Chapter 32

326 11 1
                                    

Rosè POV

Ang hirap pala maipit sa tanginang sitwasyon na to no? Hindi ko alam san ako lulugar. Biglang gumulo eh. Parang shit all around na ang nangyayari. Sinubukan kong tawagan si Joohyun at luckily ay sinagot niya naman.


"Hey, Irene. I need you here" sabi ko sakanya. Bigla ko naman naalala na nasa Japan pala kami! The fuck! "Sorry rene, pwede bang kausapin mo si Jennie?" Sabi ko sakanya at tumawa naman siya. Etong babaeng to nagkakanda leche leche na nga kami dito nakukuha pa tumawa eh. Palibhasa nasa Korea eh!


"Why? Ano na naman ngyari kay Jennie?"


"Kasi, si Lisa kasi sinurprise niya si Jisoo ngayon. Tas di ko nalaman etong si Jennie nag book pala ng room katabi ng room na ginamit ni Lisa pang surprise kay Jisoo." Sabi ko sakanya


"EH GAGA PALA SIYA EH!" Rinig kong bulyaw niya sakabilang linya dahilan para ilayo ko sa tenga ko yung phone ko. Tangina nabasag ata eardrum ko.


"Joohyun parang gago eh! Nakakabasag ka ng eardrum." Inis na sabi ko sakanya at tumawa na naman siya. Eto parehas talaga sila ni Jennie may sapak eh. Iiling iling na sabi ko.


"Where is she?" Tanong niya pa at sinabi ko na nasa kwarto humihikbi pa rin. "Paki on yang Camera mo and pakibigay yang phone mo sakanya please" sabi niya at pumasok ako sa loob ng kwarto. Ayun siya umiiyak pa rin at kinakausap yung picture ni Lisa.


"HOY GAGA! ANO NA NAMAN YANG PAGPAPAKATANGA MO DIYAN? NAGUSAP NA TAYO DIBA?"


Nagulat ako sa way ng paguusap nila. Ang layo samin. Bat ganun? Hahaha!


"TANGINA MO IRENE MAG BREAK RIN SANA KAYO NI SEULGI!" Sabi nito sabay balik sakin ng phone.


Di ko na narinig yung sinabi ni Irene dahil binato niya yung phone ko. Mabuti na lang at nasalo ko, kinabahan ako. Kapapalit ko lang neto eh!


Sa totoo lang, na sstress na ko sa mga to. Ewan ko ba bat ko naging kaibigan tong mga to. Di ko naman mapuntahan si Lisa ngayon, kasi for sure gumagawa na naman ng milagro yung dalawang yun. Naalala ko pa dati, akala ko samin apat ay si Jisoo yung never bibigay agad. Pota pag dating kay Lisa tiklop ang Ate mo! Sinuko agad si Bataan eh.


Habang nililinis ko yung mga kalat dito ni Jennie ay naisip ko na baka ganito rin ako kung mag la love life ako. Naisip ko pa naman binansagan pa naman siyang Taylor Swift ng Korea dahil papalit palit siya ng boyfriend. Iniisip ko pa lang na sstress na ko. Hays!


Pagkatapos kong malinis lahat ng binato ni Ruby Jane ay saglit akong napa upo sa sofa. Sakto naman na dumating si Oppa na may dalang pagkain. Sa totoo lang, napagod ako kakakalinis. Mabuti na lamang at dumating siya.


"Sa tingin mo ba? Mali talaga yung ginawa ko noon kila Lisa at Jennie?" Tanong niya sakin.


Sa totoo lang, habang nagwawala si Jennie kanina ay napaisip rin naman ako. Kasi all these time naman talaga ay si Jennie ay gusto ni Lisa. At alam ko rin naman diba? Sabi ko nga sainyo una pa lang, ramdam ko na si Jennie may gusto rin kay Lisa. Kaya sinabihan ko na si Jisoo noon pa lang na talo siya sa laban na to. Pero nagtaka ako, dahil bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. Yung dating akala mo ay hindi na mananalo ay siya pa lang mananalo, at yung dati na inaakala mo na mananalo ay siya palang magiging kawawa ngayon. Hay! Napaka kumplikado!!


"Alam mo Oppa, nagegets ko naman kung bakit mo yun ginawa eh. Kasi nga, una sa lahat. Kahit maging totoo ang JenLisa ay hindi naman yung tatanggapin sa society natin. Lalo na dito sa Korea. Kaya nga diba? Patago lahat ng nag dedate. Pangalawa, sino ba magaakala na hindi straight si Jennie? Si Lisa noon pa lang nakikitaan ko na ng senyales na hindi yan straight eh. Tama naman kasi lahat. Ang mali lang kasing nangyari, gumamit si Jennie ng iba para takasan yung nararamdaman niya para kay Lisa. Tapos ngayon, si Lisa na ang may iba nasasaktan siya. " Sabi ko kay Oppa. Totoo naman kasi, wala akong kinakampihan sakanila. Pero yun ang totoo eh.


"Kaya ko lang naman tinulungan noon si Lisa para sundan si Jisoo kasi akala ko, nagaway lang sila bilang mag Ate. Pero hindi ko alam, na kaya na pala niya sinundan non si Jisoo kasi may nabuo na pala silang feelings sa isat isa" sabi pa nito.


"Ni minsan naman, hindi ko nakitaan si Jisoo ng senyales na magiging ganun rin siya. Akala ko nga may dinedate na yan sa ibang group na lalaki eh. Pansin ko rin naman yung pagiging extra careful niya kay Lisa, pero hindi ko alam na may meaning pala yun lahat." Sabi nito at nag agree na naman ako.


Sa totoo lang, lahat ng sinabi ni Oppa ngayon tama. Si Jisoo rin, ni minsan hindi ko naisip na may gusto yan kay Lisa. Dumating na lang talaga yung isang araw na napansin ko na parang ang distant niya kapag masyadong sweet yung dalawa. Kung tutuusin nga, si Jisoo ang matagal ng nasasaktan dito. Pero kahit kailan ay hindi naman siya naging ganyan. Hays bat ba kasi ang kumplikado ng buhay.


"Hayaan mo na Oppa, hindi naman siguro kamima didisband dahil lang sa issue na to. Siguro kailangan lang ni Ruby Jane ng makakasama sa ngayon hanggang sa maging maayos siya." Sabi ko at umupo na sa lamesa para kumain. Na stress ako today, kaya kakain ako ng kakain ng madami.


Punyeta kasi tong mga kaibigan ko eh. Ang gagago lang. napaka pogi kasi netong Manoban na to eh! Ka stress! So habang busy ako sa pagsubo ay bigla naman nag ring yung phone ko na nasa tabi ni Oppa. Napatingin siya sa tunatawag at natawa sa harapan ko.

Nagmamadali tuloy akong kinuha iyon at sinagot.


"Hon? Update po? Kumain ka na ba? Napanood ko concert niyo. Namiss kita tuloy lalo" sabi nito na malungkot yung boses. Napansin ko naman na nag video on siya at nakahiga na siya ngayon sa kama niya.


Bigla naman tuloy nawala lahat ng stress ko at pagod ko sa mga hinayupak kong kaibigan. "Okay lang Hon, miss na rin kita. Malapit na kami umuwi. Catch up tayo ha?" Sabi ko sakanya at nakita ko na naman yung ngiti niyang napaka tamis. Kalimutan niyo na pala yung sinabi ko kanina. Wala naman akong pake kahit anong sabihin sakanya ng mga tao. Ang mahalaga sakin ngayon ay nagmamahalan kami.


"Sige hon, kamusta na? Bat gulo gulo yang buhok mo? Di mo ba kasama sila Lisa?" Tanong niya sakin at na kuwento ko na yung nangyari. Kahit siya ay sumasakit ang ulo sa mga ganap dito.


"Hirap niyan hon, kasi magkakasama kayo sa iisang bahay. Siguro may isa na dapat mag adjust" sabi pa nito at nag agree naman ako. Naisip ko, sino nga ba? Si Lisa taga thailand, alangan naman pauwiin ko yun? Si Jisoo may family issue yun, hindi yun uuwi. For sure si Ruby Jane ang mapipilitan umalis niyan.


Nagusap pa kami saglit at nagpaalam na siya na matutulog na siya. Pagkababa ko ng phone ay ngiting nakatingin naman sakin si Oppa. Parang tanga talaga tong oso na to. Inis na sabi ko sa sarili ko. "Yes? May sasabihin ka?" Inis na sabi ko sabay upo ulit sa lamesa.


"Alam mo, sa nangyayari ngayon naisip ko napaka gwapo ni Lisa. Pero nagkamali ako, ikaw pala yun. Biruin mo? Tinalo mo yung isang Lee Min Ho at isang Lee Dong Wook?" Pangasar na sabi nito at binato ko siya ng pagkain ko. Peste talaga stress na nga ko dumagdag pa!!




Mas gwapo naman ako sa mga yun no. Duh! -____-

Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon