Chapter 1

4.8K 37 17
                                    

Lisa POV

Hello! Ako nga pala si Lalisa Manoban. Youngest member ng BLACKPINK. At alam niyo ba? May secret akong sasabihin sainyo. Hahaha! Crush ko si Jennie Kim....

Katatapos lang ng practice namin, as usual before umuwi sa dorm ay nagkayayaan kami na pumunta muna sa isang Cafè. Pero, nakakalungkot lang dahil hindi na naman makakasama si Jennie. Busy kasi siya, at magkikita daw sila ng mama niya. Nagets naman namin kaya kaming tatlo na lang ngayon ang pupunta.

"Ano na naman kaya oorderin ko?" Tanong ni Rosè habang nagpupunas ng mukha niya. "Try mo naman yung caramel latte baka magustuhan mo." Sabi ko sakanya. "Ikaw Lisa, di ka ba nagsasawa sa inoorder mong Tea?" Pagtatanong niya sakin. Naisip ko, bat naman ako magsasawa? Nga pala, pag may gusto akong flavor. Yun at yun lang inoorder ko. Ayoko mag try saiba, one time kasi ginawa ko hindi ko nagustuhan nasayang lang pera ko.

"Ikaw baby? Ano oorderin mo?" Pagtatanong ko sa pinaka matanda samin. Hahahaha! Baby tawag ko sakanya, ayaw niya ng Ate eh. "Hmm, kahit ano ulit. Experiment lang ng experiment. Pero uwi rin tayo agad ha? Gusto ko magpahinga." Sabi niya samin. Tumango naman ako. Lumapit naman ako sakanya ay ninakawan siya ng halik sa pisngi. "Namiss kita baby." Ngiting sabi ko sakanya.

"Ayan na naman yang kamanyakan mo Lisa ha?" Pagsasaway sakin ni Rosè. Natawa naman tuloy ako, napansin ko naman na ngumiti si Jisoo. "Pagod ka? Gusto mo sa dorm na lang tayo tas pa deliver tayo chicken?" Sabi ko sakanya. Pag ka sabi ko ng chicken ay bigla naman lumiwanag yung mukha niya. Sabi na eh, alam ko talaga hilig neto. Hahaha! "Sige tara na, uwi na tayo." Yaya niya sakin, nakita ko naman si Rosè na ngumiti na umiiling.

Habang naglalakad kami pababa ng building ay magka holding hands kami at bitbit ko ang gamit niya. Wala lang, ganito naman ako sakanilang lahat. Nasanay na ko, sobrang clingy ko lang talaga. Napansin ko naman na parang ang tahimik niya kanina pa. "May problema ba?" May masakit ba sayo?" Pagaalalang tanong ko, pero di siya sumagot, sa halip ay hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko at yung isa niya pang kamay ay nilagay niya sa braso ko. Di ko naman maiwasan mapangiti sakanya. Sobrang cheezy niya rin talaga. Naalala ko, ilang pasko na kami magkasama. Tuwing holiday, at hindi ako nakakauwi samin siya lagi ang nagpapaiwan sa dorm para samahan ako? O ilibot ako dito sa Korea. Siya rin nagturo sakin ng Korean Language. Lahat naman ng member ay close ko, siguro ay may kanya kanya lang level ng closeness. Pero masasabi ko, sakanilang lahat ay si Jisoo lang ang nagiisang tao na never ako iniwan. Kaya ganun rin ang gagawin ko sakanya.

Pagkadating namin ng parking lot ay naabutan namin si Jennie. Bigla naman may kung ano akong naramdaman. Oo, matagal ko na kasi yong tinatago, at wala rin naman akog balak sabihin sakanya. Alam ko rin naman na wala tong patutunguhan. Nakita ko na sinundo siya ng mama niya, nang madaanan nila kami ay binuksan niya yung window ng sasakyan niya at nag wave ng goodbye. Habang busy magpasok ng gamit si Rosè ay bigla naman pinitik ni Jisoo yung noo ko. "Natulala ka na naman kay Jennie, siguro crush mo talaga siya no?" Pang aasar niya sakin. Agad naman akong umiling at gumantinng pitik sakanya.

"Ikaw ma issue ka talaga no?" Biro ko sakanya, "Aww, sakit ng pitik mo ah?" Rinig kong sabi niya. Natawa naman ako dahil dun haha! Agad ko naman na hinimas yung noo niya at hinalikan yun. Napansin ko naman na parang namula siya sa ginawa ko. "Hoy kayong dalawa diyan, wala kayong ibang ginawa kundi mag pda. Tara na" saway samin ni Rosè. Haha! Natawa naman ako sa sinabi niya, eh halos parehas lang naman kami. Pda rin naman kami dalawa. Nang makapasok na si Rosè sa sasakyan ay inalalayan ko naman makapasok si Jisoo. Pinauna ko na siya. Habang nasa byahe ay tahimik kaming lahat, si Jisoo naman ay nakatulog na sa balikat ko. Naisipan ko tuloy na buksan ang phone ko. Nakita ko na nag post si Jennie sa private account niya ng picture. Agad naman akong napangiti ng makita yon.

"Masyado kang halata lili." Pangaasar sakin ng bestfriend ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at nag gesture ng tumahimik siya dahil tulog si chichu ko. Maya maya ay narinig ko naman na kumakanta si Rosè.

"In love na ako, In love na sa iyo. Sana'y malaman mo ang damdamin ko. Tinamaan ako, tinamaan sa iyo." Rinig kong kanta niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin lalo. Nga pala, si chipmunk ang bff ko dito. Alam niyang crush ko si Jennie, pero walang pag confirm. Di ko rin naman dinedeny. Basta! Ayoko lang malaman muna ng iba. Ayoko ng kumplikado. Haha! Napansin ko naman na humigpit pa lalo yung pagkakayakap ni chichu sakin dahilan para mapangiti ako. Sakanilang lahat, si chichu talaga ang masasabi ko na ko na pinaka malambing. Walang tatalo sa sweetness niya.

"Matunaw." Pangaasar na naman ni Rosè sakin. "Inis na binato ko siya ng walang laman na bote ng tubig dahilan lara mapatawa siya. "Anong oras na naman kaya uuwi si Jennie sa dorm?" Pagtatanong niya sakin. Sanay na ko, lagi naman after mg rehearsal o practice nawawala si Jennie. Madalas, gabi na rin siya nakakauwi. Pero kahit ganun na minsan ko lang siya nakakasama, di naman nakakabawas ng pagkagusto ko yun sakanya hehe. Consistent ata to. Consistent na tanga. Char hahahaha!

Nang makarating kami sa dorm ay agad kong ginising si Jisoo. Mukhang pagod na pagod siya sa practice kanina.

"Hey, gising na nandito na tayo." Ngiting sabi ko sakanya. Natuwa naman ako kasi para siyang bata na kinukusot kusot pa yung mata. "Halika na sa loob pra makapag pahinga ka na. Tas oorder na ko ng food natin." Ngiting sabi ko sakanya. Natuwa naman ako, kasi para siyang baby talaga ngayon. Tumayo na siya at lumabas ng sasakyan. Binuhat ko naman yung mga bag namin papasok sa dorm.

"Movie marathon muna tayo" pagyaya ni Rosè. Sumangayon naman ako sakanya. Pagkalapag ko ng mga gamit at biglang nag vibrate yung phone ko dahilan para mapangiti ako.

From: Boo

I miss you! See you later! 😚

Hays, sino ba naman ang hindi maiinlove, este magkaka crush sakanya diba? Palagi siyang ganyan sa tuwing umaalis siya. Agad ko naman siyang nireplayan.

"Miss you too! Ingat ka pauwi. I'll wait for you." (Forever) sabi ng mahadera kong utak. Pero syempre, bawal tayo humopia. Malabo pa sa kanal yan mangyari. Hahaha!

Hindi ko alam kung ano ang topak ni chipmunk ngayon ag naisip manood ng anime. Actually, fan ako hilig ko nga yung mga romance eh. Same kami ni Jisoo. "Maganda ba tong your lie in April?" Pagtatanong niya sakin. Naalala ko, pinanood namin ni Jennie yang palabas na yan. Iyak kami ng iyak parehas nung ending. Kasi diba? Namatay yung babae. Sobrang mahal niya si Kousei. Sayang hindi sila nagkron ng magandang ending. "Oo, pero mag ready ka ng tissue kung yan talaga gusto mo ha?" Sabi ko sakanya. Maya maya ay nakita ko na nagdala siya ng chips at tubig na maiinom. Ako naman ay tumayo para mag order ng food.

Pagkatapos kong mag order ng food, ay naupo na ako ulit sa sofa. Napansin ko naman si Jisoo na tahimik na nanonood kaya tumabi ako sakanya at humiga sa lap niya.

"Oh bakit para ka na naman batang inaway sa labas?" Pagtatanong niya sakin habang nakangiti. "Wala lang, masama ba humiha sayo?" Pagtatanong ko habang naka pout. Gulat naman ako ng bigla niyang hilahin yung nguso ko. Napasimangot tuloy ako sa ginawa niya.

Makalipas ang 30minutes ay dumating na rin sa wakas yung order namin. Tumayo ako at pag tingin ko pabalik ay tuwang tuwa mukha ni Rose na nakatingin sa tv. Tila kinikilig na ewan. "Grabe, bagay na bagay sila ni Kousei." Sabi niya, natawa naman si Jisoo. Si Jisoo talga ang original na kasama ko nung nanonood neto. Inulit lang namin ni Jennie nung kami lang yung naiwan sa dorm kasi umalis tong dalawa. Naalala ko, pinanood namin to ni Jisoo paskong paskk umiiyak kaming dalawa dito. Haha!

Pagkalapag ko ng manok ay agad silang kumuha at wala pang 10minuto ay naubos na agad namin. Haha! Oh diba hindi halata sa katawan namin na matatakaw kami. Natawa naman ako ng makita kong may dumi sa gilid ng pisngi ni chichu. Kaya kumuha ako ng tissue para punasan yun. Pero sa halip ay nagkatitigan kaming dalawa. Bigla naman parang kinabahan ako sa ngyari at nakaramdam ng ano, kaya biglang napatingin ako sa malayo at napatayo.

"Tapon ko lang to." Pagpapaalam ko sakanila, nang makalayo ako ay tumingin ako sakanya na parang wala lang sakanya. Haha dapat siguro masanay na lng ako. Na awkward lang siguro ako kasi nagkaka crush ako kay Jennie eh! Kainis! Kaya feeling awkward tuloy sa mga ganun scenario. Dapat hindi ko to maramdaman, lalo na ate ang tingin ko sakanya.

Matapos ko matapon yung basura ay agad akong bumalik sa sala para samahan sila manood.

Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon