Jisoo POV
Wala ng hihigit pa sa sayang nararamdaman ko ngayong araw. Tho, kagabi ay ang dami kong iniisip na what ifs sa relasyon namin ni Lisa. Lahat ng yun ay napalitan dahil sa mga sinabi niya. Kahit ako rin naman ay handang umalis kung sakali na malalaman nila yung tungkol samin.
Pagkagising ko ay wala si Lisa sa tabi ko. Tatayo na sana ako pero bigla siyang dumating na may dalang food. Bumangon naman ako at kiniss niya ako agad sa lips. "Ang aga aga ang manyak ha?" Natatawang sabi ko sakanya at tumawa lang din naman siya sakin. Agad ko naman tinignan yung food na dala niya. Sa tagal na namin magkakilala ni Lisa ay alam kong hindi siya marunong magluto kaya ngayon ay tinitignan ko siya.
"Love naman! Pinabili ko yan kay Rain!" Naka pout na sabi niya. Si Rain yung driver namin kahapon at tour guide. Natawa naman ako sakanya at lumapit ako para ikiss siya. Naka pout kasi eh. Natuwa naman ako nung makita ko yung mukha niyang namumula. "Yiie ang cute mag blush ng Love ko" natatawang asar ko sakanya. "Gusto ko man landiin la ngayon Love, kaso diba? May tour pa tayo kaya kumain ka na muna para may lakas ka mamaya" natatawang sabi niya sakin.
Nagsimula na kaming kumain na dalawa. Habang busy kami sa pagkain ay nag picture din kaming dalawa. Napagusapan rin namin na hindi muna kami magpopost ng kahit na ano sa social media. After namin kumain ay pinauna niya na ako maligo at after nun ay sumunod na siya. Dahil medyo maulan ngayon ay nagbalot kami ng maigi. Malamig kasi eh.
"Love naman! Sabi ko malamig tas naka dress ka!" Angal niya sakin. Parang di naman siya ganito dati. Natawa tuloy ako. Hahaha! "Love, eto mga dala ko eh. Isa pa kasama naman kita so no need to worry okay?" Sabi ko sakanya sabay kiss sa pisngi niya. "Hmmmp!!" Inis na sabi niya pa. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Hindi ko akalain na magiging kaming dalawa. Hanggang ngayon ay parang nakalutang pa rin ako sa Cloud 9.
"Love, thank you for loving me. And thanks for waiting. Alam ko sobrang engot ko kasi all these years naka focus ako masyado kay Jennie and alam ko naman na...." di ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya. "Its okay Love, hindi ko rin naman expect. And you don't need to be sorry. Mahalaga yung ngayon okay?" Ngiting sabi ko sakanya sabay kiss sakanya. Ngumiti naman na siya ulit at niyakap ako.
Bigla naman nag ring yung phone niya at tinignan niya kung sino. Pagka tingin namin ay si Chaeng pala. Bibitaw na sana ako sa pagkakayakap dahil kakausapin niya si Chaeng pero di niya ko binitawan. Hays!
Pagka open ng camera ay nakatingin si Chaeng sa kabila na kausap niya ata yung Ate niya. Pagkaharap niya ay bigla siyang sumigaw dahilan para magtakip ako ng tenga. "OMG!!!!!! IZ IT REAL??!!!" Tili niya pa habang kinikilig. Yakap yakap pa rin ako ni Lisa habang sinisiksik ko yung ulo ko sa leeg niya. "Ay ang lalandi naman pala" natatawang sabi niya samin.
"So KAYO na?!" Tanong niya at sinagot naman siya ni Lisa ng Oo dahilan para magtatalon siya sa tuwa. Jeske! Narinig ko naman na pinapagalitan siya ng mama niya dahil sa kaingayan niya. Hahahaha! "Teka, kinikilig ako eh." Natatawa niya pang sabi. "Alam na ba ni Jennie to?" Tanong niya naman at nagkatinginan naman kaming dalawa.
Oo nga no? Biglang nawala sa isip ko si Jennie.... "Hmm, basta super happy ako sainyo guys! Lalo na sayo Jisoo!" Natatawa niya pang sabi. "Thank you, Chaeng! Pero may kasalanan ka pa rin sakin!" Sabi ko sakanya at inirapan ko siya. "HOY CHICHU KUNDI KO SINUPORTAHAN YAN DI MAGIGING KAYO NO!" Natatawang sabi niya pa sakin. Hahaha!
