I stay inlove with you

395 12 1
                                    

Jisoo POV

You said what? I asked her. "Love, please give me more time" she said but she's not looking at me. Hinawakan ko yung pisngi niya at inangat para tignan ako sa mata. "Bakit? Kasi nandiyan na siya?" tanong ko sakanya at nag nod naman siya. Ang sakit sakit. Ang sakit na malaman sakanya yung totoo, pero at the same time ay masaya ako dahil hindi niya dineny at hindi siya nag sinungaling sakin.


"I'm sorry Love. I'm sorry sa mga nagawa ko sayo. Sorry kung inignore kita nung nasa China ka. Pero believe me or not, hindi ako nagkagusto sakanya. Masyado lang siguro akong nag focus samin. Dahil ayokong mag failed tong project na to, at the same time gusto ko maging proud kayo sakin." pagpapaliwanag ko sakanya. "Palagi naman kaming proud sayo, lalo na ako." sagot niya sakin, at alam ko yun. Alam kong nagkamali talaga ako. Alam kong mali na inuna ko yung iba kesa sakanya.


Alam ko na mali yung mga naging actions ko. Kaya heto, heto ang naging naging resulta ng lahat ng actions ko. Masisisi ko ba siya? Dapat bang magalit ako sakanya dahil nag end up sila ngayon ni Irene ng magkasama? Sa totoo lang, galit ako kay Irene. Dahil alam niya na kami ni Lisa, at alam niyang hindi lang kami okay pero nag take advantage pa rin siya. Pero kay Lisa? Hindi ko kayang magalit. Kasi ako ang naglagay sakanya sa sitwasyong to. Isa ako sa mga nagbigay ng pain at trauma sakanya. Masakit man, pero yun ang katotohanan.


Kung hindi ko sana inuna si Hae in non, bago siya ay sigurado na nung umuwi siya ay masaya na sana kaming magkasama. At hindi nangyayari lahat ng to. Ang tanga ko dahil hinayaan ko yun mangyari. "Mahal mo pa rin ba ko?" tanong ko sakanya. Tinitigan niya ako maigi bago siya sumagot. "Mahal kita, hindi naman yun mawawala eh." sagot niya. And thats it. Enough na rason na yun para mabuo na tong desisyon ko. Maghihintay ako sakanya, maghihintay ako hanggang sa maging okay na siya at marealize niya na ako pa rin ang pipiliin niya sa huli.


"I'll wait for you. Please come home. Hindi na kita guguluhin kung talagang gusto mo ng space. Do what you want. And I'll wait for you. You know Lisa, ayoko talaga ng naghihintay sa isang tao. Hindi ko to sinasabi sayo para sumbatan ka, or what. Ayoko maghintay sa isang tao, lalo na alam ko wala naman pagasa. Thats why I kept it all inside in me. But if waiting means being able to be with you. I'm willing to do it." seryosong sabi ko sakanya habang umiiyak. Masakit man, pero eto ang reality. Ganun ko siya kamahal eh. At ayoko na mawala siya sakin ng ganun ganun na lang. ako ang may kasalanan kaya dapat paghirapan ko ulit yun, paghirapan kong makuha yung atensyon at tiwala niya ulit ng buo.


"Di mo naman to kailangan gawin eh. Di mo naman kailangan na mag-" then I cut her off. "Please let me. Eto na lang yung nakikita kong paraan para bumalik ka sakin." Sabi ko sakanya at sa wakas ay napapayag ko rin siya. "Please come home tomorrow okay? Promise tutuparin ko yung mga sinabi ko sayo" sabi ko sakanya. And again, niyakap ko siya. Sobrang namiss ko siya... hindi ko kaya talaga na mawala siya sakin..


"Wear it. Sobrang lamig ngayon. Sobrang lamig na ng kamay mo." Sabi niya sakin at hinubad yung sweater niya para isoot sakin. "Thank you" sabi ko at hinalikan niya naman ako sa noo. Masakit man, pero kahit papano ay nalaman ko na may pagasa pa pala. Na pwede pa pala. At pwede ko pang maayos. Naglakad kami pabalik sa parking lot, hinayaan niya lang ako na yumakap sa braso niya habang magkaholding hands kami. Pagka dating namin don ay nakita ko sila Rosè at Jennie, kasama nila sila Seulgi.


