Jisoo POV
Kahit medyo mahaba yung byahe ay masaya naman, kasi may katabi akong baby girl. Ang cute cute niya talaga. Tuwang tuwa ako, yung parents niya worried na baka mainis ako. Pero sa totoo lang tuwang tuwa ako. Finally pababa na kami. Yung sundo ko sabi ni Oppa ay nasa labas lang daw ng Airport.
Pagkababa ko sa eroplano ay nag babye na ko dun sa baby na nakalaro ko. Grabe sobrang lamig ngayon dito. After ko maglakad lakad ay nilagay ko yung maleta ko sa cart at tinulak na iyon. Habang busy ako sa pagtetext dun sa number na binigay sakin ni Oppa ay bigla naman akong nagulat ng may nagsalita sa harapan ko.
"Grabeee! Ang tagal mo naman!" rinig kong sabi niya. Agad naman akong napalingon sa nagsasalita. Pag lingon ko ay nagulat ako. Bat nandito siya? Nakasimangot siya na nakanguso pa. Alam mo yung batang matagal na pinaghintay ng nanay sa supermarket? Ganun na ganun yung itsura niya eh. Natawa tuloy ako. "Grabe! Tinatawanan pa ko!" inis na sabi niya sabay hatak ng maleta ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Di naman siya sumagot, dire diretso niya lang hinahatak yung cart ko.
At ng makarating kami sa labas ay may sumundo samin lalaki. Yun siguro yung kausap ni Oppa. "Goodevening po Ms. Lisa and Ms. Jisoo" sabi nito. "Hello" sabi ko naman. Dahil hindi ako marunong masyado mag english ay si Lisa na yung nakipag usap. "Sumakay ka na muna, baka malamigan ka. Ipapasok ko lang muna tong mga gamit" sabi niya sakin at pinagbuksan niya ako ng pinto. Habang busy sila magpasok ng gamit ay tinawagan ko si Manager Oppa.
"Oppa!" sigaw ko sakanya sa phone. "Sorry na Jisoo. Ang kulit kasi ni Lisa eh" sabi niya sakin at nag peace sign pa talaga siya. Nakuuuuu! Lagot to sakin pagbalik ko sa Korea. Kaya nga ako umalis dun ay para mag move on eh. Agad ko naman binaba yung tawag namin ng biglang pumasok si Lisa. "Kasabay ba kita sa eroplano?" tanong ko sakanya. "Hindi, kagabi pa ko. Hinintay lang kita" sabi niya sakin. Kaya pala wala siya kagabi pa dahil nauna na siya dito.
Hinampas ko naman siya sa braso. "Hay nako! Pano ko mag hahanap ng boyfriend niyan kung kasama kita?!" inis na sabi ko sakanya sabay irap. Napansin ko naman na ngumiti lang siya. Pasaway talaga to. Napansin ko naman na sinandal niya yung ulo niya sa headrest ng sasakyan at agad pumikit. Katahimikan ang bumalot samin dalawa. After ng ilang minuto ay huminto naman yung driver namin sa isang place na parang madaming street foods.
"Pwede na po muna kayong bumili ng food niyo. Baka po kasi gutom na kayo eh" rinig kong sabi niya. Natuwa naman si lisa ng marinig niya yun. Agad niyang binuksan yung pinto ng sasakyan at hinawakan yung kamay ko habang naglalakad kami papunta dun sa bilihan ng Shawarma. "Gusto mo may cheese?" tanong niya pa sakin. Kahit alam niya naman na gusto ko talaga. Tinaasan ko naman tuloy siya ng kilay dahil dun.
"Paka sunget naman, nagtatanong lang eh" natatawang sabi niya. Bumili siya ng dalawa at binigay niya sakin yung isa. After namin bumili ng drinks at sumakay na kami ulit sa sasakyan. Pagkasakay namin ay agad niyang binuksan yung pagkain niya at kumagat agad. Natatawa naman tuloy ako. Hahaha! Gutom na gutom lang? "Di ka ba kumain pag dating mo dito?" tanong ko sakanya. "Hindi, syempre inaantay nga kita eh. Mamaya hindi kita makita kaya di ako umalis no" natatawang sabi niya. Pinitik ko naman yung noo niya dahil dun
"Ouch naman!" reklamo niya pa.
"Pasaway ka talaga no?!" inis na sabi ko sakanya. Maya maya pa ay narinig ko na biglang nag ring yung phone niya agad niya tong sinagot at nakita ko si Rose na ka Videocall niya.
"Oh ano? Magkasama na kayo?" tanong nito sakanya. Huwag mong sabihin may alam din siya dito?! Nako! Lagot talaga kayo sakin pagkauwi ko. Inagaw ko naman yung phone niya at tinignan ng masama si Rose. "HAY NAKO ROSE ANNE WAG KA PAPAKITA SAKIN PAGBALIK KO KUNDI SASAKALIN KITA!" bulyaw ko sakanya. Nakita ko naman na tumatawa yung driver namin. Bigla ko tuloy na realize na ang ingay ko pala.
Tawa naman siya ng tawa sakabilang linya. "Sorry na Unnie, alam ko naman kasi di ka tutuloy pag nalaman mo no." Natatawa niya pang sabi "Maya ka na tumawag, kumakain pa kami eh" sabi ni Lisa habang puno pa yung bibig "Hay nako MANOBAN!" sabi nito sabay baba ng tawag. Inirapan ko naman siya nung tumingin siya sakin.
Pagkadating namin sa hotel ay sinamahan kami nung driver paakyat. Puro ako driver, siya pala tour guide namin! Hahahaha! Pagka tingin ko sa kwarto ay maganda naman. May dalawang kama at isang sofa, kung titingin ka sa labas ay maganda rin yung view doon. After non ay nag simula na kaming mag ayos ng mga gamit namin.
"Maliligo ka ba? Mauna ka na" rinig kong sabi niya. "Hindi magpapahinga muna ako" sabi ko sakanya. "Tara manood tayo ng Anime!" Sabi niya naman samin. Just like the old times, ganito ginagawa namin kapag bored na bored kami.
Inayos niya na yung tv at ni login yung netflix niya. Naghanap kami ng Anime na mapapanood. After ng pagkatagal tagal na pilian ay napili niya yung "I want to eat your pancreas" naupo na kami ng tv. Habang nanonood kami ay sumandal sa balikat ko si Lisa.
"Mabuti na lang naulit, nakakamiss yung ganito" rinig kong sabi niya. Ngiting tumingin naman ako sakanya. Wala naman akong magagawa eh, nandito na siya. Eenjoyin ko na lang tong mga oras na kasama ko siya.
Naiyak ako sa pinapanood namin. Pinaghahampas ko tuloy siya. "Ikaw sira ka talaga! Yung your lie in april ang sakit pa rin sakin dinagdagan mo pa!" Naiiyak na sabi ko sakanya. Huhu pano kasi namatay na naman yung babae :( "Ang ganda nga eh" sabi niya pa sakin. Napatigil naman ako sa paghampas sakanya ng punasan niya yung luha sa mata ko.
Saglit na nagkatitigan tuloy kaming dalawa. Ang awkward diba? Tatayo na sana ako, kaso bigla niya akong hinatak dahilan para mapaupo ako sakanya. "Ano ba yan Lisa ha! manyak mo na naman!" sabi ko sakanya ng tumatawa. para lang hindi mahalata yung awkwardness. Pero sa halip na i let go niya ko ay niyakap niya lang ako.
"May sasabihin ako sayo UNNIE kaya makinig ka" sabi niya sabay diin ng UNNIE na word.
"Noong mga panahon na nawawala ka palagi, at palagi kaming magkasama ni Jennie. Narealize ko na "Asan ka na ba?" Magkasama kami palagi non ni Jennie, pero palagi kong nasa isip ikaw." sabi niya, magsasalita pa sana ako ng bigla niyang hawakan yung labi ko.
"Ang daya mo eh, magsasalita pa lang ako ulit. Ako muna..." sabi niya sakin. "Teka kasi, paupuin mo muna ako diba?" sabi ko sakanya pero sa totoo lang ang bilis na ng heartbeat ko kanina pa.
"Ayan umupo ka na diyan ka lang sa harapan ko at pakinggan mo ko." seryosong sabi niya
"Nakakatuwa kaya, yung mga fans namin sige ang sigaw ng JenLisa. Sige ang Ship samin dalawa. Sa totoo lang, masarap sa pandinig pero masyadong malayo sa katotohanan" rinig kong sabi niya "E pano naging malayo? E gusto mo naman siya?" sagot ko naman sakanya
"Alam mo! pang gulo ka talaga eh no! Isa pa na mag salita ka hahalikan na kita" rinig kong sabi niya pa. Kaya nanahimik na lang ako.
"Nung araw na nawawala ka, lalo kitang namimiss. Nung araw na wala ka sa tabi ko, at nalaman ko na si Kai at Jennie pala. Don ko lang narealize. Don ko lang narealize yung katotohanan na hindi ko pala talaga gusto si Jennie." sabi niya dahilan para naman bigla bumilis yung tibok ng puso ko....
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."