"Sasabihin namin kay Jennie pagbalik natin sa Dorm. Pero gusto ko tayo tayo muna ang makaalam okay?" Sabi naman ni Lisa kay Chaeng. Maya maya pa ay may narinig na kaming kumatok sa pinto. "O sige na, enjoy lovebirds! Mag ingat kayo ha?! At wag masyadong pda!" Natatawa niyang sabi sabay baba ng phone. Hinalikan naman ako ulit ni Lisa sa noo at binuksan na yung pinto.
"Are you ready ladies?" Sabi ni Rain samin. Nag nod naman kami. Magka holding hands kaming bumaba at sumakay ng sasakyan. Nag start na kami mag tour. Dahil nasa Paris kami ngayon ay una naming pinuntahan yung Cathedrale Notre Dame. Tuwang tuwa ako sa dami ng kalapati sa labas. Nagyaya siyang pumasok sa loob at naupo kami parehas.
"Lord, sana po huwag niyo na ihiwalay sakin yung babaeng katabi ko ngayon. Saka sana po magka anak kami ng madami hehe!" Sabi niya at kinurot ko naman siya. Etong batang to nasa simbahan na lahat lahat puro kalokohan pa rin. "Love di ka mag p pray?" Tanong niya sakin. Sabay pumikit naman ako at hinawakan ko yung kamah ko.
"Thank you po sa napaka gandang gift na binigay niyo. Sana po hindi na to matapos" sabi ko sabay tingin sakanya. "Ang cheezy naman" pag putol ni Rain sa titigan namin. Inaya na ko ni Love tumayo at naglakad na kami sa labas. Habang naglalakad kami ay super protective niya sakin. "Love, payungan mo rin sarili mo. Nasakin lahat eh" sabi ko sakanya. "Okay na to Love di naman ako nababasa" sabi niya sabay ngiti. Pagkadating ng kotse ay sumakay na kami ulit at lumipat sa ibang destinasyon.
Sa pagod namin kakaikot ay nakaidlip na si Lisa dito sa balikat ko. Maya maya ay bigla naman tumunog yung phone niya habang nag browse ako ng pictures namin.
"Boo, I miss you so much :( "
Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko. Hindi ko man gusto ay binuksan ko yung conversation nila. Nakita ko na puro si Jennie na yung nagtetext. Hindi naman siguro ako dapat kabahan, dahil kasama ko na siya ngayon. Binalik ko sa mark as unread yung message at nilagay ko sa bulsa ng jacket niya yung phone niya.
Dumating na kami dito sa Eiffel, ginising ko na si Lisa. Nauna ng bumaba si Rain. "Love! Nako iiwan kotabnag tulog tulugan ka na naman diyan ah" natatawang sabi ko sakanya at ayun nakita ko na siyang ngumiti. Nagulat naman akong bigla niya kong yakapin. "Loveeee! Baba na tayo nandito na tayo" sabi ko sakanya "5minutes love, gusto lang kitang yakapin" sabi niya naman sakin dahilan para kiligin naman ako ng sobra.
Maya maya ay nakita kong kinakatok na kami ni Rain sa may labas ng sasakyan. Agad niya naman ako binitawan at umayos ng upo. "Tara na Love!" Excited niyang sabi. Hay nako bat ba ko na inlove sa isip bata na to. Pagkababa namin ay sobrang natuwa ako sa view. Huhu pangarap ko talaga tong lugar na to. Dahil hapon na rin any nag decide na muna kami kumain bago lumibot dito. Pagka dating namin sa restaurant ay walang tao.
"Love, ang creepy naman dito" sabi ko sakanya. Bat saiba naman may tao. "Di naman eh, cr lang ako love ha?" Paalam niya sakin. May lumapit naman sakin waiter at inassist ako papunta sa upuan namin. Pagka tingin ko ay ang ganda mg view sa labas. Sa tuwa ko ay nag picture ako dun habang wala pa si Lisa. Maya maya ay nagulat ako ng biglang namatay yung ilaw....
Nag start na ko mag panic. Maya maya ay biglang bumukas na yung ilaw at nakita ko na si Lisa.
Love?
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."