Joohyun POV
Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Dun ay nagsimula na kong umiyak sakanya. "Halaaa Joohyun bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin pero di ko siya sinasagot. Sa totoo lang, nasasaktan ako nung sinundan ko siya at nakita ko siya na pinuntahan si Jisoo.
Throwback...
"Ano ba magandang gift kay Lisa?" tanong ko kay Wendy. Kasama ko kasi siya dito sa Mall. "Sarili mo" sabi niya at gulat naman akong napatingin sakanya pati sa paligid namin baka kasi may nakarinig. "Ay nabigay mo na pala, hmm jacket?" sabi niya at hinampas ko naman siya. "Irene naman eh! Sinamahan ka na nga nananakit ka pa!" inis na sabi niya sakin at natawa naman ako sakanya. "Eh gago ka kasi ang ingay mo" sabi ko sakanya.
"Pero friend, mukhang ikaw na ang pinili" sabi niya dahilan naman para mamula ako. "Di rin" sagot ko at nagpunta na sa isang shop ng mga jacket. Habang busy sa pagtingin si Wendy ng jacket para sa sarili niya ay nakita ko naman si Lisa na lumabas ng restaurant. May bitbit siyang paperbag at pagkain. "Wen, balikan kita. Tawag na lang ako ulit may pupuntahan lang ako." Sabi ko sakanya at dire diretsong lumabas. "T-teka san ka pupunta?" Tanong niya maya maya ay bigla na dumating si Seul at Joy sa harap namin.
"Si Lisa ba yung nakita namin?" tanong sakin ni Joy at inalis ko yung pagkakahawak ni Wendy sa kamay ko at patakbo akong sumunod sakanya. Pagka dating ko sa parking lot ay di ko na naabutan yung sasakyan niya kaya nagmamadali akong sumakay sa sasakyan ko at hinabol sya. Luckily ay nasundan ko pa rin siya. After ng ilang minuto ay nakita ko siya na huminto sa isang place kung saan mapapansin mo na para bang may shooting. It cant be... sabi ko sa sarili ko habang huminto sa malayo.
Nakita ko siyang bumaba ng sasakyan niya bitbit yung mga pinamili niya kanina. Nakita ko na may kinakausap siyang guy. Hindi ko mamukaan dahil nakabalot yung mukha dahil sa lamig. After nila magusap ay dumiretso sila naglakad at nagmadali na rin ako bumaba ng sasakyan at naghanap ng matataguan. Pagka dating ko dun ay sakto na naabutan ko siya na tumtakbo at sinalo si Jisoo na bumagsak. Nung mga panahon na yun ay para bang tinutusok yung puso ko sa sakit. Hindi ko nga ba talaga mapapalitan si Jisoo sa buhay niya?
Nakita ko na nagmamadali siyang isakay si Jisoo sa sasakyan niya. After nun ay dumating na yung doctor at saglit lang sla dahil umalis na rin sila agad. Naiwan ako dito na nakatingin sa sasakyan nila na papalayo na. Maya maya ay may biglang humawak sa braso ko at napatingin ako. "Ang sakit no?" sabi niya na halata mo rin yung lungkot sa mga mata niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil dun.
Unang una, ayoko hinahawakan ako ng lalaki. Pangalawa, ayoko sa lalaki at hindi kami close kaya tigilan niya ako. Naglakad lang ako paalis at hindi siya pinansin. Pagkasakay ko sa sasakyan ko ay hindi ko na napigilang umiyak at magisip ng kung ano anong bagay. Habang nakayuko ako sa manibela ko ay may narinig akong kumakatok sa bintana ng sasakyan ko. Siya na naman!!!
"What do you want?!" inis na sabi ko sakanya. "Kung mahal mo, susundan mo yun. Sige ka baka magkabalikan yung dalawa" sabi nito ay magsasalita pa lang sana ako kaso bigla siyang umalis. Maya maya ay biglang nag ring yung phone ko. "Hello?!" Inis na sagot ko. "Uy chill! Gaga ka! Bat bigla ka na naman nawala? Si Lisa ba talaga yung nakita mo kanina?" tanong ni Wendy sakin. "Hindi, mamaya na tayo magusap Wannie may pupuntahan lang ako." Sabi ko sakanya at binaba ko na agad yung tawag, di ko na siya inantay sumagot pa.
Inayos ko yung seatbelt ko at nag drive papunta sa dorm nila Lisa. Ewan ko, sobrang takot ako na baka iwanan niya ako. After ng ilang minuto ay nakarating na rin ako sa wakas. Bumaba ako at pumunta sa dorm nila. Pagka dating ko dun ay bigla akong napaisip. Bakit ko siya pupuntahan kundi naman kami. Sabi ko sa isip ko. Pero dahil masyadong makulit yung puso ko ay tumuloy pa rin ako at mag door bell.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Фанфик"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."