I hate you

361 14 4
                                    

Joohyun POV

"Gaga ka! Bat mo susunduin si Lisa? Pano pag may nakakita sainyo dun?" sabi ni Wendy sakin habang kumakain ako. "Wala naman, isa pa hindi kami magkikita dun sa entrance no." sagot ko sakanya at nakita ko naman yung pag facepalm niya. "Ang cute cute mo Wannie" sabi ko habang kinukurot ko yung pisngi niya. Hahahaha!


"Ewan ko sayo Irene! Matanda ka na! Alam mo na gagawin mo!" sabi nito na stress na at nagsitawanan naman kaming apat sakanya. Napansin ko naman si Yeri na nananahimik dun sakabilang gilid at nilapitan ko siya. "Aba, mukhang may jowa na yung bunso natin ah? Kala ko ba si Lisa lang?!" natatawa ko pang asar sakanya at namula naman siya. "Makikihati pa ba ko sayo? Wag na uy" sabi niya at nagtawanan naman sila. Aba'y gago to ah.


"Sige, diyan na muna kayo. Lalabas na muna ako" sabi ko sakanila at patakbo na lumabas dahil sinesermunan na naman ako ni Wendy eh. Sakto paglabas ko sa elev ay tumatawag na siya. "Hello? Baby?" sabi niya sakabilang line dahilan para naman mapangiti ako. Leche talaga tong babaeng to, napaka dali sakanya na pakiligin ako.


"Baby mo your face!!" Sabi ko sakanya at tumawa naman siya sakabilang linya. Ayan na naman yung tawa niyang nakakahumaling. "Tapos na kami, wait kita dito ha?" sabi niya sakin. "Okay" sagot ko sakanya at tumawa na naman siya.


"Lamig, gawa tayo baby?"


"Hoy Lisa kumo--" pagtingin ko sa phone ko ay binaba niya pala yung call. Kaya nilapag ko na yun pero maya maya ay nagtext siya ng emoji na may peace. Hay nako!! Lagot ka talaga sakin!! inis na sabi ko sa sarili ko at inistart na yung sasakyan. Habang nag da drive ako papunta sakanya ay inon ko yung radio ko at nag play yung 7things na kanta ni Miley.



The 7 things I hate about you
The 7 things I hate about you (oh you)

You're vain, your games, you're insecure
You love me, you like her
You make me laugh, you make me cry
I don't know which side to buy


Natawa na lang ako habang kinakanta ko, tas naalala ko siya. Dahil malapit lang dito yung building na pinag shooting-an nila ay wala pang 10mins nakarating na ko. Nandito na ko sa likod kug san sinabi niya sakin na hintayin ko siya. Maya maya ay nakita ko na siyang lumabas. Naka grey na Celine tshirt habang nakabalot ng itim na jacket. Naka beanie siya ngayon ng cream. Sa totoo lang di ko mapigilan yung sarili ko na magandahan na naman sakanya.


Bumaba na ako ng sasakyan ko ng makita yung manager niya na umalis na. Pagkababa ko sa sasakyan ay hindi ko napigilan yung sarili ko na yakapin siya. Narinig ko naman siyang tumawa at niyakap niya rin ako pabalik, pero mas kinilig ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa noo dahilan para iangat ko yung paningin ko sakanya. Alam niyo naman na matangkad sakin si Lisa.


Hindi ko napigilan yung sarili ko. Hinawakan ko yung pisngi niya at hinaplos, nakita ko naman yung ngiti niya sakin. Kaya hinalikan ko siya sa pisngi. Hindi kasi pwede sa lips eh :( After nun ay niyaya niya na ako umuwi dahil nagsisimula na rin lumamig. "Ako na mag da drive ha?" sabi niya sakin at ano pa nga bang magagawa ko kundi sundin siya.


Few minutes, nakarating na kami sa unit. Pagkabukas ko ng pinto ay gulat na gulat si Wendy sakin. "Why?" tanong ko sakanila at magsasalita na sana sila ng makita nilang pumasok si Lisa. I held her hand sa harap ng mga kaibigan ko. Nakita ko naman yung matamis niyang ngiti sakin dahilan para mapangiti rin ako. "Pasok muna ko sa room" paalam ko kay Lisa. Kasi magpapalit sana ako ng jacket. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Lisa na sinosoot ulit yung jacket niya at lumapit sakin


"Hintayin mo ko. I love you." sabi niya sabay halik sa noo ko at lumabas na ng pinto. Tinignan ko sila Wendy at nang sundan ko siya ay nakita ko na nasa labas ng unit sila Jennie, kasama ni Lisa si Jisoo na sumakay ng elevator. "Unnie" tawag sakin ni Chaeng. Dumating na yung araw na kinakatakutan ko.


Dumiretso ako sa Veranda. Sumunod sakin sila Wendy at dun ay niyakap ko siya. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Habang yakap yakap ko siya ay nakita ko si Lisa at Jisoo na naglalakad papunta sa park. Napansin ko na huminto sila, next thing I knew niyakap na ni Jisoo si Lisa. At ang sakit makita na niyakap siya pabalik nito. Dun na nagsimula tumulo yung mga luha sa mata ko. Alam ko naman na mangyayari to. Pero di ko alam na ganito pala kaaga.


"Uyyy tahan na. Sinabihan na kita diba?" sabi ni Wendy sakin. "Wannie, samahan lang namin sa baba sila Jen. Ayaw pumasok ni Jennie dito eh" sabi ni Seulgi. "H-hindi ko lang expect. Na magiging ganito pala kasakit. Akala ko kasi makakasama ko pa siya ng matagal eh" sabi ko habang humihikbi na. Umalis na ko sa Veranda at pumasok sa kwarto ko. Hindi na ko pinigilan ni Wendy ngayon at wala na rin akong narinig sakanya. Naupo na naman ako dito sa may bintana ng kwarto ko.


Ganito rin nangyari ning nakaraan, ang kaso umaga naman yun. Eto gabi naman, malamig at wala siya sa tabi ko. Mga ilang minuto rin ang nakalipas wala akong ibang ginawa kundi umiyak at isipin yung mga masasayang ginawa namin. Mauulit pa kaya yun? Kasi pakiramdam ko, yun na yung huli. Kaya natatakot ako umuwi nun, dahil alam ko darating rin yung oras na babalik siya kay Jisoo.


Maya maya ay narinig ko na bumukas yung pinto ko. Nakayuko lang ako habang umiiyak dito sa tuhod ko. "Wendy sabi naman sayo wag mo muna ako guluhin eh. Please lumabas ka muna" sabi ko ng umiiyak. Hindi naman siya sumagot, tatayo na sana ako pero nagulat ako sa nakita kong nakatayo sa harapan ko. "A-anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sakanya. Nakita ko naman yung mukha niyang nagaalalang nakatingin sakin.


Agad siyang lumapit sakin at pinunasan yung mga luhang lumalabas sakin. Hinalikan niya naman ako sa noo at hinatak papalapit sakanya. Dahil dun ay hindi ko mapigilan na maiyak lalo. Wala na kong pake kung sipunin ako ngayon. Basta ang bigat ng nararamdaman ko. Pinaghahampas ko siya sa dibdib at hindi naman siya pumapalag pilit niya pa rin akong niyayakap. Maya maya ay hinarap niya ako sakanya ulit at pinunasan yung mga luha ko.


"Thank you for letting me in, Hyun. Finally I'm home" sabi niya sabay halik sakin. Yung halik na nakakadala. Yung halik niya na puno ng pagmamahal. Yung halik niya na nakakalunod at hindi nakakasawa. "T-teka! Bat mo ko hinahalikan?! Diba nagusap na kayo ni Jisoo?" tanong ko sakanya. "Yup, nagusap na kami. I want to give it a try. Yung satin, kung worth it ba. Kung dapat ba. I know masyado tayo naging mabilis. But please, give me a chance. I want to know if its real, At gusto ko ikaw ang kasama ko Hyun to explore that things. Kung papayagan mo ko." Seryosong sabi niya sakin.


Is it real? Or dream na naman? Kasi kung oo, ayoko ng magising. Ilang minuto rin kami binalot ng katahimikan at halos wala akong masagot sa sinabi niya. Hindi ko alam, susugal nga ba ko? Hindi naman masama diba? Matatalo kaya ako? Atleast nag try ako, pero kung mangyayari yun ay sobrang sakit. "Hyun.." tawag niya sakin.


I wrapperd my arms around her. It was scary, and it made my heart swell. But maybe, just maybe. It might be worth it. Once again, our forehead and noses touch, I can feel her breath. I cupped her face and smiled at her.


"Do you love me?" she asked me.


"I hate you!" sigaw ko sakanya


"I hate you for making me love you more!!"

And by that, niyakap niya na ako at hinalikan ulit. This time iba na, it was hard and soft at the same time. Binuhat niya na ko papunta sa bed and pumatong ako sakanya while we are kissing. We was about to do that thing ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto at yung tatlo ay nakatingin samin dalawa.


"Tangina Joohyuuuuuun!!!!" sigaw ni Wendy at nagkatawanan kami tuloy lahat ngayon.


--



So ano na? #LiSoo ba o #LisRene? 😂 Ang gulo nila no? HAHAHAHAHA!

Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon