Chapter 7

594 18 0
                                    

Jisoo POV

Pagkababa ko sa stage ay pinunasan ko na yung mga luha ko na kanina pa tumutulo. Nagaalalang tumingin naman sakin yung Manager namin. "Jisoo, okay ka lang ba?" Tanong neto sakin at ngumiti lang ako sakanya at naglakad na papunta sa dressing room ko.

Pagka dating ko sa dressing room ay sinara ko agad yung pinto at hinayaan tumulo yung mga luha na kanina pa gusto lumabas. Ang tagal kong tinago tong nararamdaman ko. Mahigit limang taon na rin o anim. Sa tagal ng panahon ay di ko na mabilang kung gano nga ba katagal tong nararamdaman ko para sakanya. Mabuti na lang at nagkaron kami kahit papano ng 15minutes break after ng performance ko.

Matapos kong iiyak lahat ay tumayo na ako at inayos ko yung sarili ko. Dapat hindi nila mahalata na umiyak ako. Maya maya ay may narinig ako na kumatok sa pinto. Paglapit ko ay nakita ko si Rosè sa labas. Agad siyang pumasok at ni lock niya iyon. "Hinahanap ka ni Lisa" rinig kong sabi niya sakin. "Oh bakit daw?" Sabi ko sakanya. "Asan si Jennie?" Sabi ko pa.

"May kausap sa phone eh. Hinahanap ka kasi di ka daw niya nakita sa backstage." Rinig kong sabi niya at ngumiti na lang ako. "Kamusta naman puso mo?" Sabi niya pa. "Trying to be okay" ngiting sagot ko sakanya. "Magiging okay rin ang lahat" sabi niya pa. I know. Sabi ko sa sarili ko. Wala naman akong dapat gawin talaga kundi magparaya. Sakto naman ay tapos na kong magayos nung katukin kami ng staff. Lumabas na kami at sama sama kami sa stage para mag perform ng huli namin kakantahin.


Habang nasa stage kami ay napaka gulo talaga ni Lisa. Maya maya niya ako hinahalikan sa pisngi. Sila ni Jennie ay parehas busy sa stage. Habang ako ay busy naman sa mga fans namin. Tunay na nakakapagod at masaya nga tong concert na to. After ng concert ay napagpasyahan nilag pumunta sa isang bar na malapit dito.


"Kayo na lang muna, masama pakiramdam ko" sabi ko sakanila. "Bakit Unnie? Nilalagnat ka ba?" Tanong sakin ni Jennie pero sinabi ko na hindi. "Sige ihahatid muna kita sa hotel" sabi ni Lisa pero tumanggi ako. "Samahan mo na si Jennie at Rose, ihahatid naman ako eh" sabi ko sakanya pero may pgaalala pa rin siya na tumingin sakin. Gusto kong mapagisa ngayon.

Pagkadating ko sa Hotel ay dumiretso agad ako sa banyo para mag babad at magpahinga. Habang nakababad ako dito ay naisipan ko kunin yung phone ko. Pag tingin ko ay nakita ko yung gallery ko na puro mukha namin ni Lisa. Madalas kasi talaga kami ang magkasama, kahit saan, kahit anong events, mapa holiday man o free day. Magkasama kami. Siguro nga kaya ako nahulog sakanya dahilan na rin sa palagi kaming magkasama.

After ko maligo ay nakita kong nagsend ng picture si Lisa sa viber. Nakita ko na nag eenjoy silang tatlo dun ngayon. Nag reply naman ako na mag ingat sila at wag sila masyado maglalasing. Natawa ako ng magreply si Rosè at Jennie ng mukha ni Lisa na medyo sabog na. After ko magbihis ay napagpasyahan ko na humiga na at sa sama ng pakiramdam ko ay napapikit na lang ako.



-


Matapos yung naging concert ay naging busy na rin ako.  Sunod sunod kasi yung endorsements ko. Madami akong shoot kaya hindi na rin ako masyado nakakasama sakanilang tatlo. Si Jen naman ay umaalis alis pa rin pa minsan minsan. Hindi ko na rin masyado pinapansin si Lisa. Hindi ko alam kung nakakahalata na ba siya ng ano, o sadyang wala lang siya pake. Pero maigi na rin yun atleast hindi niya na ko kinkulit pa.

After ng shoot ko for Dior ay lumabas na ko agad. "Jisoo may bisita ka" rinig kong sabi ng Staff. Paglabas ko ay nagulat ako ng makita ko siya na may dalang flowers at food. Inayos ko yung sarili ko at kinausap ko siya. "Ano ginagawa mo dito pasaway na bata?" Sabi ko sakanya. "Namiss kita eh! Ang busy mo na" sabi niya sakin na parang nagmamaktol. Niyaya ko naman siya sa sofa at pinaupo. "Ano yang dala mo? Suhol ba yan?" Tatawang sabi ko sakanya.


Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon