya, at sila. Pero may mga pagkakataon na hindi mo maiiwasan na may nga bagay na magpapa alala sakanya.
Pero mabuti na lang at nandiyan si Joohyun para sakin. Nung araw na nakatulog ako sa lap niya ay nagkaron ako ng masamang panaginip dahilan para yakapin ko siya sa bewang. Totoo rin yung sinabi ko sakanya noon, iba yung pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Siya kasi nagaalis ng worries ko. Noong araw na rin na yun nangyari yung mga bagay na hindi dapat mangyari samin, pero nung kinabukasan nun ay parang walang nangyari at bumalik siya sa normal.
Pagkagising ko non ay naonood siya ng tv kaya tumabi ako sakanya. Pero nagulat na lang ako ng bigla siyang dumikkt at pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. Tumingin ako sakanya at nakangiti siyang tumingin sakin pabalik kaya nginitian ko lang din siya. Sobrang peaceful ng umaga na yun hanggang sa bigla na lang dumating si Jennie at nangyari na nga to ngayon.
Tumabi ako sakanya at niyakap siya habang nakatalikod siya. Ngayon at nakatingin kami sa view. Isa to sa mga gusto ko sa unit ni Joohyun. Yung magandang view tuwing sisikat at lulubog yung araw. Naramdaman ko naman yung pagyakap niya sa balikat ko habang umiiyak. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fiksi Penggemar"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."