Lost

360 15 0
                                    

Jisoo POV

"Babalik rin yun" napalingon na lang ako sa taong nagsalita. Pagtingin ko si Hae in pala. Mapait naman akong ngumiti sakanya. "Siguro" sagot ko at ayun, naiiyak na naman ako. Kapag iniisip ko pa lang na mawawala siya sakin at hihiwalayan niya ko parang hindi ko kaya :( Nadudurog yung puso ko.


Lumapit naman sakin si Manager Oppa at nag abot ng tissue. "Jisoo naman. Dibale bukas for sure babalik na yun dahil promotion niyo na ng Love sick girls. Hindi pwedeng hindi siya magpapakita sainyo" sabi nito sakin. Naalala ko, bukas na nga pala yun. Makikita ko na siya ulit bukas. Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko, kung matatakot ba o matutuwa.


"Di ka nun matitiis ano ka ba. Parang di mo naman kilala si Lisa" sabi pa sakin ni Oppa kaya napangiti naman ako. Sana nga.. After ng shoot namin ay sabi ko kay Oppa dumaan muna kami sa Mall para bumili ng chocolate para kay Lisa. Alam ko naman gusto niya rin yun, bukas na lang ako oorder ng fries para food namin apat. Namimiss ko na kasi siya, di na ko makapaghintay makita siya ulit.


Pagkauwi ko sa dorm ay nakita ko si Chaeng at si Jennie na seryosong naguusap. "Unnie dami mong dala ah, samin ba yan" natatawa niyang sabi at ngumiti naman ako sakanya "Kay Lisa, pero kuha na rin kayo." Sabi ko sakanila at para naman silang nagulat sa sinabi ko. "Pupunta kaya yun bukas?" tanong ni Chaeng sakin. "Siguro, kasi papagalitan siya ni Mr. Yang kung hindi diba?" sabi ko naman sakanya. Napansinko naman si Jennie na namumugto yung mata.


"Jennie, ano nangyari?" nagaalalang tanong ko sakanya pero nginitian niya lang ako. Yung alam mong pilit? "Wala naman Unnie. May iniisip lang ako, pero okay lang ako" sabi niya at niyakap ko naman siya. "Kamusta pala si Irene? Nagkita na ba kayo?" tanong ko sakanya at nagkatinginan naman sila ni Chaeng. "A-ah eh.. wala siya dun Unnie sa unit niya eh, baka nasa Daddy niya pa" sabi niya sakin sabay layo ng tingin. Ano kaya nangyari dito kay Jennie? May problema kaya to?


"Okay sige, maaga pala tayo bukas no? Tingin niyo ba papansinin ako ni Lisa?" tanong ko sakanila at di naman sila sumagot. "Maging positive ka lang Unnie, okay?" sabi naman sakin ni Chaeng at ngumiti naman ako sakanya. Sabagay, walang magandang maidudulot yung pagiging nega ko. Nagpaalam na ko sakanila kasi magbibihis na ko at maaga pa kami bukas.


After ko magbihis ay nahiga na ko sa kama ko. Napansin ko naman na nalaglag yung picture frame naming dalawa. Masayang tinignan ko yun. Eto yung araw na sinagot ko siya. Dahil dun ay hindi ko na naman mapigilan maiyak. Maya maya ay may narinig akong kumatok sa pinto ko. And its Rosè. "Unnie, umiiyak ka na naman diyan" sabi niya sakin sabay upo sa upuan.


"Bat di ka pa matulog?" tanong ko sakanya. "Wala lag, chineck lang kita. Ready ka na ba bukas?" tanong niya sakin sa totoo lang hindi ko alam kung ready na nga ba ako. Pero mas nangingibabaw sakin yung pagkamiss ko sakanya. "Miss ko na talaga siya Chaeng" sabi ko at naluha naman. Niyakap niya naman ako ng mahigpit. "Kailangan mo magiging matatag Unnie okay? Basta lagi lang kaming nandito para sayo" sagot niya naman sakin.



Comeback day


Maaga kaming nakarating na tatlo dito sa building para sa promotion ng The Album. Usually, ganito kami kapag may comeback kasabay namin yung fans na nag countdown pero ginagawa namin yun sa pag Live Stream. Ilang minuto na lang ay mag sstart na kami pero kinakabahan pa rin ako. Wala pa rin kasi si Lisa, at the same time hindi ko alam pano ko makikipag usap sakanya.


Hinawakan naman ni Jennie yung kamay ko at ngumiti siya sakin. "Wala pa ba si Lisa?!" na sstress na tanong ni Oppa. Anong oras na kasi, magsisimula na yung Live wala pa siya. Maya maya pa ay may nakita kami na naglalakad papunta dito sa kinauupuan namin. And there she is... hindi ko ma explain, after 3weeks ng hindi ko siya nakita ay ganun pa rin siya. Siya pa rin yung Lisa na kinababaliwan ko.


Bigla naman napahigpit yung hawak ko kay Jennie ng makita ko siya na naglalakad na papasok dito. "Unnie.." tawag nito sakin at halos maputulan ako ng hininga ng makita ko siyang dumaan samin at ngumiti. Katabi niya ngayon si Chaeng. Hindi tuloy ako makapag focus ngayon, parang nawala ako da ulirat. Yung taong iniiiyakan ko ng halos isang linggo ay nandito na ngayon sa harapan ko. At napakalapit niya lang sakin.


"Girls, mag live na tayo ha? In 3, 2, 1.."

Sa totoo lang, hindi ko alam ang irereact ko kanina sa Live namin. Parang naging normal lang sakanya lahat ng bagay. Normal lang sakanya na kausapin ako ng ganun. Na para bang bumalik siya sa stage kung saan magkaibigan lang kaming dalawa at ako ang Unnie niya. Sa totoo lang ay nasasaktan ako at the same time ay hindi ko alam yung gagawin ko. Para akong unti unting pinapatay sa nakikita lo.


"Kamusta na Unnie? Nagkausap na ba kayo?" tanong sakin ni Chaeng. Magkakasama kasi kaming tatlo ngayon for break. "Hindi pa, hindi ko alam pano ko sisimulan Chaeng. Parang natatakot ako sa posible niyang sabihin sakin" sabi ko sakanya at alalang tumingin naman siya sakin. "Ayan na, tapos na siya kausapin ni Oppa lumapit ka na" sabi niya pa sakin. At nakita ko naman na paalis na siya kaya tumakbo ako na papunta sakanya para habulin siya.


"Lisa!" Sigaw ko sakanya at huminto naman siya at tinignan ako. Iba na yung tingin niya ngayon sakin.. bakit ganun? :(


Magsasalita pa lang sana ako ng biglang dumating yung isa pa namin Manager. "Lisa, buti nandiyan ka pa. Tara na may shooting ka pa sa youth with you ngayon" sabi nito kay Lisa. Tinignan ko naman siya at napansin ko na tumalikod na siya kaya tinawag ko siya ulit. "Lovee.." mahinang sabi ko sakanya at lumingon naman siya sakin.


"Sorry Unnie, may shoot pa ko. Next time na lang pag di na busy schedule ko." Sabi niya sabay lakad palayo. Inantay ko kung lilingunin niya ba ko o babalikan dito pero hindi... wala na siya sa paningin ko, at dun na nagsimula gumuho yung mundo ko. Napaluhod na lang ako sa sakit at hindi ko mapigilang maiyak. Bakit ganun? Bakit nagbago na siya? Bakit ibamg iba na siya ngayon? Ayaw niya na ba talaga sakin?


Mga tanong na paulit ulit sa utak ko. Mga tanong na gusto ko magkaron ng kasagutan. Narinig ko naman na patakbong pumunta sakin sila Chaeng at pinapatayo ako. "Unnie, tumayo ka na diyan please" sabi niya sakin. Pero hindi ko mapigilan yung luha ko na kanina pa tumutulo. This time wala na kong pake kung madami man makakita sakin. Ang sakit. Ang sakit sakit sakit na makita siyang ganun sakin.


"Jisoo" naawang tawag sakin ni Oppa at tumayo na ko para yakapin si Chaeng. "Bakit? Bakit ganun? Hindi niya na ba ko Mahal? Bakit?" Paulit ulit na tanong ko sakanila pero wala silang mabigay na sagot sakin. "Oppa, anong oras matatapos yung shoot niya? Hihintayin ko siya dun" sabi ko kay Oppa pero tumingin lang to sakin. "Umuwi ka muna Jisoo. Palamigin niyo muna yung sitwasyon okay?" Sabi nito sakin.


Parang pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Parang hindi ko na kaya pa patagalin ng isang araw pa. Gusto ko na siyang makausap eh :( Gusto ko na siyang mayakap. Kung kinakailangan magmakaawa ako at lumhod sakanya bumalik lang siya sakin gagawin ko. Kung ayaw niya na nandito ako sa Snowdrop aalis ako. Bumalik lang siya sakin :( Makasama ko lang siya ulit.


Kasi sa totoo lang, ang hirap eh. Noong umiiwas ako sakanya ay hirap na hirap ako. Pano pa kaya kapag tuluyan niya na kong iniwan? Pano pa kaya kapag tuluyan na siyang umayaw. Hindi ko yun makakaya. Hindi :( Mahal ko siya. Sobrang Mahal ko si Lisa at akin lang siya..

Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon