Jisoo POV
After hours of travel, finally nakarating rin kami sa New Zealand. Natawa ako sa itsura ni Lisa. Pano ba naman whole trip ay tulog siya. Sabagay, nakakapagod nga naman kasi galing rin siya saibang lugar.
"Hey Soo, ano yung maingay?" tanong niya habang gulo gulo pa yung buhok niya. Haha! Ang cute pa rin talaga ng Lili ko. Magiging daddy na yan ah? Pero prang siya pa rin yung baby. "Mag take off na kasi. Sarap ng tulog mo ah? 12hrs straight?" Natatawa kong sabi sakanya at napatingin siya sa orasan niya.
"Shoot! Nakalimutan ko batiin si Irene ng happy birthday!" stress na sabi niya at natawa naman ako. Nakalimutan niya ba na para lang kami ulit nag time travel kasi late din ang oras dito? So basically, birthday niya pa lang. haha! Natawa naman ako dahil dun, at maya maya ay nakita ko na hinto siya sa pag panic ng marealize niya nasa New Zealand kami.
"Hay nako, same Lisa pa rin. All these years hindi ka pa rin nagbabago" sabi ko sakanya at tinignan niya ako ng masama. "Wala naman talaga nagbago, love pa rin kita since day 1" seryosong sabi niya at nakaramdam na naman tuloy ako ng kakaibang pain sa puso ko. Aish! Bad Lisa! Bad!!
"Ma'am? Were here na po" sabi ng flight attendant namin. Mabuti na lang at dumating siya. Mase-save ko na yung sarili ko sa posibleng pagtulo na naman ng luha ko. Nauna na kong tumayo sakanya at kinuha yung mga bagahe ko. Sakto pagkababa namin ng eroplano ay tumawag na siya sakin.
"Kamusta ang flight baby? Nasan na kayo? Magkasama pa ba kayong dalawa? Kamusta naman paguusap ni--"
"Hay nako, ang daming tanong, nakakainis ha?" pagsusungit ko sakanya pero nakangiti ako ngayon. Ang kulit niya kasi eh.
"Tinatanong lang naman eh. Miss na kita agad" malungkot na sabi niya. Natawa naman ako, kakakita lang namin bago ako umalis.
"Mukha mo! Ang clingy mo ha?! Di pa naman kita sinasagot ha? Bat mo ko tinatawag na baby?!" pagsusungit ko ulit sakanya. At nakita ko na si Lisa na nandito na rin sa baba kasama ko. Nag mouth ako sakanya ng wait lang at huminto siya sa gilid habang may tinatawagan.
"Wow meron "pa" so may chance? Yeyyyy! Syempre baby naman talaga kita wag ka na umangal. Sige na, I'll see you soon baby. Mag ingat ka diyan ha?" masayang sabi nito at napangiti naman ako dahil dun. Hays si Sowon talaga kahit kailan napaka kulit.
Nakangiting binaba ko na yung tawag at lumapit sakanya. Narinig ko siya na bumati ng Happy Birthday at nagmamadaling pinatay yung phone. Natawa naman ako sakanya. Same old Lisa. Hahaha! Ganyan rin ginagawa niya pag birthday ko.
"Hay nako, di ka pa rin nagbabago talaga" natatawang sabi ko sakanya at nakamot naman siya ng batok. Lumapit naman siya sakin at bumulong. "So si Sowon pala ha?" nangaasar na sabi niya dahilan para mamula ako. "Leche ka! bat ka nakikinig!" inis na sabi ko sakanya at para siyang batang nagtatakbo. "Ayiiie! Si Unnie may Sowon!" pang aasar niya sakin at inis na hinabol ko naman siya sa Airport.
Nakakamiss rin yung ganito. Ang tagal na rin. Halos mag dadalawang taon na rin pala. Ang tagal na namin na hindi nagusap. Nakakamiss rin pala talaga yung dati.
"Hay nako nakakaloka kayong dalawa. Mag ingat nga kayo, mamaya may makakilala sainyo at masundan tayo. Sama sama pa naman kayo dun ngayon" stress na sabi samin ni Oppa. And just like the old times. Naalala niyo pa? Nung bagong dating kami sa SoKor na magkasama kaming dalawa at stress na stress samin si Oppa? Haha!
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Фанфик"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."