Joohyun POV
Nagising na lang ako ng magisa dito sa kwarto niya. Ang pagkakatanda ko, nakaupo lang kami hanggang sa mag sunset at after nun ay nag decide kaming kumain at uminom. The rest, hindi ko na matandaan. Sa sobrang saya ko, ay halos nakalimutan ko na hindi nga pala siya sakin. Na lahat ng to ay panandalian lamang.
Tumayo ako para tignan kung asan siya, pero wala siya dito sa loob ng kwarto. Tinatawag ko siya, pero walang sumasagot. Naiiyak na ko. Pakiramdam ko ay iniwan niya na ko dito at pumunta na siya pabalik kay Jisoo. Hindi ko alam yung gagawin ko kaya bumalik na lang ako sa kama para kunin yung phone ko at tawagan siya, pero naalala ko nakapatay nga pala yung phone niya. Habang lungkot na lungkot ako dito ay narinig ko na tumunog yung pinto at unti unti yun bumukas.
Nakita ko siya na may dalang pagkain at nakangiting nakatingin sakin. Agad niya naman binaba yung dala niya ng makita niyang umiiyak ako. Hindi ko napigilan yung sarili ko na yakapin siya ng mahigpit. Natakot kasi ako. Akala ko kasi ay iniwan niya na kong magisa dito. "Uyyy, bat ka umiiyak?" nagaalalang tanong niya sakin. Pero pumatong lang ako sa lap niya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko ma explain, pero parang mababaliw ako kapag nawala siya sakin.
"K-kala ko kasi iniwan mo na ko eh" sabi ko pa habang umiiyak. Naramdaman ko naman yung pagyakap niya sakin ng mahigpit habang hinahaplos yung likod ko. "Bat ko naman yun gagawin sayo? Ikaw nga hindi mo ko iniiwan eh" sabi niya at pinaharap ako sakanya para punasan yung mga luha sa mata ko. "Wag ka nang umiyak. Ang ganda ganda mo eh. Tas iiyak ka lang" sabi niya sakin at ngumiti naman na ako at hinalikan siya.
"Oh kain ka na dali" sabi niya sakin at umayos naman ako ng pagkakaupo. "Ikaw nagluto niyan?" tanong ko sakanya at tumawa naman siya. Yung tawa niyang ang sarap sa tenga. Hay... "Hindi, di ako marunong magluto eh! Hahahaha!" sabi niya sakin. "Nako, kawawa naman pala magiging asawa mo niyan" biro ko sakanya.
"Hala? Di ka naman kawawa eh" natatawang sagot niya naman. "Weh! Pa fall" sabi ko sakanya at lalo naman siyang tumawa. "Kain ka na, subuan kita. Para lalo ka ma fall" sabi niya sabay kindat sakin at kinurot ko naman siya sa tagiliran. Natawa naman ako kasi nag act pa siya na kala mo masakit yung ginawa ko. "So kailan tayo uuwi?" tanong ko sakanya after namin kumain.
"Gusto mo na ba bumalik? Ihahatid na kita dun" sabi niya sakin. At tinignan ko naman siya ng seryoso. "Di ka sasama?" tanong ko naman sakanya at umiling siya. "Edi dito na lang ako. Basta kung nasan ka, dun rin ako" sabi ko sakanya at parang nagulat pa ata siya sa sinabi ko. Napansin ko yung pamumula ng pisngi niya. Bigla siyang tumalikod sakin at tatayo na sana siya ng hatakin ko siya pabalik.
"San ka pupunta?" tanong ko sakanya at di siya makatingin sakin. Kala mo ikaw lang marunong bumanat ah? "Eh ibaba ko to para di tayo langgamin dito." Sabi niya sakin at naisipan ko naman siyang i tease. Kinuha ko yung dala dala niyang food at umupo ako sa lap niya. Napansin ko naman na nakayuko pa rin siya kaya inangat ko yung mukha niya at dinikit ko yung noo ko sa noo niya. "Nag blush ka rin pala?" asar ko sakanya at nakita ko na naman siya ngumuso.
Sa sobrag cute niya ay hindi ko na napigilan na halikan siya. "Sorry, I can't help it kasi. Masyado kang pa cute" natatawang sabi ko sakanya at tatayo na sana ako ng bigla niya ako hatakin pabalik sa lap niya. Uhh parang bad move ata yung ginawa ko? Nakita ko na naman kasi yung mata niyang yon. Naalala ko yun, yun yung kulay ng mata niya nung unang beses namin gawin yun.
"Tatayo na ko. Ako na maghuhugas. Hintayin mo na lang ak--" di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla niya kong halikan. Sabi na nga ba wrong move eh. Yung halik niya na nakakabuhay ng dugo. Pakiramdam ko ay sasabog na ko sa init na nararamdaman ko. She was about to took off my shirt ng biglang mag ring yung phone niya. Parehas naman kaming napatayo ang pagtingin ko sa screen name ay Manager Oppa ang nakalagay. Sakto rin naman na nag ring rin yung phone ko at napatayo ako.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fiksi Penggemar"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."