Lisa POV
Pagka gising ko ng hapon ay nakapag prepare na ng food si Joohyun. Sabi rin ni Joohyun ay nagpadala ng fruits and veggies sakin si Rosè. Favorite snack ko kasi yung corn and carrots, pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung makita ko yung shape ng carrots. Naalala ko kasi, yun ang palaging ginagawa ni Jisoo for me.
Kaya tumayo ako para tignan yung notes na iniwan ni Rosè sa fruits and veggies ko. Nakalagay lang dun na restwell at eat healthy. Akala ko kasi si Jisoo yung nagpadala, pero naalala ko nga bat niya ko padadalhan diba? "Hon, gusto mo ba lumabas? Maganda yung view sa labas pag sunset" sabi sakin ni Irene. Sa province kasi nag decide yung parents niya na tumira, at sa totoo lang napaka peaceful dito.
Malayo sa gulo at ingay. "Sure hon, magpapalit lang ako ng damit" sabi ko sakanya at niyakap siya. Himala, wala na siyang topak ngayon. Nasa mood na siyang kausapin ako. "Yeah, I'll wait for you. I love you!" sabi pa nito bago tuluyan lumabas ng kwarto. Sa totoo lang, medyo nanibago ako sakanya. Himala wala siyang mood swings ngayon. Tumayo na ko, at bago ako nagpalit ay tumawag muna ako kay Chaeng.
"Hey Chipmunk!" tawag ko sakanya at natawa naman siya sakabilang line. "Oh? Buhay ka na? Haha!" natatawang sabi niya sakin. "Thanks pala sa fruits" sabi ko sakanya at lalo siyang natawa. "Sige, sabihin ko sakanya" sabi niya dahilan para mapataas yung kilay ko. "Hoy bakla ka! Umuwi ka na dito. Ipaparinig ko sayo yung bago kong kanta for my solo" sabi nito at natuwa naman ako tuloy. Wow finally! "Talaga? Sige! Pagkabalik ko diyan" sabi ko sakanya at nagpaalam na siya dahil nasa studio daw silang tatlo ngayon.
Pagkababa ko ay nakita ko si Irene na buhat buhat si Minjun, yung baby brother ni Chi. Ang cute niya tignan habang hawak yung baby. Lalo tuloy ako natuwa at gusto kong i push na magkababy na kami. "Hi babyyy" sabi ko kay Minjun pagkalapit ko ay ngumiti naman siya sakin. Hinalikan ko naman sa noo si Irene habang hinahawakan yung kamay ni Minjun. "Uhhh tangina ang cute niyo! Para kayong happy family diyan!" Pangaasar na sabi ni Wendy samin.
Nakita ko naman yung parents ni Joohyun na masayang nakatingin samin. "Joohyun anak, lumakad na kayo ni Lisa. Baka di niyo na maabutan yung paglubog ng araw" sabi ng matandang babae samin. Lumapit naman to sa Mommy ni Chi at binigay na si Minjun. "Di kayo sasama?" tanong ni Irene sa apat. "Nako, hindi na. Moment niyo yun eh. Dito na lang kami, saka busy pa kami magluluto daw si tita" sagot ni Wendy at nagpaalam na kami sakanila.
"HOY JOOHYUN!! WAG KAYO SA DAMUHAN HA? " pahabol na sigaw samin ni Seul dahilan para batuhin siya ni Irene ng tsinelas. Nagkatawanan naman yung apat don sa loob. "Tara na Hon?" Sabi nito sakin at hinawakan ko naman yung kamay niya habang naglalakad kami papunta sa burol na malapit sakanila. Pagkadating namin dun ay sinet up ko na yung uupuan namin pati na rin yung mga pagkain.
Naupo kami dun dalawa habang yakap yakap ko siya. Naalala ko dati, madalas na ganito lang kami sa kwarto niya. Ngayon sobrang ganda na ng view ng nakikita namin. Nakaka relax.
"Hyun?"
"Hmm?"
"Gusto mo na magkababy?" tanong ko sakanya at napalingon naman siya sakin. Tinignan ko naman siya ng seryoso ngayon.
"Bakit? Bakit mo natanong?" sabi niya sakin at ngumiti naman ako sakanya.
"Wala lng, saka pa 30 ka na. Baka mahirapan na tayo magkababy kapag papatagalin pa natin." Sabi ko sakanya at tumawa naman siya sakin.
"Pwede naman ikaw magdala eh" sabi nito at nagulat naman tuloy ako! Dahil dun ay napsimangot ako. Pasaway ay...
"Hyun naman!!" inis na sabi ko sakanya at tumawa lang siya. Tinitigan niya naman ako at hinawakan yung pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."