"Sige na, umakyat ka na dun" sabi ko sakanya at dire diretsong sumakay sa sasakyan. Sumunod naman sakin sila Chaeng at Jennie. "Di ka ba sasama Lisa?" tanong sakanya ni Oppa at tinitignan niya pa rin ako. "Hindi po" sagot niya at sinara na ni Jennie yung car window. Pagkakita ko ay umalis na si Lisa kasabay nila Seulgi pa elevator. Pagka alis niya ay dun na bumuhos yung luha na kanina ko pa pinipigilan.


"Unnie..." tawag nila sakin at yumakap ako kay Chaeng ngayon na katabi ko. "I can't blame her. Pang ilan na ba to nangyari sakanya? Pangalawa? Yung una kay Jennie, pangalawa sakin. And worst, siya pa mismo nakakita. Nakita pa mismo ng mga mata niya. Anong palag ko? Napabayaan ko rin siya ng ilang araw. Ang sakit sakit. Ang sakit kasi ngayon humingi siya ng space sakin dahil naguguluhan na siya sa feelings niya." Sabi ko sa bawat pagitan ng paghikbi ko.


"Kaya siguro ganun, kasi kay Irene niya lang nakita yung level ng comfort na alam niyo yun? Hindi siya masasaktan. Yung walang issue, yung priority siya. Yung siya lang --" then Chaeng suddenly cut me off. "Tama na Unnie, wag mo na sisihin sarili mo nangyari na eh. Mag focus ka muna sa sarili mo ngayon okay? Saka nandito lang naman kami ni Jennie oh" sabi niya sakin at nag agree rin naman si Jennie.


"Jusko naman ano ba nangyayari sainyo mga bata kayo. Hays! Yung twice ganyan rin ata issue nila ngayon, nakausap ko yung Manager nila pero satin satin lang ha?" pagku kwento ni Oppa. "Talaga? Bakit Oppa ano nangyari?" pagtatanong naman ni Chaeng. "Ayan, parang ganyan rin. Si Sana at si Dahyun pala. Ngayon si Tzuyu parang di daw ata sila ayos ayos dun. Hindi ko rin alam ewan ko ba sainyo. Ang dami naman straight na lalaki diyan. Ang daming boy group dito" stress na sabi niya at nagtawanan naman yung dalawa.



Pagtingin ko sa phone ko ay nag vibrate na to. And for the first time after a week ng pagtawag ko sakanya at pagtext sakanya ay nagtext na rin siya sakin.



"See you tomorrow. I know ang tanga ko, kung sasabihin ko na huwag ka ng umiyak. But please, wag na sana. Take care and Night"



"Hay nako Lisa!!! Di pa kami nakakapagusap niyan eh!! Pero sasakalin ko yan bukas pag umuwi siya!!!" inis na sabi ni Chaeng. Then napansin ko si Jennie kanina pa tahimik. Pagkadating namin sa dorm ay naupo na muna kami sa sofa at kumuha si Chaeng ng maiinom namin.


"Kaya ka ba umiiyak last time dahil sa nalaman mo?" tanong ko sakanya, bigla naman napa angat yung ulo niya at tumingin sakin. "Sorry Unnie kundi ko sinabi agad sayo" pageexplain niya at lumapit ako para yakapin siya. "I know, thanks Jen." at umiyak na rin siya ng tuluyan. "Wtf! Kumuha lang ako ng maiinom umiiyak na naman kayo diyan. Sino ba yang iniiyakan niyo mas gwapo pa ba yan kay Tom Cruise?" natatawang sabi ni Chaeng at nagkatawanan naman tuloy kaming tatlo.


Maya maya ay may narinig na naman kaming kumatok sa pintuan at nagmamadali si gaga na buksan yung pinto. Nakita ko naman si Suzy na nahihiya pang pumasok at may bitbit na manok. "Unnie, sorry sa word ha? Awayin ko lang tong jowa mo saglit" pag eexcuse ni Jennie sa sarili niya. "HOY BABAE! ALAM MO NG PURO SAWI KAMI DITO NAGPAPUNTA KA PA TALAGA NG JOWA ANO?!" sigaw niya kay Chaeng dahilan lara magtawanan kami ni Suzy.


"I heard the news. I'm sorry Jisoo" sabi niya sakin at ngumiti naman ako sakanya. "Okay lang, kasalanan ko naman." Sagot ko sakanya at lumapi na samin yung dalawa. "Ayan, iiyak ka na naman eh! Tara na mag inom muna tayo! Maghapon na tayong stress kaya deserve natin to" sabi ni Chaeng at nag agree naman yung tatlo.


Ngayon narealize ko, bakit ako susuko? Sorry but nakapag decide na ko. I'll wait for you and I'll stay in love with you...




-



Ang pogi ni Lisa. #SanaALL 😂

Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon